HDHA - Thirty Five - The End

3.2K 59 18
                                    

Isang taon na palang ang He's Dating His Angel sa WP kasi September 2013 ko rin to inumpisahan eh. At the moment, HDHA has 38k reads. Hindi naging patok ang kwento, guys. Kaya ito na ang last chapter ng HDHA ngayon. Sorry kung mabibitin kayo! Gagawa na lang ulit ako ng ibang kwento. =] Here's the last chapter. Enjoy!

 =======================================================

THIRTY-FIVE

Confession

SHEKINAH'S POV

Pagtapos ni Cy tumugtog ay agad ko siyang niyakap. Di ko alam kung makakatulong ito pero sana umobra man lang para gumaan ang kalooban niya. 

"Wag ka na malungkot. Masaya ang mama mo ngayong dahil tumugtog ka. Wala man siya dito sa tabi mo, sigurado naririnig nya." malumanay kong sabi habang tinatapik-tapik ang likod niya. 

"Salamat, Kinah." sagot nya. Ngumiti lang ako. Hindi ko alam kung gaano ko siya katagal niyakap basta ang mahalaga ay mapakalma ko siya. 

Nung okay na ulit ang ihip ng hangin sa studio ay tinuruan na ulit ako ni Cyrus magpiano. Tinuruan nya akong tugtugin ang Twinkle twinkle little star pati Happy Birthday. Parang bata lang e noh? Ayos lang yun, beginner pa lang naman ako. Tsaka masaya kayang tugtugin para sa isang beginner na tulad ko. 

Matapos ang isang oras ng pagtuturo sa akin ni Cyrus ay nakaya kong tugtugin ang dalawang kantang tinuro niya. Tuwang-tuwa siya sa akin dahil ang bilis ko raw makapick-up. Ako rin, natutuwa sa sarili ko. Haha. Achievement! Mapaparinig ko na 'to kay Ser. Speaking...hindi pa rin kami nagpapansinan hanggang ngayon. Hay. Sana naman pag-uwi ko mamaya, pansinin niya ako. Natatakot na akong lumapit sa kanya dahil lagi na lang niya ako sinisigawan. 

--o--

LUIGI'S POV

Punyeta. Kanina pa ako inip na inip sa thesis meeting na ito! Ang sabi meeting, yun pala may gagawin din. Almost 8 hours na kaming nandito sa conference room ng library, discuss ng discuss ng kung anu-ano. Pinapagawa pa kami ng survey at questionnaire para sa implementation. Yamot na yamot na ako! Takte. Kanina ko pa rin chinickeck ang phone ko. Nagbabakakasali na baka may text ni Eva. Tss! Bakit ko nga ba hinihintay ang text nun? Eh hindi naman kami nag-uusap. Sa sobrang inis ay pabagsak kong inilapag ang phone sa table. 

Napatingin ang lahat ng thesis mates ko. At napatigil sa pagdidiscuss ang team leader namin. "Sensya. Labas muna ako." paalam ko sa kanila. Tumayo na ako't lumabas ng room dala-dala ang phone ko. Shit. Naiinip na ako! Gusto ko nang tawagan si Eva. Mukhang enjoy na enjoy siya kasama si Cyrus! Hayup. Anong pinaplano ng lalakeng yun? May gusto ba siya kay Eva? Pinopormahan niya?

Ring lang ng ring ang kanyang phone. Di niya sinagot ang unang tawag ko. Sinubukan ko ulit hanggang sa  nakatatlo, apat, lima...Walang sumagot na Eva sa kabilang linya! Bullshit. Aalis na ako! Wala na akong balak pang ituloy ang thesis meeting na 'to. Bumalik na ako sa room at kinuha ang mga gamit ko. 

"Luigi! Saan ka pupunta?" pahabol na tanong ni Queenie sa akin. Sinundan pa talaga niya ako at pinigilan. "Di ka pwedeng umalis, ano ba!" The fvck. Who the hell she think she is? Walang pwedeng makapigil sa akin. Di ko siya pinansin. Pagbukas ng elevator ay sumakay na agad ako. "Luigi!" Sumara na ang pinto ng elevator. Ngayon, saan ko hahanapin si Eva? Kailangan kong malaman kung saan si Cyrus. 

HE'S DATING HIS ANGEL ☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon