Chapter 04
Deanna Point of View
Habang nag-aayos ako ng gym bag ko sa bleacher, narinig kong may nagtatawanan na mga lalaki kaya nag-angat ako ng tingin.
Biglang huminto ang mundo ko at hindi ko maiwasan mapatitig sa mukha nito. Grabe! Ang gwapo naman nito.
"Deans bibig mo nakabuka."
Natauhan ako ng bumulong ko sa tenga si ate Mads. Napahawak ako sa bibig ko at ramdam kong namumula ako ngayon.
"Oh Deans, anong nangyari sayo?" Takang tanong ni Ponggay na galing sa shower room.
"W-wala." Sagot ko at umiwas ng tingin kay ate Mads dahil parang may sinasabi ang mga mata nito.
Sinukbit ko ang gym bag ko sa balikat ko at akmang aalis na ng bigla akong tinawag ni kuya Thirdy.
"Deans!"
Tumingin ako rito at sinenyasan nya namam akong lumapit sa kanya. Wala akong magawa kundi lumapit sakanya, kahit labag sa kalooban ko.
"Bakit kuya Thirds?" Tanong ko at sumulyap sa lalaking kasama nya.
"Nasan si Bea?" Tanong ni kuya Thirdy.
"Kanina pa umalis kuya Thirdy, maaga daw kasi class nya eh." Sagot ko at tumingin sa lalaking kasama nito.
Nakatitig ito sakin kaya medyo nailang ako, nagiwas nalang ako ng tingin dahil parang matutunaw ako sa titig nya.
"Ah okay. Nga pala Deans si Ricci Rivero. Ricci si Deanna Wong." Ngumiti ito at nilahad ang kamay.
Ayoko naman maging rude kaya tinanggap ko ang kamay nito. Para akong nakuryente kaya naman bumitaw din ako agad.
"Cge Deans alis na kami."
Naglakad na sila paalis habang ako ay nakahabol tingin lang kay Ricci. So sya pala si Ricci Rivero, yung heartthrob ng la salle.
Lumabas na ko at nakita ko si Jema na nakatayo sa gilid ng kotse ko. Naglakad ako palapit rito pero bigla itong pumasok sa loob ng kotse ko kaya sumakay nalang din ako sa shotgun seat.
"Hi baby." Hinalikan ko ito sa pisngi.
Tinignan nito ako at cold ito habang nakatitig sakin ng diretso. "Pumasok ako sa loob."
"Tapos?" Kunot noong tanong ko.
"Nakita kita na may kahawak na lalaki." Seryosong sabi nito.
Bigla naman akong natawa kaya lalog sumeryoso ang mukha nito at bahagya pang kumunot ang noo.
"Are you jealous?" Natatawa kong tanong at hinagis sa backseat ang gym bag ko.
Tinaasan naman ako ng kilay nito. "Of course not!"
"Sus, umamin kana Jems. Ngayon kalang naman aamin eh." Asar ko at ngumiti ng malapad.
"No! Hindi ako nagseselos, naiinis lang ako." Inis nyang sabi.
Patuloy parin ako sa pagtawa. "Hay naku Jems, kelan kaba aamin?"
"Wala akong aaminin, Deans. Tara na nga." Umayos ito ng upo at kinuha sakin yung susi ng kotse ko.
Tahimik lang kami habang binabaybay ang daan patungo sa bahay nila Jema. After an hour nakarating nadin kami sa kanila, nauna na kong pumasok sa loob ng bahay nila dahil magpa-park pa sya.
Naabutan kong nanonood ng TV si Tita. Mommy ni Jems.
"Hi tita!"
Tumingin ito sakin.
Dali-dali akong umupo sa tabi nya at niyakap syang mahigpit. Maya't-maya humiwalay nadin ako.
"Kamusta na hija?"
"Okay naman tita. Maganda parin."
"Ikaw talaga. Nasan nga pala si Jems?"
"Nagpaparada pa po."
"Dito kaba magdi-dinner?"
"Hindi tita eh, may training din kasi kami mamayang hapon. Pero don't worry, dito ako magme-meryenda."
"Good. Ipagbe-bake kita ng cookies maya-maya at ipagbabaon pa kita."
"Talaga tita? Thank you."
"Hi mom!"
Napalingon kami sa pinto at nakita namin si Jema. Lumapit ito sa mommy nya at hinalikan sa pisngi then umupo nasa tabi ko.
Ricci Point of View
Hanggan ngayon ay hindi parin mawala sa isip ko yung babae na nakilala ko kanina. Yung pinakilala sakin ni Thirdy.
Grabe! Ngayon lang ata ako naging interesado sa isang babae. Dati naman kasi wala akong interest sa mga babae, pero ngayon kakaiba si Deanna.
Sa kanya lang ako naging interesado. Hmm . . Baka feeling ko lang yun.
"Ricci kamusta na kayo ni Mich?" Tanong ni Thirdy habang naglalakad kami papunta sa dorm nila.
"Anong kayo? Walang kami noh!"
"Sus, Micci nga daw eh." Kinikilig na sabi ni Thirds.
"Tsk! Shiniship lang kami pero walang kami. Bestfriend lang turing namin sa isa't-isa."
"Sure?" Paninigurado nya.
"Oo, tsaka may boyfriend na po yun."
Huminto ito sa paglalakad at humarap sakin. "Si Mich may boyfriend?"
"Oo, hindi mo alam?"
"Hindi." Sagot nito.
"Si Tyler ang boyfriend nya ngayon. Hindi ba binanggit sa inyo ni Tyler?"
"Lokong Tyler yun ah." Nagpatuloy na ito sa paglalakad. "Wala man lang sinabi samin."
Inakbayan ko nalang ito at bahagyang kinutusan kaya kinutusan nya rin ako. Tatadyakan pa sana ako nito pero mabilis akong tumakbo palayo sa kanya at tumawa ng napaka-lakas.
~End of Chapter~
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

BINABASA MO ANG
Second Love || #Wattys2018
FanfictionRicci Rivero and Deanna Wong DeanCci Fanfiction Started Writing: July 1 2018 Ended Writing: September 30 2018 Warning: Plagiarism is a crime. ©Hellofeye Stories 2018