Chapter 22
Deanna Point of View
Kanina habang naglalakad ako sa hallway, biglang tumawag sakin si ate Jho at umiiyak ito kaya agad ko syang pinuntahan.
Nalaman kong nakipag-hiwalay pala si tito kay tita Lovel at si Tita Lovel naman ay nagmamakaawa na wag iwan sila.
→Fast Forward←
Ngayon ay nandito kami ni ate Jho sa harap ng bahay nila at mukhang umalis na si tito dahil wala na yung kotse ni Tito at isa pa tahimik na yung loob ng bahay.
"Ate Jho puntahan muna sila. Dito lang ako, tawagin mo ko kapag may problema." Ngumiti ako.
"Salamat Deanna." Inalalayan ko bumaba si ate Jho ng kotse.
Tinanaw ko si ate Jho habang papasok sa loob ng bahay nila.
Baby what you think . . .
Tinignan ko kung sino ang ID caller at si Jema lang pala. Agad ko naman sinagot ang tawag nya.
"Hello."
"Deans."
"Jema bat napatawag ka?
"Deans nasan ka? Can we talk?"
"Jema nasa lipa ako, sinamahan ko si ate Jho. Don't worry pagka-uwi ko pupuntahan kita sa condo mo."
"Cge, hihintayin kita." Pinatay nya na ang tawag.
Maya't-maya lumabas si ate Jho at niyaya akong pumasok sa loob. Pumasok kami sa loob at sumalubong agad sakin si Jaja.
Halatang kakatapos lang umiyak ni Jaja dahil maga pa ang mata, ganun din ang mata ni tita Lovel kaya bigla akong nakaramdam ng awa.
"Hi tita, hi Ja." Bati ko.
"Hi ate Deans." Alam kong pilit lang ang ngiti ni Jaja.
"Hi Deans, salamat sa pag-sama sa anak ko." Sabi ni tita Lovel at inaya akong maupo sa sofa.
"Wala po yun, wala rin naman po akong ginagawa." Sabi ko nang makaupo kami.
"Ahmm . . Deanna pwede mo bang samahan muna si Jaja sa kwarto nya?" Bulong sakin ni ate Jho.
"Jaja dun muna tayo sa kwarto mo." Inalalayan kong umakyat si Jaja.
Pumasok kami sa kwarto nya at agad itong naupo sa kama. Umupo rin ako sa tabi nito.
Nakatungo ito at mahinang humihikbi kaya nakaramdam na naman ako ng awa. Hyst! Kawawa naman sila.
Bakit kaya nagawa ni tito yun?
Akala ko mapagmahal na tatay si Tito, pero katulad din pala sya ng ibang tatay na iniiwan ang pamilya para sa ibang babae.
"Maayos din ang lahat Ja."
Niyakap ko ito ng mahigpit. Dun sya hunagulgol sa balikat ko. Hinagod-hagod ko naman yung likod nya.
Sana maayos ang lahat . . . .
Jaja Point of View
Tahimik akong kumakain habang sila ate Jho at ate Deanna ay nagkwe-kwentuhan habang kumakain ng meryenda.
Maya't-maya aalis nadin kami at kay ate Deanna na ako sasabay dahil sa dorm din naman ang diretso nya.
→Fast Forward←
"Ja mag-focus ka muna sa acads at volleyball, ako ng bahala muna sa problema natin. Nandito naman ang ate Jho mo." Sabi sakin ni Mama at ngumiti ng peke.
Oo peke dahil halata naman. "Opo ma."
Sumakay na ko kotse ni ate Deanna at kinabit ang aking seatbelt. "Matulog ka muna Ja, medyo malayo ang byahe."
Inadjust ko yung upaun atsaka sumandal sabay pikit. Sana pag-dilat ko, ayos na agad ang problema at mawala na ang sakit.
Jhoana Point of View
"Ma anong balak nyo?"
"Hindi ko narin alam, anak."
"Ma siguro kailangan na natin kalimutan si Papa. Hayaan na natin sya, paulit-ulit nalang."
"Tama ka nga siguro anak."
"Tutal ma umalis na si papa, dun kana lang tumira sa condo ko sa manila. Para malapit lang kay Jaja, para makamove on din tayo."
"Cge anak, bukas na bukas aalis na tayo."
Hyst! Paulit-ulit nalang yung ginagawang pambababae ni Papa, ito na siguro yung time para iwanan na namin sya at magmove on na lamang.
Ricci Point of View
Tahimik akong nakaupo sa bench ng garden namin habang pinagmamasdan ang mga kapatid ko na naglalaro ng basketball.
"Kuya! Sali ka." Aya ni Sihia.
"Kayo nalang!" Ngumiti ako.
Maya't-maya naupo ko sa tabi si Mommy. "Cci bat malungkot ka?"
"Wala po ma."
"Kilala kita Cci, remember? Mommy mo ko kaya kung anong problema mo, tell me."
"Eh kasi mom naguguluhan na ko eh."
"Huh? Saan?"
"Gulong-gulo na ko sa nararamdaman ko kay Deanna. Halos two weeks palang kami magkakilala pero may nararamdaman na agad akong kakaiba sa kanya."
"Alam mo Cci, baka may gusto ka sa kanya."
"Hindi pwede."
"Bakit naman hindi pwede?"
"Ah . . w-wala po."
Tumayo ito. "Cge pupuntahan ko muna si Riley." Umalis na ito sa aking tabi.
Napabuntong hininga nalang ako. Ano ba yan Ricci?! Magkakagusto kana lang, sa babaeng may kasintahan pa.
Arghhhhh!!!!!
End of Chapter
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter
BINABASA MO ANG
Second Love || #Wattys2018
FanfictionRicci Rivero and Deanna Wong DeanCci Fanfiction Started Writing: July 1 2018 Ended Writing: September 30 2018 Warning: Plagiarism is a crime. ©Hellofeye Stories 2018