Chapter 03
Deanna Point of View
Nandito ako ngayon sa tabi ng dugout at pinapanood ang laban ng creamline. Katabi ko si Celine Domingo. May sinusuportahan din kasi siya.
Bigla itong kumanta ng isang sulyap mo at hinarap sakin ang camera ng phone nya.
"Sinong sinusuportahan mo na naman?" Mapanukso nitong tanong.
"Si ate Jia." Kinikilig kong wika.
"Ahahah ang galeng." Hinarap nito ang camera dun sa game.
"Si Jema oh." Sabi nito kaya bahagya kong kinurot sa tagiliran.
"Ahahahah!" Tawa nito.
Hinayaan ko nalang sya tumawa dahil parang nababaliw narin sya. HAHAH!
→Fast Forward←
Natapos ang game at talo sila, pero okay lang yun dahil may chance pa naman sila. Hindi pa huli ang lahat.
Pumasok ako sa dugout at nakita ko ang creamline na pinapagalitan ni Coach Tai.
"Coach." Tawag ko kay Coach Tai.
"Oh Deans, bat nandito ka?" Tanong ni Coach Tai.
"Wala po coach." Sagot ko.
"Cge alis na ko ah." Bumaling ito ng tingin sa creamline. "Kayo! Ayusin nyo ang next game nyo, understood?"
"Yes Coach Tai!" Sabay-sabay nilang wika.
Tinapik muna ako sa balikat ni Coach Tai bago tuluyan umalis. Nilapitan ko si Jema at naupo sa tabi nya.
"Are you okay?"
"Oo naman, ako pa."
"Sure?"
"Yes, tsaka may chance pa naman."
"Okay, sabi mo eh."
Tumayo ako at umupo naman ako sa tabi ni ate Jia at ate Ly.
"Kamusta ka ate Jia?" Tanong ko. Ilang buwan narin kasi kaming hindi nagkikita.
"Okay naman Deans, ikaw?" Tanong din nya.
"Okay din naman ate, nagsisimula narin kami mag-training with rookies." Nakangiti kong saad.
"Buti naman, galingan mo ulit ah. Alam mo proud na proud ako sayo kasi first game mo palang bilang setter, best setter kana agad." Nakangiti nyang wika at bahagyang tinap ang ulo ko.
Nakatingin lang samin si ate Ly habang nakangiti. Maya't-maya umuwi narin ako, hindi ko na hinatid si Jema dahil wala naman akong dalang sasakyan.
Ayoko naman magpa-hatid kay Jema, alam kong pagod yun kaya nag-grab nalang ako.
Nakarating ako sa dorm bandang seven thirty at naabutan ko silang lahat sa dining area na kumakain ng dinner.
"Oh Deans! Halika kain na tayo." Aya ni Ponggay at tinap pa nya ang katabi nyang upuan na kasalukuyang walang nakaupo.
Bumeso muna ako kay ate Mads bago naupo sa tabi ni Ponggay. "Kamusta naman laro nila ate Jia?"
Tanong ni Ponggay habang naghahanda ako ng makakain ko.
"Okay naman, yun nga lang talo sila." Sabi ko at nagsimula na kumain.
Nagtatanong sila sakin habang ako ay puro tango lang ang sinasagot ko. Nang matapos kaming kumain, ako na ang naghugas dahil ako ang nakatoka sa hugasin ngayon.
Ricci Point of View
Habang papasakay ako sa kotse ko kanina, may nakita akong babaeng sasakay ng sasakyan at para syang familiar.
Hindi ko lang matandaan kung saan ko sya nakita, basta familiar sya sakin. Hindi sa malamang dahilan, parang gusto ko syang makilala. Ewan ko, basta feeling ko gusto ko syang makilala.
"Cci kelan ka daw makakalaro?" Tanong ni Dad habang nanonood kami.
"Sa season 82 pa daw po." Magalang kong sagot.
"Kelan simula ng training mo?" Tanong nito ulit.
"Hindi ko pa po alam eh. Pero baka next month na po." Sagot ko.
Hinawakan ako nito sa shoulder. "Goodluck sayo anak."
"Thanks dad."
"Cci! Paolo! Kakain na!" Sigaw ni mom.
Tumayo na kami at pumunta sa dining area, naabutan ko silang lahat na nakaupo na pwera lang samin ni dad.
Naupo narin kami at nagdasal muna bago kumain. Nakita kong sinusubuan ni mom si Riley kaya binilisan ko ang pagkain ko at ako na ang nagsubo kay Riley para makakain naman si mom.
→Fast Forward←
Maaga akong gumising dahil pupunta ako ng ateneo. Pinapapunta kasi ako ni Thirdy sa Blue eagles gym.
Saglit lang akong naligo at nagsuot lang ako ng pambahay. Kinuha ko na yung wallet, cellphone at susi ko then bumaba na ko.
Naabutan ko si mommy na naghahanda ng almusal. "Goodmorning mom. Nasan sila?"
"Mga tulog pa, ikaw? Bat nakabihis kana?"
"Pupunta po ko nang BEG eh."
Umupo ako at kumuha ng tinapay sabay kagat. "Ah lalabas kayo ni Thirdy?"
"Opo, tsaka may sasabihin daw po sya sakin eh."
"Ah okay." Humigop ako ng kape.
Maya't-maya tumayo na ko at nagpaalam na aalis na. Lumabas na ko at sumakay sa kotse ko. Pinaandar ko na papunta sa BEG.
~End of Chapter~
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

BINABASA MO ANG
Second Love || #Wattys2018
FanfictionRicci Rivero and Deanna Wong DeanCci Fanfiction Started Writing: July 1 2018 Ended Writing: September 30 2018 Warning: Plagiarism is a crime. ©Hellofeye Stories 2018