Chapter 10

357 6 1
                                    

Chapter 10

Deanna Point of View

Habang nag-uusap kami kanina ni Ricci biglang tumawag sakin si ate Maddie at sinabing nandun daw si Jema sa dorm kaya naman agad kong sinabi kay Ricci na ihatid na ko sa BEG.

Nang makarating kami sa BEG, agad syang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto.

Bumaba na ko. "Salamat Cci. Nag-enjoy akong makasama ka."

Sincere kong wika.

"Ako rin, sana may susunod pa." Nakangiti nitong wika.

"Oo naman." Nakangiti kong sabi.

"Pwede bang makuha number mo? Para naman maitext kita o makatawagan." Nahihiya nitong sambit.

"Sure." Sambit ko.

Matapos kong ibigay ang number ko, agad na kong nagpaalam at sumakay sa kotse ko.

Pinaandar ko na ang kotse ko papunta sa dorm. After fifteen minutes nakarating nadin ako sa tapat ng dorm.

Medyo natagalan ako dahil masyadong traffic. Marami kasing mayayaman na nag-aaral sa ateneo kaya karamihan sa students dito naka-kotse.

Pinark ko na ang kotse ko at naglakad na papasok. Nakita ko si Jema sa lobby na nakaupo sa couch.

Agad ko itong nilapitan. "Jems."

Tumingin ito sakin kaya nakita ko ang mukha nito. Bigla akong nag-alala ng makitang mugto ang mata nito.

"Deans." Yumakap ito sakin at narinig kong humihikbi ito.

Nilayo ko sya sakin at tinignan ng maigi. "Jems may nangyari ba?"

"Si . . . mama." Shit! Alam nya naba?!

"Anong nangyari kay tita?" Nag-aalala kong tanong.

"Sinugod namin . . . . sya kanina sa hospital at nalaman kong . . . . malala na . . . . ang cancer nya." Umiiyak nitong wika.

Kinomfort ko ito. Maya't-maya wala na kong naririnig na hikbi kaya nilayo ko ito sakin at nakita ko itong nakatulog na pala.

Haluh? Lagot.

Inayos ko nang upo si Jema at sinandal ko ang ulo nya sa couch. Lumapit ako sa nagbabantay sa eliazo dorm.

"Kuya pakibantayan muna si Jema, please." Sabi ko.

"Cge hija, akong bahala. Basta bumalik ka agad ah." Ngumiti lang ako dito at naglakad na paakyat.

Nang makarating ako sa tapat ng kwarto ni ate Mads, agad akong kumatok.

Binuksan ito ni Jaja. "Ja, andyan ba si ate Mads?"

"Opo ate Deans, pasok ka." Sabi nito.

Pumasok ako sa loob at agad nilapitan si ate Mads. "Ate Mads?"

"Oh deans, bat ngayon kalang? Kanina kapa hinahanap ni Jema." Sabi nito at umupo.

"Nandun nga sya sa baba ate eh, nakatulog na. May problema eh, pwede ko ba syang samahan muna sa condo nya?" Tanong ko. Please pumayag ka ate Mads.

"Anong problema nya?" Takang tanong nito.

"Bukas ko na sayo kwe-kwento ate, ano ate payag kaba? Iniwan ko sya sa baba na natutulog eh." Sabi ko.

"Cge, wala rin tayong training bukas kaya okay lang." Yes!

"Cge ate, bye!"

Kiniss ko ito sa pisngi at nagbabye sa ibang rookies then agad ko nang binalikan si Jema.

Mahina kong tinapik ang pisngi nya. "Jems gising."

Bulong ko.

"Hmm . ." Ungol nito.

Nagmulat ito. "Tara Jems, uwi na tayo. Samahan kita sa condo mo."

Nakangiti kong sabi at inabot ang aking kanang kamay para tulungan sya tumayo.

Tumango lang ito at sabay na kaming lumabas. "May dala kabang kotse?"

"Meron."

"Yun nalang gamitin natin, nasan yung susi?"

Inabot nito sakin. Pinagbuksan ko sya ng pinto at pagpasok nya sa shotgun seat ay sinara ko na at pumasok na sa driver seat.

Kinabit ko ang seatbelt ko. "Matulog ka muna, medyo malayo dito condo mo kaya sleep muna. Gigisingin kita pag nandun na tayo."

"Nagpaalam kaba kay Maddie?"

"Oo, wala kaming training kaya pwede."

"Okay."

Pinaandar ko na ang kotse at tahimik lang akong nagdadrive. Biglang nag red light kaya huminto ako tinignan si Jema.

Nakita ko itong natutulog na mahimbing at bakas pa sa mukha nya ang mga luhang lumabas sa mata nya.

Dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko at hinalikan ito sa noo. Pinaandar ko na muli ang kotse.



Ricci Point of View

Nang makauwi ako sa bahay, agad akong sinalubong ni Peppa at ni Allen.

"Nasan sila?" Tanong ko at kinarga si Peppa.

"Wala pa si kuya Prince at kuya Rash, tas si mom natutulog and si kuya Gelo at daddy Paolo ay may pinuntahan, kasama nila si Ashton."

Sabi ni Allen.

"Okay, nag-meryenda naba kayo?" Tanong ko at naupo sa couch. Nasa lap ko si Riley at nasa tabi ko naman si Allen.

"Hindi pa nga kuya eh." Sabi ni Allen.

"I want pizza." Galak na sabi ni Riley.

"Me too kuya." Sabi din ni Allen.

"Okay, okay. Order lang ako." Sabi ko at dinukot sa bulsa ko yung cellphone ko.

Dinial ko ang number ng s&r at umorder ng special pizza nila. Nilapag ko yung cellphone ko sa center table at kinuha yung remote para buksan ang TV.



~End of Chapter~

Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter



Second Love || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon