Guyyyyyyyyyyyyyyyyyyys! Musta na kayo? WHOAAA! Ngayon lang ginanahan si author magUD. Grabe, namiss niyo ba sila Luigi at Kinah? Well, ito na ulit sila. Hehe! :)) Pero hindi masyadong focus itong UD na ito sa kanila. Basta read nyo na lang! ;)
Multimedia on the right --->
==========================================================
EIGHTEEN
The Dare
LUIGI'S POV
Matapos akong halikan ni Eva ay nginisihan nya ako. Ako, naiwang tulala lang. Parang hindi makamove on sa ginawa niya. Ewan ko ba kung bakit ganito nararamdaman ko. Basta hindi maintindihan.
"Huy, Ser! Baba na!" Bumalik ako sa ulirat ko nung sinilip niya ako sa loob ng kotse. Ah, takte.
Tinulungan ko siyang ipasok lahat ng pinamili namin. Pagdating sa sala, ay itinaas nya ang kanyang mga kamay sabay bagsak sa sofa. Tuwang-tuwa kamo ang itsura. "Hmm. Nakakabusog! Ang sarap talaga sa Mcdo, Ser. Sana maulit yun! Hihi." sabi niya. Tss. Palibhasa first time niya. Mukhang mabubutas ata bulsa ko nito kakalibre sa kanya ng McDo ah?
Teka, ano oras na ba?! "Tae!" nagulantang ako. Alas otso na pala. May party pa akong pupuntahan. Yung party ni Jess. Agad akong tumakbo paakyat at naligo. Sino bang may gustong umattend ng isang party na walang ligo ligo? Putek na. Gawain lang ng mga dugyot yun. HAHAHA. Di ako kabilang sa kanila.
9 pm...
Isang oras halos ako nag-ayos ng sarili ko. Nagsuot ng mapormang damit at nagwax pa ako ng buhok ko. Di talaga ako papahuli sa mga ganitong klaseng okasyon. Basta PARTY, kahit di ako bida magbibida-bidahan ako.
Naabutan kong hinahalungkat ni Eva ang mga shinopping namin. Ang kalat ng living room! "Ya! Ayusin mo mamaya kalat mo! Aalis muna ako!" Dire-diretso na akong lumabas ng pintuan nang tinawag niya ako. At hinabol.
"Ser! Saan ka pupunta?" nakakunot noo niyang tanong sa akin.
"Diyan lang. Dito ka lang, wag ka lalabas." Mabilisan kong sagot. Isasara ko na ang pinto nung pinigilan niya.
"Saan nga?"
"Diyan nga lang! Aish!" Pumaywang ako "Basta wag kang lalabas. Hintayin mo ako!"
BOOOOG!
Siniraduhan ko na siya ng pinto. Ang kulit talaga. Di ko pwedeng sabihin sa kanya na pupunta ako ng party. Alam kong ipagpipilitan na naman niyang sumama sa akin kahit di naman pwede. Mabuti nang maiwan siya. Hindi bagay sa inosente niyang pagmumukha ang pumunta sa ganoong klaseng party. Alam niyo na, inuman at kung anu-ano pa.
BINABASA MO ANG
HE'S DATING HIS ANGEL ☺
FantasyNang dahil sa paglabag sa batas ng Kalangitan, isang anghel ang mahuhulog sa lupa at mamumuhay ng NORMAL. WALANG ALAM SA ANO MANG BAGAY. WALANG PAMILYA. WALANG MEMORYA. Magmumukha siyang si "Eva". Upang makabalik sa langit, dapat siyang magtagumpay...