Chapter 28
Ricci Point of View
Agad akong pumunta ng eliazo dorm pag-tapos ng training namin dahil tumawag sakin kanina si Ponggay at sinabing nilalagnat si Deanna.
Hindi naman daw nila matawagan si Jema dahil nakapatay daw ang phone kaya ako nalang daw ang tinawagan nila.
Sinabi rin nila na bantayan ko daw muna si Deanna kung wala akong pasok. Eh sakto may meeting ulit yung proff namin kaya naman wala akong pasok.
Pinapasok agad ako ng guard dahil nasa taas naman daw si Jaja, yung kapatid ni ate Jho.
Nadatnan ko si Jaja na nanonood sa sala ng cartoons. "Jaja."
Lumingon ito sakin at agad itong napatayo ng makita ako. "Hi po. Nasa taas po si ate Deanna."
"Cge akyat na ko."
Tumango lang ito kaya naman umakyat na ko, sa pangalawang kwarto ako kumatok.
Walang nagbukas tanging nakarinig lang ako ng ungol kaya naman dahan-dahan kong pinihit ang door knob.
Naabutan ko si Deanna na nakasandal sa kama nya habang nakapikit. "Deanna?"
Nagmulat ito at halatang nagulat nang makita ako. "Cci? Anong ginagawa mo dito?"
"Nandito ako para alagaan ka." Umupo ako sa gilid nito. "Tumawag sakin si Ponggay kanina at sinabing ako muna ang mag-alaga sayo dahil mamaya pa daw matatapos ang class ng mga ka-teammates mo."
"Salamat." Nahihirapan nyang sabi.
"Wala yun, teka lang ah. May kukunin lang ako sa kotse." Paalam ko at umalis.
Lumabas ako ng dorm at kinuha sa kotse yung dala kong sopas. Buti nalang tatlo 'tong dala ko.
Pumasok muli ako sa dorm. "Ja para sayo." Inabot ko rito ang isang plastic na naglalaman ng sopas.
"Salamat kuya Cci." Sabi nito.
"Cge pakainin ko muna ate Deanna mo." Sabi ko at umakyat na.
Pumasok ako sa kwarto ni Deanna at muling naupo sa tabi nya. "Deanna kain ka muna."
Sabi ko at binuksan ang plastic bowl, nilapag ko yung sopas sa side table at tinulungan umupo si Deanna.
"Salamat."
Sinubuan ko ito at naubos nya naman. "Salamat Cci ah, ang sarap ng sopas."
"Wala yun. Wait inom ka pala ng gamot."
Kinuha ko sa side table yung basong may laman na tubig at yung paracetamol. Tinulungan ko syang inumin yung gamot tsaka tubig.
Thirdy Point of View
Yayayain ko sana lumabas ulit si Ricci kaso sinabi sakin ni Marco na nasa eliazo dorm si Ricci at inaalagaan daw si Deanna.
Dumeretso nalang ako sa bahay at nadatnan ko si ate Alyssa at kuya Kiefer na nanonood.
"Oh Thirdy? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni kuya Kiefer nang makita ako.
"Hi Thirdy." Bati ni ate Alyssa.
"Hi ate Ly, wala akong klase bro." Sabi ko.
"Ah okay. Nasa taas si mama, si dad wala nasa gym." Sabi ni kuya.
"Cge ate, kuya akyat po muna ako." Paalam ko at umakyat na sa aking kwarto.
Pagpasok ko agad akong humilata sa kama. Hmm . . . Kelan kaya ako sasagutin ni Bea? One year ko na rin syang nililigawan.
At take note, walang nakakaalam na iba na nililigawan ko sya. Ayaw nya kasi malaman ng iba, tsaka nalang daw kapag sinagot nya na ko.
End of Chapter
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter
BINABASA MO ANG
Second Love || #Wattys2018
FanfictionRicci Rivero and Deanna Wong DeanCci Fanfiction Started Writing: July 1 2018 Ended Writing: September 30 2018 Warning: Plagiarism is a crime. ©Hellofeye Stories 2018