Chapter 06

389 3 3
                                    

Chapter 06

Deanna Point of View

Malungkot akong umuwi sa dorm, tinanong ako ni Jema kung bakit malungkot ako pero ngiti lang ang naisagot ko.

Gusto kong sabihin ang totoo pero pinili ko nalang tumahimik dahil nangako ako kay tita na wala akong pagsasabihan.

Pagpasok ko sa loob, naabutan ko silang nagbibihis. "Oh ate Deans, bat malungkot ka?"

Tanong ni Jaycel nang makita ako.

"Ako malungkot? Hindi kaya." Ngumiti ako ng malapad.

"Ah okay. Akala ko malungkot ka ate? Pag may problema ka ate andito lang kami, walang masama mag share." Nakangiti nyang wika.

"Salamat. Cge bibihis na ko."

Umakyat na ko at pumasok sa loob ng kwarto namin ni Ponggay. Nagbihis ako ng pang-training ko at pagtapos ay lumabas na habang bitbit ang gym bag at cellphone ko.

Naabutan kong nagsisintas ng sapatos si Jaja. Kapatid ni ate Jho. "Ja nasan si ate Mads?"

"Nasa labas ate."

"Cge una na ko ah."

Tumango lang ito. Lumabas na ko at nakita kong papaalis na si ate Mads kaya binilisan ko maglakad.

"Ate Mads!"

"Bilisan mo Deans."

Agad akong sumakay sa shotgun seat. "San ka galing?"

Tanong nito at nagsimula na magdrive. "Kila Jema ate."

"Ah okay. Nga pala nasan si Jaja?"

"Naiwan sa dorm."

"Hindi magte-training?"

"Magte-training kaso nagsisintas pa ng sapatos." Sumulyap ako sa relo ko. "Maaga pa naman ate. Three thirty palang naman."

"Eh maglalakad lang yun eh."

"Hindi ah, may kotse sya."

"Huh? Wala namang kotse yun eh."

"Nakita ko yung kotse ni ate Jho eh, baka iniwan muna kay Jaja."

"Siguro."

Nagpark na ito at bumaba na kami ng kotse. Sabay kaming pumasok sa loob ng BEG.

Naabutan namin yung mga rookies na nagkwe-kwentuhan. Umupo kami sa mga tabi nito.

"Wala pa si Coach Oliver?" Tanong ni ate Mads.

"Wala pa ate." Sagot ni Ayumi.

"Bat walang men's volleyball?" Takang tanong ko.

"Hay na ko Deans, palibhasa lagi mong kasama si Jema kaya wala kang balita sa kanila. Nasa ibang bansa sila ngayon at bukas na ang balik nila." Sabi ni ate Mads.

Haluh? Kaya pala ilang araw ko na silang hindi nakikita. "Sorry na ate Mads. Alam mo naman na sinusulit ko lang ate habang wala pang UAAP. Baka nga hindi na kami magkita ni Jems pag nagopen na ang UAAP eh, kaya nga sinusulit ko na ate."

"I understand Deans, pero sana wag lang kay Jema umikot ang araw mo. Nandito kami Deans, hindi lang si Jema ang girlfriend mo. May kaibigan ka rin." Malungkot na sabi ni ate Mads.

"I'm sorry ate Mads, don't worry babawi ako sayo." Sabi ko at niyakap ito.

Niyakap rin ako nito pabalik. Hyst! Nagkukulang na pala ako sa mga kaibigan at teammates ko. Promise babawi ako.





Ricci Point of View

Nang matapos ang class ko, agad akong lumabas ng classroom. Habang naglalakad ako sa hallway, nakasalubong ko si Mich kasama si Tyler.

"Oh Cci. Pauwi kana?" Tanong ni Mich nang makita ako.

"Oo eh." Sagot ko. "San punta nyong dalawa?"

"Magde-date, sama ka bro." Aya ni Tyler pero umiling lang ako.

"Wag na bro. Uuwi narin ako, hinihintay ako ni Peppa eh." Sabi ko.

"Cge bro, una na kami." Sabi ni Tyler.

Ngumiti lang ako at naglakad na papunta sa parking lot. Sumakay ako sa kotse ko at pinaandar pauwi ng bahay.




~End of Chapter~




Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

Second Love || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon