Chapter 14

328 3 1
                                    

Chapter 14

Jema Point of View

Nagising ako ng maramdaman kong may kamay na pumulupot sa bewang ko.

Dahan-dahan akong nag-mulat at mukha agad ni Deanna ang sumalubong sakin.

Hinalikan ko ito sa noo at dahan-dahan tumayo. Pumasok ako sa CR at naghilamos.

"Jema!"

"Nasa CR ako!"

Nang matapos akong maghilamos, lumabas na ko ng CR at nadatnan kong nakaupo si Deanna sa kama.

"Akala ko nawala kana, upo ka nga dito." Sabi ni Deanna at tinapik pa ang kama.

Umupo ako sa tabi nya at hinila nya k pahiga, bali nasa ibabaw nya ko at nakayakap sya sakin ng mahigpit.

"I love you." Sabi nya in malambing tone.

Tumingala ako. "I love you too."

"Nagugutom kana?" Nakangiti nyang tanong.

"Oo." Tipid kong sagot.

"Tara, ipagluluto kita." Sabi nito.

Umalis ako sa ibabaw nya at tinulungan sya tumayo. Pagtayo nya, agad nyang hinawakan ang noo ko.

"Hindi kana masyado mainit." Sabi nya at kinuha yung thermometer. "Checkin natin."

Inipit ko sa kili-kili yung thermometer at naupo sa kama. Umupo rin sya sa tabi ko.

*TOOT!*TOOT!*

Kinuha na ni Deanna yung thermometer at tinignan yung digit. "37.6"

"Sinat nalang." Tumayo ito. "Dyan ka lang, ipagluluto kita ng soup."

Sabi nya at lumabas na ng kwarto. Kinuha ko yung remote ng aircon ko at medyo hininaan dahil nilalamig ako.





Deanna Point of View

Habang nagluluto ako ng soup, kinapa ko yung bulsa ko at ngayon ko lang napagtanto na wala sa bulsa ko yung cellphone ko.

Agad kong inoff yung stove at nagmadaling pumunta sa kwarto ni Jema.

Pagpasok ko sa loob, naabutan kong hawak ni Jema yung cellphone ko. "Jema?!"

Nagtatakang tumingin ito sakin. "Bakit?"

"Bakit hawak mo yung phone ko?" Kinakabahan kong tanong at kinuha sa kamay nya.

"Tumawag si Jia kaya sinagot ko. May itatanong daw sya sayo, pero mamaya nalang daw." Paliwanag nito.

"Are you sure?" Paninigurado ko at chineck ang phone ko.

"Oo, tsaka may tinatago kaba?" Tanong nito habang nakataas ang kilay.

Umiling ako. "W-wala, cge babalikan ko na yung niluto ko."

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina. Inopen ko yung stove ulit at bumuntong hininga.

"Buti naman hindi nya nakita." Bulong ko at binulsa na ang phone ko.

Pinagpatuloy ko na yung pagluluto ko ng soup. Nang matapos akong magluto, saktong nag-ring yung cellphone ko.

Tinakpan ko muna yung soup. Naupo sa upuan at sinagot ang tawag.

"Hello Deanna?"

"Ate Jia."

"Deans nasan ka?"

"Nasa condo ako ni Jema ate. Bakit?"

"Madami kang ginagawa?"

"Inaalagaan ko si Jema, ate. May sakit eh."

"Ah okay. Text mo ko kapag free ka bukas."

"Cge ate."

Binulsa ko na yung phone ko at kinuha yung soup, sinalin ko ito sa bowl na hindi kalakihan.

Kumuha ako ng tray at spoon. Pumunta na ko sa kwarto ni Jema, habang bitbit ang tray.






Ricci Point of View

Nang matapos namin mag-gym, dumeretso kami sa isang restaurant para makakain ng lunch.

Bandang eleven narin kasi kami natapos mag-gym. "Ricci nililigawan mo si Deanna?"

Bigla akong napaubo sa tanong ni dad kaya agad akong uminom ng tubig. "H-hindi dad."

Sagot ko matapos kong uminom ng tubig. "Are you sure? May picture kayo oh."

Pinakita sakin ni dad yung picture namin ni Deanna sa restaurant. Hyst!

"Friend lang po kami dad." Sabi ko.

"Friend lang daw tas mauuwi sa pag-ibig." Asar ni Dihia.

"Kuya maganda si ate Deanna ah, bat hindi mo ligawan?" Sabi ni Gelo.

"Darating din tayo dyan." Bulong ko kay Gelo.

Tumango lang si Gelo. Nang matapos kaming kumain, nagsiuwian na kami. "Boys laro tayo sa likod."

Aya ni dad.

Sumunod kami ni Sihia kay dad. Sumunod din si Ahia at Dihia. "Cci kampi kayo ni Ahia at Sihia."

Nagsimula na kami maglaro at kila dad ang bola dahil dalawa lang sila ni Dihia. Pinasa ni Dihia kay daddy pero nakuha ni Ahia at pinasa sakin. Sa three points ako tumira pero hindi pumasok, buti nalang nandun si Gelo kaya naitulak nya yung bola.


~End of Chapter~


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

Second Love || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon