Chapter 35

384 3 0
                                    

Chapter 35

Jhoana Point of View

"Ma dadalawin ko lang si Jaja sa dorm ha, dito lang po kayo. Kapag lalabas kayo tumawag kayo sakin."

"Cge anak, ako ng bahala rito sa condo mo."

"Okay ma, ingat ka po rito."

Hinalikan ko muna si mama sa pisngi bago tuluyan lumabas ng condo. Sumakay ako sa elevator at bumaba ako sa basement.

Sumakay ako sa aking kotse at binuksan ang makina. Dahan-dahan kong pinaandar ang kotse palabas ng basement, nang nasa kalye nako medyo binilisan ko na.

→Fast Forward←

Pagpasok ko sa loob ng dorm, naabutan ko si Deanna na kausap si Ponggay.

"Hey!" Napatingin silang dalawa sakin. "Nasan sila?"

"Hi ate Jho!" Bati ni Deanna.

"Hi Jhowsa!" Bati naman ni Ponggay.

"Nasan sila?" Tanong ko at nagpalinga-linga.

"Umalis sila, naiwan kami dito dahil nilalagnat si Jaja." Sagot ni Ponggay.

"Huh? Nasan si Jaja?" Nag-aalala kong tanong.

"Nasa taas ate Jho, nagpapahinga sya." Sagot ni Deanna.

"Don't worry ate Jho, nakainom na sya ng gamot at nakakain na." Sabi naman ni Ponggay.

Nakahinga naman ako ng maluwag. "Cge guys pwede nadin kayo umalis, ako ng bahala kay Jaja."

"Deanna tara na!" Excited na sabi ni Ponggay at kumaripas na ng takbo papunta sa taas.

Sumunod naman si Deanna. Umakyat na ko sa kwarto nila Maddie dahil ka roommate ni Maddie si Jaja at iba pang rookies.

Dire-diretso akong pumasok sa loob at nakita kong mahimbing na natutulog si Jaja habang nakakumot.

Umupo ako sa tabi nito at hinawi ang buhok na humaharang sa kanyang mukha at hinalikan ito sa noo.





Deanna Point of View

Nang matapos kami magbihis ni Ponggay, agad kaming nagtungo sa Sm dahil nandoon lahat ng teammates namin pwera lang kay Jaja.

Tinext ko si ate Maddie na nasa mcdo na kami at maya-maya ay dumating na silang lahat.

"Sino kasama ni Jaja dun sa dorm?" Tanong ni ate Bea.

"Si ate Jho." Sagot ko.

"Guys order na! Hungry na ko." Sabi ni ate Kim.

"Deans samahan mo ko umorder." Sabi ni ate Bea at tumango lamang ako.

Tumayo na kami ni ate Bea at nagtungo sa cashier para umorder ng makakain.

Habang umo-order si ate Bea, biglang nag-ring yung phone ko. "Ate Bea sagutin ko lang."

"Cge."

Lumabas muna ako ng mcdo at sinagot ang tawag ni Ricci.

"Hi Deanna."

"Hello Cci. Bat napatawag ka?"

"Wala naman, namiss ko lang yung boses mo."

Parang kiniliti ang aking puso.

"Ayieee, sweet mo naman."

"Heheheh, nasan ka?"

"Nasa SM kami pwera lang kay Jaja, nilalagnat eh."

"Sino kasama nya sa dorm?"

"Si ate Jho."

"Cci training na!" Rinig kong sigaw sa kabilang linya.

"Ah cge Deanna, maya nalang ulit. Ba bye!" Sabay patay sa linya.

Binalikan ko na si ate Bea. "Ano ate Bei? Naka-order kana?"

"Oo, tara na. Ihahatid nalang daw nila sa table natin."

Bumalik na kami sa mga ka-teammates namin at naupo sa upuan. "Anong inorder nyo?" Tanong ni Ponggay.

"Ewan ko, si ate Bea ang umorder." Sagot ko.

"Huh? Diba mag kasama kayo?" Sabi ni Cacee.

"Lumabas si Deanna kasi may tumawag sa kanya." Sabi ni ate Bea.

"Sino Deans?" Tanong agad ni Dani.

"Chismosa mo." Sabay irap ko.

"I'm sure si kuya Ricci yan." Sabi naman ni Millicent.

"Tumpak! Si Ricci nga." Sabi ni ate Bea.

"Ayieee! Ano bang status nyo ni Ricci?" Tanong ni ate Maddie.

"Wala, friends." Sagot ko.

"Weh?" Asar ni Pongs.

Magsasalita pa sana ako kaso biglang dumating ang pagkain kaya natahimik ang team. Buti nalang dumating na si food, kundi inasar pa nila ako.


★End of Chapter


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

Second Love || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon