Chapter 02

534 4 1
                                    

Chapter 02

Deanna Point of View

Nandito na kami sa tagaytay. Hindi ko alam kung anong lugar ito or san banda basta ang alam ko, nasa isang lugar kami kung saan walang maririnig kundi hangin at tunog ng ibon.

Tahimik kaming nakaupo sa tabi ng puno at pinagmamasdan ang kalawakan.

"Ang ganda dito noh? Ang sarap ng hangin."

"Mas maganda ka dyan." Sabay wink ko.

Natawa na lang ito at niyakap ako patagilid. "Mamimiss kita."

"Bat naman? Aalis kaba?" Takang tanong ko.

"Hindi, kaso malapit na ang season 82. Magiging busy ka na naman tas ako sa condo ko lang." Malungkot nyang wika.

"Okay lang yun, kahit maging busy ako, lagi parin kitang tatawagan at bibigyan ng time para makasama mo ko." Nakangiti kong wika.

Malapad akong ngumiti para malaman nyang totoo ang sinasabi ko. "Talaga?"

"Oo, para sayo."

Ngumiti ito ng todo at lalong hinigpitan ang yakap sakin. Okay lang naman dahil alam kong walang ibang tao dito kundi kaming dalawa lang.

→Fast Forward←

Bandang hapon ay umuwi narin kami agad, hinatid nya ko sa tapat ng dorm at agad umalis.

Tumawag kasi kanina sa kanya si Coach Tai at may training daw ang CCS. Hindi na si Coach Tai ang coach namin, may bago na kaming Coach at si Coach O yun. Coach ng men's volleyball.

Pagpasok ko nakita ko si Yumi sa lobby na nakaupo sa maliit na couch. Si Yumi ay bago naming teammates, marami pa sila. Hindi ko alam kung nasan sila, baka nasa taas.

"Yumi." Nilapitan ko ito.

"Oh ate Deans."

"Bat nandito ka?"

"Hinihintay ko po kasi si mama, may ibibigay daw po sila sakin."

"Ah okay. Cge akyat na ko ah."

Tumango lang ito. Umakyat na ko sa taas at pumasok ako sa loob ng kwarto namin ni Ponggay.

Naabutan ko itong nagce-cellphone at mukhang kilig na kilig pa habang nagta-type.

"Pongs."

Muntik nya ng maibato ang cellphone nya dahil sa pagkagulat. "Kanina kapa dyan?"

Gulat nyang tanong at nanlalaki ang mata. Humiga ako sa kama ko. "Oo, bakit?"

"W-wala." Bumalik na muli ito sa pagce-cellphone.

Kinuha ko sa bulsa ko ang aking cellphone at tinext si Jema.

"Ingat sa pagdadrive." Text ko.

Nilapag ko sa side table yung cellphone ko. Tumagilid ako at pinikit ang aking mata.





Ricci Point of View

Nang matapos kong makausap yung coach ko sa UP, agad akong umuwi sa bahay.

Pagpasok ko sa loob, agad sumalubong sakin si Riley. "Peppa!"

"Kuya!"

Yumakap ito sakin kaya binuhat ko nalang. "Nasan si mommy?"

"Ricci ikaw ba yan?" Narinig kong tanong ni mommy.

"Opo ma, nasan ka?" Tanong ko.

"Nandito ako sa kitchen." Sagot nito kaya naglakad ako papunta sa kitchen habang bitbit si Riley or should i say Peppa.

"Hi mommy." Hinalikan ko ito sa pisngi.

"Bat ngayon ka lang anak?" Tanong nito habang naghuhugas ng spoon and spork.

"Medyo napasarap po kasi yung pag-uusap ng coach kong bago." Nakangiti kong wika.

Pinaupo ko si Riley malapit sa sink. "Kamusta ka naman? Okay ka naba?"

"Oo naman ma, ako paba? Rivero kaya 'toh."

"Buti naman anak, akala ko mahihirapan ka eh."

"Hindi ma, masaya nga ako dahil magkakaron ako ng bagong ka-teammates."

"Hindi na kayo magka-teammates ni Prince. Magkalaban na kayo." Natatawang sabi ni mom.

"Oo nga mom eh, pero brothers parin kami."

Tinanggal nito ang gloves sa kamay at kinuha sakin si Peppa. "Magpahinga kana Cci, mamaya gigisingin kita para mag-dinner."

"Okay ma. I love you ma." Hinalikan ko sya sa pisngi, ganun din ang ginawa ko kay Peppa.

Umakyat na ko sa kwarto ko at nagpalit muna ng damit bago nahiga sa kama. Nag-alarm ako ng seven o clock tas natulog na.



~End of Chapter~



Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

Second Love || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon