Chapter 27

318 5 1
                                    

Chapter 27

Ponggay Point of View

Nagising ako nang madaling araw ng marinig kong may umuungol. Dahan-dahan akong nagmulat at tumingin sa gawi ni Deanna.

Nakita ko itong balot na balot ng kumot habang nanginginig. Nagmamadali akong tumayo at tinignan ito.

"Hmm . . "

Umupo ako sa kama nya at hinawakan ang noo nya. "Sobrang init mo." Bulong ko.

Dahan-dahan itong nagmulat at mapungay ang mata nya. "Pongs."

"Wait lang, Deans."

Lumabas ako at kinatok ang pinto ni ate Mads kahit madaling araw palang. Bumukas ang pinto at si Yumi ang nagbukas.

"Bakit ate Pongs?" Tanong nito at nagkakamot pa ng mata.

"Pwede pumasok, inaapoy kasi ng lagnat si Deanna eh." Sabi ko.

Tumango ito at niluwagan ang pinto. Pumasok ako sa loob at nakita ko si Captain na mahimbing na natutulog, kahit si Jaja at Jaycel ay mahimbing ang tulog.

Nilapitan ko si Captain at niyugyog ang balikat. "Captain gising."

"Hmm?"

Nagmulat ito. "Pongs?" Sumulyap ito sa orasan. "Madaling araw palang, Pongs. Bat nang iistorbo ka?"

"Ate Mads inaapoy ng lagnat si Deanna." Natataranta kong sabi.

Bigla itong napabangon kaya nagka-untungan kami. "Aray!/ouch!"

"Nasan si Deanna?" Nag-aalala nyang tanong.

"Nasa room namin, sobrang init nya captain." Sabi ko.

"Tara." Sabi nito at tumayo then nagsuot ng tsinelas.

"Yumi salamat ah." Sabi ko kay Yumi bago kami umalis.

Pumasok kami sa kwarto at chineck ni ate Mads si Deanna. "Shit! Sobrang init nya nga. Ponggay kumuha ka ng tubig at towel."

Pumasok ako sa CR ng kwarto namin at kinuha yung tabo then nilagyan ko ng tubig at nilagyan ko rin nang unting mainit na tubig para hindi ganun kalamig.

Lumabas na ko nang CR at binigay kay ate Mads yung tabo na may laman na tubig at towel na kinuha ko sa drawer.

"Pongs baba ka nga tas kumuha ka sa kitchen area ng paracetamol at tubig. Dalawahin muna yung gamot para hindi na tayo bababa mamaya." Utos ni ate Mads habang pinupunasan si Deanna.

Bumaba ako at kumuha ng gamot sa taas ng sink dahil doon nakalagay lahat ng gamot namin dito sa dorm, kumuha rin ako ng isang basong tubig.

Muling akong bumalik sa taas at inabot kay ate Mads yung gamot at baso na may laman na tubig.

"Ate dalin kaya natin sya sa hospital."

"Hindi na, gagaling din sya."

"Okay."

Maya't-maya nagpaalam na si ate Mads na matutulog na dahil may isa pang oras para matulog, ako naman ay hindi na natulog dahil kailangan ko bantayan si Deanna.

Baka kasi magising sya at may kailangan. Hyst! Bat ba kasi 'toh nagpaulan eh?

Siguro nag-away sila ni Jema.





Yumi Point of View

Natapos ang training namin, lahat kami ay nag-training pwera lang kay ate Deanna dahil may sakit ito at naiwan ito mag-isa sa dorm.

"Hi babe!" Bati ni James at hinalikan ako sa pisngi bago naupo sa harap ko.

Nandito kami ngayon sa mall dahil wala syang klase ngayon at ganun din sya kaya naman nagkita kami.

"Kamusta babe? Okay kaba sa dorm nyo?" Tanong nito habang nakangiti ng malapad.

"Oo, ang saya nga eh." Nakangiti kong sabi.

"Oo nga halata naman eh, kita ko rin sa mga ig stories mo eh." Sabi nya sabay tawa.

"Namiss kita." Bigla kong sabi.

"Mas namiss kita." Sabi nya.

"Order kana, gutom na ko." Sabi ko.

"Wait lang, oorder na ko." Sabi nya at tumayo na.

Pumunta sya sa cashier at umorder ng makakain namin, nandito kami ngayon sa inasal.

Maya't-maya bumalik ito at nagkwentuhan muna kami habang inaantay ang inorder namin.


End of Chapter


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

Second Love || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon