Chapter 01

902 6 0
                                    

Chapter 01

Nagising ako nang maramdaman kong may humahalik sa pisngi ko. Nagmulat ako at nakita ko agad ang mukha ng mahal ko.

"Goodmorning Deans."

Umupo ako. "Goodmorning Jems."

"Ligo kana, labas tayo."

"May training kami, Jems."

"Okay lang yan, Deans. Pinaalam na kita kay Coach Tai."

"Lakas mo talaga kay Coach Tai."

"Ganun talaga kapag maganda."

"Feeling."

Tumayo na ko at kinuha sa gilid yung towel ko. "Ligo na ko, Jems."

Hinalikan ko muna ito sa pisngi bago pumasok sa loob ng CR. Mabilis lang akong naligo dahil naghihintay sakin si Jema.

Si Jema ay captain ng Lady Falcons dati at girlfriend ko sya. Bisexual ako pero wala pa akong nagiging boyfriend at ang first girlfriend ko ay si Jema.

Halos three years narin kaming magka-relasyon ni Jema at may kunting tampuhan at minsan muntik na kaming magkahiwalay, kaso masyado ata kaming matibay kaya hindi natuloy.

Mahal na mahal ko si Jema at sya ang first love ko, si Jema lang sapat na. Hihih😉

"Deans bilisan mo."

Kumuha ako ng damit sa closet ko at pumasok muli sa CR para magbihis. Nakahiga kasi si Jema sa kama ko tsaka baka biglang may pumasok, makita pa sexy body ko. HEHEHEH!

Nang matapos akong magbihis, lumabas na ko nang CR at umupo sa edge ng kama ko.

Kinuha ko sa drawer yung suklay at sinuklay ang aking buhok na bagong rebond.

"Jems san tayo pupunta?" Tanong ko habang nagsusuklay.

"Kahit saan, basta makasama lang kita."

Ramdam kong uminit ang pisngi ko. Buti nalang nakatalikod ako. "Baka ma-issue na naman tayo."

"Natatakot kaba Deans? Three years na tayong mag-kasintahan. Hanggang ngayon hindi kapa rin sanay na binabash tayo."

"Hindi naman sa ganun, kaso alam mo naman."

Umupo ito at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Wag mo silang pansinin, basta tayo masaya."

Napangiti nalang ako at tumango. "Okay."

"Cge bilisan muna dyan para makaalis na tayo."

Nang matapos akong magsuklay, naglagay ako ng unting lip tint at kinuha sa drawer yung cellphone at wallet ko.

"Jems tara na."

Tumayo ito sa pagkakahiga. Hinawakan nito ang kamay ko at ginaya na ko palabas ng kwarto.

Pagbaba namin naabutan kong walang tao sa sala. "Nasan na sila, Jems?"

"Deans five thirty na, nasa training na sila."

Tumingin ako sa wall clock. Haluh? Five thirty na pala. Akala ko four o clock lang.

"Let's go."

Lumabas na kami ng dorm at sumakay sa kotse nya. Habang nasa daan kami, naisipan kong mag tanong.

"Jems, san ba talaga tayo pupunta?"

"Breakfast muna tayo sa turks tas punta tayo ng tagaytay."

"Hmm . . Cge, basta libre mo ah."

Tumingin ito sakin pero mabilis syang tumingin sa daan dahil baka maaksidente kami.

"Syempre, ako naman laging taya eh."

"Ikaw naman nanligaw eh."

"Oo na, yabang mo."

"Ganun talaga pag maganda."

Nakita kong inirapan ako nito kaya natawa nalang ako. Ahahahah, hindi talaga sya mananalo sakin.

Maya't-maya nakarating nadin kami sa turks. Nauna akong pumasok sa loob ng turks dahil inayos nya pa yung pag park sa kotse nya.

Naupo ako sa dulo. Maya't-maya pumasok narin si Jems at naupo sa harap ko.

"Deans, anong gusto mo?"

"Kahit ano lang."

"Order lang ako."

Tumayo ito at pumunta sa cashier. Nag cellphone muna ako dahil alam kong matatagalan si Jema. Medyo mahaba kasi yung pila.

Makalipas ang ilang minuto, naramdaman kong nakaupo na si Jema sa harap ko.

Hindi ko ito pinansin sapagkat nanatili lang akong nakatingin sa cellphone ko. Nagti-twitter kasi ako eh.

"Uy."

Bahagya akong sumulyap sa kanya at nakita kong nakaharap sakin ang cellphone nya.

Binalik ko ang tingin ko sa cellphone ko. "Suplada mo naman."

Hindi ko ito pinansin at scroll down lang ako ng scroll down sa twitter. Maya't-maya tinawag na yung number namin kaya tumayo na si Jema para kunin yung inorder nya.

Bumalik ito at may dala na itong pagkain, nagsimula na kami kumain at tahimik lang kaming dalawa. Ewan ko ba, parang wala ako sa mood mamansin.


~End of Chapter~


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

Second Love || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon