HDHA - Thrity Two - Bitch Alert

2.3K 58 9
                                    

Hellooooo! UD ulit for today. :> Medyo mahaba, I think. Haha. Basahin nyo na lang guys. ☺

Salamat dun sa mga nagvote. Silent readers ko? Galaw galaw. :3

Para kay Rashia ang chapter na ito. :D

============================================================

THIRTY-TWO

Bitch Alert

LUIGI'S POV

Mga 6 am gising na ako. Naisipan kong magluto ng breakfast pero naalala kong wala ng pagkain kaya nagcup noodles na lang ako. Paano kaya lunch ni Eva mamaya? Pancit canton na lang ang natitira dito. Kaya naman nya na siguro maghanap ng pagkain. Malaki na sya at di ko na kailangan pang alalahanin pa. 

7am, nakaalis na ako ng bahay. Paglabas ng village ay nakasalubong ko si Queenie sa gilid na nag-aabang ng masasakyan. Shit. Nagdalawang-isip pa ako kung hihinti ako o hindi. Buti na lang talaga hindi ko tinapakan ang brake. Napaisip tuloy ako paano kaya ang pagkikita namin mamaya sa school? Damnit. 'Di ko alam kung paano ko sya haharapin o kakausapin. Dapat ko nga bang kausapin? 

"L-luigi. P-please. Nakikiusap ako sa'yo. Alalahanin mo." 

Alalahanin. Naalala ko na, Queenie. Pero dapat ko pa bang ipaalala? Hindi ko alam ang gagawin. Gusto kong takbuhan ang sitwasyon na ito. Pero paano? 

Mas pinabilis ko pa ang pagpaharurot sa kotse ko. Bahala na! Ako nga si Luigi Montero diba? Kung noon nagagawa ko, kaya ko rin ngayon. 

--o--

Umaalingawngaw na naman ang ingay ng mga tao sa university na ito. Tapos na ang weekend, kailangan ko na namang pumasok at mag-aral ulit. Minsan talaga napapaisip ako, parang gusto ko nang tumigil sa pag-aaral. Di ko lang magawa. Siguro dahil mataas ang pangarap sa akin ng daddy ko at ayaw ko syang biguin. Siya ang nagpalaki sa akin. Hindi katulad ng ina kong--Ah, wala! Tangina. Nangangatog lang ako sa galit kapag naaalala ko. 

"Lu!" tawag sa akin ni Alain na palabas ng kabilang corridor. Kasama na nya sila Cyrus at Jus. Lumapit sila sa akin. "Pre, guess what?" 

"Oh?"

Inakbayan ako ni Jus habang naglalakad kami. Saan naman ako daldahin ng gagong ito? "For the first time in College of Arts' History..." panimula nya. Ano? Di pa ituloy? Tumigil kami sa paglalakad sa tapat ng University Bulletin Board. Itinuro nya ang nakapost doon. Binasa ko naman. College of Arts Outing: October 14, 2014. "Magkaka-outing rin tayo pre! Yeaaaah!" 

"This sembreak, Lu. Ano? Game ka?" tanong ni Alain. Naghihintay yung tatlo sa sagot ko. Sasama ba ako? Hindi ko trip ang outing na ito. 

"Ayoko." sagot ko. Kumalas sa pagkakaakbay ang dalawa sa akin. Disappointed mga yan.

HE'S DATING HIS ANGEL ☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon