HDHA - Three - Amnesia Girl

4.1K 93 12
                                    

Chapter 3! Wooooh. Walang pasok ngayon kaya magu-UD ako. :) Sana dumami ang readers ng story ko na ito. Support ha guys? Add to RL po. Thank you ♥

Check Lee Min Ho sa gilid. Wahaha nasa shower!And our cute Shekinah -->

=======================================================

THREE

Amnesia Girl 

Nagsasalita pala ang babaeng ito pero bakit kanina kapag tinatanong ko sya ay hindi naman sumasagot? Binabaliw niya ako sa totoo lang. Hindi ko malaman kung paano ko i-hahandle ang ganitong sitwasyon. 

"Halika ka." tinawag ko sya para sundan ako sa guest room. Doon ko sya kakausapin. Nasa may pintuan na ako nung napansin kong nakatayo pa rin siya sa gilid ng kama. Aish! Lumapit ako sa kanya at hinila. Pagdating sa kabilang kwarto, sinabihan ko siyang umupo sa kama.

"Upo." Pero hindi siya umupo. Pucha! Hindi ba marunong sumunod sa utos ang babaeng ito? Para akong may Mentally Retarded person na kasama, hindi marunong sumunod o makinig. Nasa severe stage na ata kung saan hirap makaintindi sa lahat ng bagay. May saltik kaya siya? Ang simple simple lang ng pinagagawa ko. Hindi makaintindi. Parang bagong panganak lang. Tinalo pa ng 1 year old na bata.

Hinila ko na naman siya at pinaupo sa kama. Ayan! 

"Nasaan ang mga magulang mo?" tanong ko. 

Walang sagot.

"Ano bang nangyari sa'yo?"

Walang sagot.

"Ni-rape ka ba ha?"

Wala na namang sagot. F*ck, napipikon na ako. Parang kumakausap lang ako ng hangin. Baka ako ang magmukhang Mentally retarded dito? Bumuntong hininga ako ng malalim bago ko binato ang susunod na tanong ko.

"Anong pangalan mo?" last na talaga ito. Kapag hindi sya sumagot, ewan ko na lang. Hinintay ko ang sagot nya.

Umiling-iling siya. Ano?!

"Hindi mo alam ang pangalan mo?" Umiling siya ulit. Napahawak na lang ako sa ulo ko at ginulo ang buhok ko. Isa lang ang naiisip ko ngayon...may amnesia ang babaeng ito. Wala siyang matandaan kahit pangalan niya hindi niya alam. Ano kayang gagawin ko nito? Dadalhin ko kaya siya sa hospital? Hindi naman pwedeng magstay sya dito. 

Bumalik na ako sa kabilang kwarto para maghanap ng damit na pwedeng ipahiram sa kanya panandalian. Kaso habang naghahanap ako nagring ang phone ko. Tiningnan ko kung sino. Shit! Si Sir Vasquez...

HE'S DATING HIS ANGEL ☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon