Chapter 30
Maddie Point of View
Nandito kami ni Zoe sa labas ng dorm, pinag-uusapan namin si Deanna dahil ilang araw na nagkukulong si Deanna sa kwarto nya, buti nalang walang training ng one week.
Pero bukas ay balik training na kami at kailangan na ni Deanna mag-training dahil walang mag aalalay kay Jaja at isa pa, sya ang main setter namin.
"Babe kausapin mo sya, tsaka ipaintindi mo sa kanya na okay lang yun. Sabihin mo hindi nya kasalanan na na-fell out of love sya kay Jema." Sabi ni Zoe.
"Eh sabi ni Ponggay lagi daw nakatulala eh." Sabi ko.
"Babe basta sabihin mo sa kanya yun, cge aalis na ko. May kailangan pa kong gawin babe." Sabi ni Zoe.
"Ingat." Sabi ko.
Hinalikan nya muna ako sa pisngi bago tuluyan pumasok sa loob ng kotse. Zoe is my boyfriend slash girlfriend, she's Lesbian and tanggap ng magulang ko na Lesbian ang aking kasintahan.
Pumasok na ko sa dorm at naabutan ko si Sam na nanonood ng cartoons, nakikinood din si Erika at Pat.
"Hi ate Mads." Bati ni Pat nang makita ako.
"Hello, guys akyat muna ako ha." Paalam ko.
Tumango lang silang tatlo. Umakyat na ko at kumatok muna sa kwarto nila Ponggay bago dahan-dahan binuksan ang pinto.
Nakita ko si Deanna na nakaupo sa study chair nya at nakatingin sa bintana.
Hyst! Namamayat na sya, hindi pwede 'toh. Kailangan namin gumawa ng paraan para bumalik si Deanna sa dati.
"Deans?"
Lumingon ito sakin at ngumiti pero halatang pilit lang. "Ate Maddie."
Nilapitan ko ito. "Deans kumain kana."
Umiling lamang ito at ngumiti ng tipid. "Ayoko ate, wala akong gana."
Umupo ako sa edge ng kama nito. "Deans namamayat kana tsaka ilang araw ka ng hindi kumakain ng maayos."
"Ate wala akong gana."
"Deans hindi pwedeng ganyan, kailangan mo kumain dahil may training na tayo bukas."
"Ate makakapag-training naman ako kahit hindi ako kumain."
Napabuntong hininga nalang ako. Mukhang wala akong magagawa ah, siguro kailangan ko ng tulong nya.
"Deans lalabas na ko." Paalam ko at tumayo na.
Tumango lang ito, lumabas na ko nang kwarto nila Sam at Ponggay then dumeretso ako sa rooftop ng dorm namin.
Humawak ako sa railings at tinawagan si Ricci. "Hello?"
"Hi Cci, si Mads 'toh."
"Oh ate Mads, bat napatawag ka po?"
"May ginagawa kaba or may lakad?"
"Wala naman po, bakit?"
"Pwede ba tayo magkita sa UPTC?"
"Oo naman po, ngayon na po ba?"
"Oo sana."
"Cge po, kita nalang po tayo sa loob ng Cafe."
"Cge, salamat bye."
Binulsa ko na ang cellphone at pumunta sa aming kwarto nila Jaja. Kailangan ko humingi ng pabor kay Ricci, kung kailangan ko lumuhod, gagawin ko basta para kay Deanna.
Ricci Point of View
Bakit kaya gusto makipagkita ni ate Maddie? Hmm . . . Makapagbihis na nga.
Matapos kong magbihis, kinuha ko na yung phone, wallet at susi ng kotse ko then lumabas na ng kwarto.
Nadatnan kong nagkwe-kwentuhan yung mga ka-teammates ko sa sala. "Guys!"
Napatingin silang lahat sakin. "Uhmm . . . Cap may pupuntahan lang ako, babalik din ako agad."
Sabi ko kay Cap Paul.
"Cge, kahit wag kana bumalik." Asar ni Kobe.
"Raulo!" Sabi ko kaya't nagtawanan ang mga ka-teammates ko. "Alis na ko, babye!"
Lumabas na ko nang dorm at sumakay sa aking kotse then pinaandar ko na patungo sa UP town center.
After ten minutes nakarating nadin ako, nagparada ako sa harap ng cafe para hindi na ko mahirapan pa mamaya.
Sinigurado ko muna na nakalock ang kotse ko bago pumasok sa loob ng cafe.
Nakita ko agad si ate Maddie na nasa dulo, nakaupo habang nagce-cellphone.
Lumapit ako rito at naupo sa harap nya. "Sorry po kung nalate ako."
"Kararating ko lang din, Cci. Wait, sure ka bang wala kang lakad? Baka naman meron?"
"Wala po talaga."
"Ah okay. Sorry sa istorbo Cci ah, pero may kailangan kasi akong sabihin sayo eh."
"Ano po ba yun ate Mads?"
"Si Deanna kasi may problema."
"Ano po? Sabihin nyo po sakin, baka makatulong ako."
"Ayun nga, nakipag-break kasi sya dun kay Jema." Si Jema pala girlfriend nya. "Hindi ko kasi pwede sabihin sayo ang dahilan pero alam kong ikaw ang makakatulong sa kanya." Ramdam ko sa boses ni ate Maddie ang lungkot. "Ilang araw na sya walang kain na maayos, hindi din lumalabas ng kwarto baka pwede mo naman sya kausapin. Siya narin siguro ang magsasabi ng dahilan kung bakit sya nakipag-break kay Jema."
"Cge po ate Mads, siguro mamaya pupuntahan ko sya sa dorm nyo."
"Maraming salamat Cci."
Ngumiti at tumango lang ako. Maya-maya biglang nag ring yung cellphone ni ate Mads kaya sinagot nya muna at lumabas.
Bumalik din ito agad at nagpaalam na dahil bigla daw syang nagkaron ng emergency, nagpasalamat pa ito bago umalis.
♪End of Chapter♪
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

BINABASA MO ANG
Second Love || #Wattys2018
FanfictionRicci Rivero and Deanna Wong DeanCci Fanfiction Started Writing: July 1 2018 Ended Writing: September 30 2018 Warning: Plagiarism is a crime. ©Hellofeye Stories 2018