Chapter 17

342 3 1
                                    

Chapter 17

Deanna Point of View

Maaga akong nagising at naghilamos lang ako tas kinuha yung cellphone ko. Lumabas na ko ng kwarto at naabutan ko sa sala na nagkakape si Jules at kasama yung ibang rookies.

"Goodmorning guys!" Umupo ako sa tabi ni Jaja.

"Goodmorning ate Deans." Bati ni Jaja.

Binati rin ako nung iba. "Aga mo nagising Deans ah. May lakad ka?"

Tanong ni Jules.

"Wala. Mamaya pa, susunduin daw ako ni ate Jia mamaya." Tumayo ako. "Timpla lang ako ng kape."

Pumunta ako sa kitchen at nagtimpla ng coffee. Nang matapos ako, bumalik na ulit ako sa sala habang dala-dala yung coffee na ginawa ko.

Umupo ako sa tabi ni Jaja. "Hyst! Bukas na ang hell week."

Sabi ni Jules.

"Anong hell week?" Takang tanong ko.

"Wala, nga pala bukas na yung simula ng training natin." Sabi ni Jules. "Mag-ready na kayo, Rookies." Ngumisi si Jules.

"Hoy Jules! Wag mo nga silang takutin." Sita ko. Para kasing tanga eh. Mamaya matakot yung rookies, hindi na mag-training. Edi nawalan kami ng mga magagaling na papalit samin.

Tumayo si Jaja. "San ka punta Ja?" Tanong ko at humigop ng kape.

"Taas lang po, kunin ko lang yung ipad ko." Sabi nito.

"Hmm . . Okay." Tanging sambit ko.

Umakyat na ito, nagpaalam din yung iba na matutulog ulit. Naiwan kami nila Jules at Jaycel.

"Jaycel ikaw? Hindi kana inaantok?" Tanong ni Jules.

"Hindi po. Once na nagising na po kasi ako, nahihirapan na po akong matulog." Sabi nito.

"Ah pareho pala tayo." Sabi ko.

Binuksan ko yung TV gamit ang remote at nanood kami ng Umagang kay Ganda.




Ricci Point of View

Nagising ako ng marinig kong nag-aalarm yung cellphone ko. Pikit mata ko itong kinuha at pinatay ang alarm.

Kinapa ko yung gilid ko pero wala akong makapa kaya dahan-dahan kong binuksan ang aking mata.

"Gelo?"

Tumayo ako at nag-inat-inat. Pumasok ako sa CR at ginawa ang morning rituals ko.

Nagpalit ako ng sando at short dahil kagabi ay natulog ako ng naka-jogging pants.

Maaraw na kasi kaya mainit. Kinuha ko yung phone ko at lumabas na ng kwarto.

Nasa hagdanan palang ako pero naririnig ko na yung mga boses ng kapatid ko.

Nang tuluyan akong makababa, naabutan kong naghaharutan sila Allen, Riley at Ashton.

"Goodmorning." Bati ko sa kanila.

"Goodmorning kuya!" Sabay-sabay nilang bati.

Umupo ako sa solo couch. "Nasan sila mommy and daddy?"

"Im here!"

Tumayo ako at pumunta sa kusina. Nakita ko si mommy na nagluluto ng breakfast.

"Goodmorning mom." Masayang bati ko at hinalikan ito sa pisngi.

"Goodmorning Sahia." Bati rin nito.

"Nasan sila, ma?" Tanong ko at naupo.

"Wala ang kuya Rash mo, nasa bakasyon kasama ang ka-tropa nya. Kaninang madaling araw lang umalis. Kasama rin nya si Ahia." Sabi ni mommy.

"Eh sila dad po at Gelo?" Tanong ko.

"Bumili sa grocery, wala na kasi tayong stocks eh." Sabi ni mom.

"Sakto! Mamaya mom dadalin ko na si Deanna rito." Masaya kong sabi.

Tumigil si mommy sa pagluluto at hinarap ako. "Talaga?"

"Opo, pumayag po sya."

"Oh sya cge, magluluto ako ng specialty ko." Masayang sabi nito.

Tumayo ako. "Cge ma, dun muna ko sa sala."

"Cge, tawagin ko nalang kayo pag-tapos na 'tong niluluto ko." Sabi nito.

Tumango lang ako at pumunta na sa sala. Naabutan ko silang nanonood ng spongebob kaya nakinood narin ako.





Deanna Point of View

Habang nagbibihis ako, naisipan kong buksan ang cellphone ko. Pagkabukas ko ay bumungad agad sakin ang libo-libong notification.

Tinignan ko yung sa twitter. Kaya naman pala. Nag-tweet kasi si Jema.

"@jemagalanza8: Mishu @deannawongst"

Kaya naman pala nagkakagulo yung mga fans namin.

*TOK!*TOK!*TOK!*

"Deanna nasa baba na si ate Jia!" Sigaw ni Ponggay mula sa labas ng kwarto.

"Wait lang!" Sabi ko.

Tinago ko na sa bulsa yung phone ko at lumabas na ng kwarto. Pagbaba ko sa lobby, agad kong nakita si ate Jia.

"Ate Jia!" Nakangiting tawag ko rito.

"Deans." Bumeso ito sakin.

"San tayo pupunta ate Jia?" Tanong ko habang naglalakad kami palabas.

"SB tayo." Sabi nito at pinagbuksan ako ng pinto.

Sumakay ako at ako na ang nagsara, si ate Jia naman ay sumakay sa driver seat. "Deans, seatbelt mo."

Kinabit ko na yung seatbelt ko. "San tayo mag-SB?"

"SM nalang tas samahan muna rin ako bumili ng t-shirt, Deans." Sabi nito habang nagdadrive.

"Cge ate." Tanging sambit ko.

Nilabas ko muna yung cellphone ko at nilike ang tweet ni Jema. Sunod naman na ginawa ko ay inistalk yung ig ni Ricci.


♣End of Chapter♣


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter




Second Love || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon