Chapter 15

354 4 1
                                    

Chapter 15

Ponggay Point of View

Nag text sakin si Kobe na papunta na raw sya rito sa dorm kaya binilisan ko ang pag-aayos ng itsura ko.

Well kahit hindi naman ako mag-ayos, maganda pa rin ako. Hindi sa nagma-mayabang pero mas maganda talaga ako kapag hindi nag-aayos.

(A/N: Weh? Baka naman ine-echos mo lang kami?)

(Epal mo talaga author!)

*TOK!*TOK!*TOK!*

"Ms. Ponggay nandito na yung date mo!!" Rinig kong sigaw ni Maddie mula sa labas ng pinto.

"Wait lang!" Sabi ko at kinuha yung pouch ko.

Lumabas na ko ng kwarto at pumunta sa lobby. Nakita ko si Kobe na kinakausap si Maddie.

"Ehem!" Tumingin sa gawi ko si Kobe at agad itong ngumiti ng makita ako. Tumingin rin sakin si Maddie.

"Oh Kobe, andyan na pala ang princess ng buhay mo." Sabi ni Maddie.

Lumapit sakin si Kobe at nakipagbeso. Hinawakan nya ang left hand ko. "Ate Maddie alis na kami."

Paalam ni Kobe at naglakad na kami papunta sa pinagparadahan nya ng kotse.

Pinagbuksan nya muna ako bago sumakay sya. Siya narin nag-sara ng pinto ng kotse.

Kinabit ko na yung seatbelt ko. "San tayo pupunta?"

Tanong ko at inayos ang aking upo.

"Secret." Tumingin ito sakin sabay wink then pinaandar na nya yung kotse. "Matulog ka muna, medyo malayo yung pupuntahan natin."

Inadjust ko yung upuan para maging kompotable ako sa pagtulog. Nilagay ko sa backseat yung pouch ko at pinikit na ang aking mata.






Deanna Point of View

Tahimik kaming nakaupo sa couch habang nakahilig ang ulo nito sa dibdib ko at nakaakbay naman ako sa kanya.

Nanonood kami ng The Beautiful you, wala kasi kaming magawa at may sakit pa sya kaya hindi pa sya pwedeng lumabas.

Wala naman syang sakit na, sinat nalang pero baka lumala ang lagnat nya kaya hindi ko nalang sya inaya lumabas.

"Wala bang ibang movie?" Tanong ni Jema.

"Meron, anong gusto mo?" Tanong ko.

"Kahit ano, basta wag love story." Bagot nyang sabi.

"Okay." Sabi ko at nagsimula na maghanap ng movie na hindi love story.

Nakahanap ako pero horror. "Horror okay lang?"

"Yeah." Tumango lang ako at plinay na ang movie.

Inayos ko yung upo ko para komportable si Jema, baka kasi nahihirapan sya humiga eh.







Ricci Point of View

Nang matapos kaming maglaro, saktong tumawag sakin si Thirdy.

"Hello Thirds?"

"Ricci nasan ka?"

"Nasa bahay, bakit?"

"Pwede ka ngayon? Punta tayo sa EK."

"Next time nalang bro, nagbo-bonding kami ng family ko ehh."

"Cge, okay lang. Ge babye na." Pinatay nya na ang tawag.

Nilapag ko sa side table yung cellphone ko at naghubad ng t-shirt. Pumunta ako sa closet area ko at kumuha ng bagong towel.

Pumasok ako sa CR at nagsimula maligo. After fifteen minutes natapos nadin ako kaya lumabas na ko ng CR at binuksan ang closet ko para makakuha ng t-shirt at short, pati underwear narin.

Pumasok muli ako sa CR at dun sa loob nagbihis. Nang matapos ako, lumabas na ko at naupo sa kama.

Bigla kong naalala si Deanna kaya kinuha ko yung cellphone ko at nag-tweet si twitter.

"I miss you so badly 🎵🎵"

Inoff ko na ang phone ko dahil alam kong maraming magco-comment. Chinarge ko ang phone ko at lumabas na ng kwarto.

Nadatnan ko sila mom and dad pati ang mga kapatid ko sa dining area na kumakain ng cupcakes.

"Oh Sahia, meryenda time na." Sabi ni mommy.

Tumango lang ako at naupo sa tabi ni Allen at kumuha ng cupcake. Wala pang limang minuto pero naka-dalawang cupcake na agad ako.

Malakas kasi ako kumain kapag si mommy talaga yung nagluluto or nagbe-bake.


~End of Chapter~


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

Second Love || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon