Chapter 36

371 3 0
                                    

Chapter 36

Bea Point of View

Nang matapos kami kumain, dumeretso kami sa arcade at naglaro. "Bea pataasan tayo, kapag nanalo ka ililibre ko kayong lahat ng cine, kapag nanalo naman ako ikaw naman manlilibre samin sa cine."

"Game!" Sabi ko kay Maddie at nagsimula na kami maglaro ng basketball.

→Fast Forward←

"Whooo! Guys ililibre tayo ni Bea ng Cine." Announce ni Maddie sa mga ka-teammates namin.

"Nanalo ka?" Tanong ni Ponggay.

"Oo." Sagot ni Maddie. "Bea tara na! Ilibre muna kami."

Pumunta na kami sa cine at inabot ko kay Maddie ang pera pambili ng ticket na panonoorin namin.




Deanna Point of View

Nasa kalagitnaan kami ng panonood, nang biglang nag vibrate yung phone ko.

"Guys excuse lang."

Lumabas muna ako ng cine at sinagot agad ang tawag. "Hello?"

"Hi Deans, Luigi 'toh."

"Oh Gi? Kamusta kana?"

"Okay lang naman. Ikaw?"

"Okay lang din."

"Nasan ka pala?"

"SM."

"Sakto! Pwede ba tayo magkita?"

"Cgecge, papaalam lang ako sa mga ka-teammates ko."

"Okay. Kita nalang tayo sa harap ng bull cafe."

"Bye." Pinatay ko na ang linya.

Tinext ko nalang si ate Bea at ate Maddie na makikipagkita ako kay Luigi at sinabi naman nila na magkita-kita nalang kami sa dorm.

Pumunta na ko sa bull cafe at pagpasok ko nakita ko agad si Luigi. Tumayo ito at lumapit sakin then niyakap ako, niyakap ko rin sya pabalik.

"Namiss kita Gi."

"Hahahah!" Umupo kami.

"Bat ngayon kalang nakipag-kita?" Tanong ko.

"Kakauwi ko lang kasi ng Pilipinas." Sabi nito.

"Huh? Umalis kaba?" Takang tanong ko.

"Oo, sorry kung hindi ko nasabi sayo." Sabi nito.

"Okay lang." Sabi ko naman.

Umorder muna kami bago nagkwentuhan, tinanong nya sakin kung kamusta na kami ni Jema at sinabi ko na hiwalay na kami.

Nakakapagtaka lang kasi hindi na ko nasaktan nung sinabi ko sa kanya na hiwalay na kami ni Jema. Actually parang ang saya ko pa nga, siguro nga si Ricci na talaga ang gusto ko.

Hapon na ng nakauwi ako, hinatid ako ni Luigi sa dorm. "Thank you Gi, bye ingat ka."

"Cge." Pinasibad na nito ang kotse nya palayo.

Pumasok na ko sa loob at nadatnan ko silang naghaharutan. "Oh Deanna? Pumunta si Ricci rito ha."

Sabi ni ate Bea nang makita ako.

"Huh? Anong oras ate?" Tanong ko at naupo sa couch.

"Kani-kanina lang." Sagot ni ate Maddie.

"Mukha ngang nagselos nung sinabi ko na kasama mo si Luigi eh." Sabi naman ni Dani.

"Ayieee!" Asar nila.

"Huh? Bat naman magseselos yun?" Takang tanong ko.

"Slow mo." Bulong ni Cacee pero sapat na para marinig ko.

Bat naman yun pumunta rito? Siguro namiss nya ko.

(A/N: Ayieeeuutttt!)

(Bastos mo author!)

Bastos talaga ni Author. Pero siguro nga namiss nya ko. Nakakakilig! 😍


End of Chapter


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

Second Love || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon