Chapter 21

326 3 0
                                    

Chapter 21

Deanna Point of View

Kinabukasan pag-tapos ng training namin, agad akong pumunta ng condo ni Jema.

Kanina pa ko katok ng katok sa condo unit nya pero walang nagbubukas. Hmm . . . Baka wala sya.

Lalakad na sana ako paalis kaso biglang bumukas ang pinto. "Jema?"

Bigla akong nag-alala ng makita amg itsura nito. Magulo ang buhok nya at sobrang laki ng eyebags, tas parang umiyak pa sya dahil namamaga ang mata nya.

Lalapitan ko sana ito pero tinaas nya ang palad nya na parang sinasabi na wag ako lalapit sa kanya.

"Jema may problema ba tayo?"

"Malaki Deans."

Kumunot ang aking noo. "Ang naaalala ko Jema wala tayong problema."

"Kung ikaw wala, ako meron."

"Teka nga Jema, pwede sa condo unit mo tayo mag-usap?"

Umalis ito sa harap ko kaya sinundan ko, naupo ito sa sofa kaya naupo rin ako pero medyo malayo sa kanya.

"Sabihin mo sakin Jema kung ano ang problema natin para maayos ko."

"Hindi ko na sasabihin, Deans. Dahil alam kong hindi mo ito gagawin."

"Gagawin ko yan, sabihin muna para maayos ko ang problema natin."

"Layuan mo si Ricci."

Bigla akong nabingi sa sinabi nito, parang na blanko ang utak ko. Layuan ko si Ricci. Sino sya para sabihan ako?!

"What are you saying? Can you repeat again?"

"Ang sabi ko layuan mo si Ricci."

"Nababaliw ka naba?"

"No, baka ikaw Deans. Baka nakakalimutan mo may girlfriend ka."

"Hindi ko nakakalimutan pero lalong hindi ko makakalimutan ang sinabi mong layuan ko si Ricci." Huminga ako ng malalim. "Ano bang ginawa ni Ricci sayo at gusto mo syang layuan ko? Mabait si Ricci at wala naman masama sa pakikipag-kaibigan nya sakin."

"Meron Deans, putcha! Nagseselos ako, kahit kailan talaga napaka-manhid mo!"

Padabog itong tumayo at pumasok sa kwarto nya.

*BLAGG!"

Malakas nyang sinara ang pinto. Napabuntong hininga nalang ako, siguro kailangan nya muna ng space.

→Fast Forward←

Malamya akong umuwi ng dorm. Nagbihis ako ng uniform ko at pumasok nasa aking klase.

Halos wala akong naintindihan sa sinasabi ng professor ko dahil na kay Jema lang ang isip ko. Siya lang ang tanging pumapasok sa isip ko.

Hyst! Ang hirap :(






Ricci Point of View

Habang naglalakad ako sa sec walk, nakasalubong ko si Deanna pero hindi ako nito pinansin dahil nanatili lang itong nakatungo.

"Deanna!"

Lumingon ito sakin at halatang nagulat ng makita ako. "Ricci?" Lumapit ito. "Anong ginagawa mo rito?"

"Ah . . Binisita ko si Thirds." Sagot ko.

"Ah . . . Paalis kana?" Tanong nito.

"Oo, may class pa ko ihk." Sagot ko.

"Ah cge, ingat ka." Sabi nito.

Umalis na ito sa harap ko. Naglakad na ko papunta sa pinagparadahan ko ng kotse.

Nang makarating ako, sumakay na ko sa kotse ko at pinaandar na papunta sa UP.

After minutes of driving nakarating nadin ako sa UP. Mabilis lang ang byahe ko dahil hindi naman traffic at malapit lang ang UP sa ateneo.

Pag-park ko nang kotse ko, agad akong naglakad papunta sa classroom ko. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Juan.

Isa sa mga bago kong teammate. "Oh Cci, may a-announce daw si Coach."

"Cge punta ako mamaya pag-tapos ng class ko."

Nagpaalam na ko rito dahil five minutes nalang magsisimula na ang class ko.

Pagpasok ko sa loob ng classroom, naupo ako sa dulo at kinabit muna ang aking headset dahil wala pa naman kaming teacher.






Jhoana Point of View

Malungkot akong nakatingin sa kalawakan habang iniisip ang nangyari sa pamilya ko kanina.

Si mama at papa ay naghiwalay na kanina. Wala akong magawa, awang-awa ako sa kapatid ko.

Pero . . . Napakawalang kwenta kong ate. Iniwan ko sila doon habang sila ay umiiyak at nagmamakaawa na wag iwan ni Papa.

Umalis ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko, umalis ako dahil hindi ko kayang makita si mama ng ganun, lalo na ang kapatid ko.

"Ate Jho."

Lumapit sakin si Deanna at naupo sa tabi ko. Kanina habang papunta ako sa tagaytay ay tumawag ako sa kanya na magkita kami sa favorite place namin.

Hindi ko naman matawagan ang boyfriend ko na si Nico dahil nasa ibang bansa sya at ayoko syang mag-alala sakin.

"Anong nangyari ate Jho? Bat umiiyak ka?" Nag-aalalang tanong ni Deanna at niyakap ako.

Sumubsob ako sa dibdib nito at humagulgol. "I-ini . . . wan . na . . . . kami . . ni . . . . . Papa."

"Shhh . . . Magiging maayos din ang lahat ate Jho, wag kang maging mahina. Kailangan ka ni tita Lovel, lalo na ni Jaja."

Tama si Deanna. Kailangan ko maging matapang para sa kapatid at nanay ko. Agad akong tumayo at pinunasan ang luha ko.

"Deans samahan mo ko, babalikan ko sila Jaja." Matapang kong sabi.

Ngumiti si Deans at tumayo na. "Tara ate Jho."

Tumango ako at sumakay nasa kotse nya. Nag-taxi lang kasi ako kanina papunta rito sa tagaytay.

Pinaandar na ni Deans ang kotse nya habang ako ay nakatingin lang sa daanan na dinadaanan namin.



♪End of Chapter♪



Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

Second Love || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon