HDHA - Five - Human Angel

4.2K 102 13
                                    

UD for today. Sensya ngaun lang, sumama ang aking pakiramdam ko kagabi. :)) Happy reading! Happy 100+k reads. Sana tumaas pa. AJA! Support shekinah and Luigi :p Tingnan no yung sign sa gilid, Luigi and Shekinah :))

=======================================================

FIVE

Human Angel

As soon as I changed to my clothes, I left the center. As usual, a lot of my co-models bid me goodbye. All I did was bid them goodbye too. Damn, the next photo sessions where hot already. I peeked at them before I left the center. Expose na naman ang mga katawan nilang nakakagigil. Napaisip ko, kailan kaya ako ulit makakapagphotoshoot ng half-naked ulit? Nagkaroon na ako ng pictorial dati sa UNDER at ang suot ko nun? Briefs and underwear produced by their company. Ang mga sumunod na projects ko ay footwear and bottom. Sana may offer ulit. 

Pinaandar ko na ang kotse ko't tumakbo na. Balak ko na sanang umuwi pero may napatingin ako sa isang boutique na puro dresses ang benta. Naisip ko ang babaeng may amnesia. Since I have no clothing to lend her, why I don't her buy one? Nang magkaroon naman siya ng takip sa katawan. Hindi ko kakayanin na may kasama akong hubo sa loob ng bahay. Pucha. Malay nyo, mademonyohan ako at ako na ang makajackpot sa kanya. Biro lang! Ano ako manyak? Oo, aaminin may pagkamanyak talaga ako pero sa kilala kong tao. Hindi sa kung sinu-sino. At saka isa pa...malay ko ba kung may sakit ang babae na yun. Yari pa ako kung ganun. Tapos ang kinabukasan ko.

Nagpark ako sa may tapat ng boutique at pumasok sa loob. Ito na naman po sila. Ang mga mata nila, nagsimula ng tumitig sa akin. Habang naghahanap ako ng damit na pwedeng bilhin ay naririnig ko ang bulungan nila. Damn this women, hindi ba nila alam kung ano ang bulong? Rinig na rinig ko kasi. 

"Oh my gosh! Si Luis Montero yun diba?!" sabi nung isa.

"Oo nga, siya nga! Whoa! Sis, sis. Ano maganda na ba ako?" Tss. Mga babae talaga na ito. Makita lang ako tumitili na. Ano pa nga ba? Paanong hindi nila ako mapapansin kung nakikita nila ako sa mga billboards at minsan sa commercials. Ah, yeah. I haven't told this, I just don't do modelling but also acting...in commercials. I had my first commercial last year endorsing a deodorant for men. Hanggang sa nagsunod-sunod na, minsan men shampoos, beverages and the last one I did was a perfume endorsement. So far mga 6 commercials pa lang nagawa ko in last year. Hindi pa ako nagkakaroon ngayong taon. 

Ah, putek. Ang hirap makahanap ng damit na pwede sa kanya. Kanina pa ako hanap ng hanap pero wala talaga hanggang sa...nung paglingon ko sa likod may nakita ako. I saw it! The perfect dress for her. Hindi ko alam kung bakit ako masyadong mindful sa pagpili ng damit niya ang nasa isip ko lang ay gusto kong magsuot siya ng maganda. 

I took the dress and headed to the counter without looking the price. "I'll take this." I said to the cashier woman. Kitang-kita ko sa mukha niya na namumula siya.

"Uhh...Hmm." What? Does she wanna say something? 

"Ahh, sir!"--may isang saleslady ang biglang sumingit sa kanya. Itinulak pa niya yung babaeng nasa cashier--"Ano...pwede po bang magpa-autograph sa'yo?" Ay kinginang babae to. Hihingi na nga lang ng autograph, nagpapacute pa? Ang landi pa pakinggan ng boses niya. Lechugas. In the world of modelling, you have to be nice and smile often. Ito ang tinuro namin sa umpisa pa lang. 

HE'S DATING HIS ANGEL ☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon