Chapter 25

345 3 1
                                    

Chapter 25

Deanna Point of View

"Deanna sorry pero may emergency ako kaya pwede ba ikaw na sumundo sa airport kay Samantha?" Paki-usap ni ate Bea.

"Cge ate Bea, ako na." Sabi ko.

"Talaga? Salamat." Tuwang-tuwa na sabi nito. "Cge alis na ako ah. Ingat ka." Sabay alis nito.

Tumingin ako sa oras at malapit na pala dumating ang eroplano na sinasakayan ni Samantha Fanger.

Yeah, si Samantha ay bagong rookies na na-recruit ni coach O sa ibang bansa. Sobrang galing nito at medyo hawig nya si ate Alyssa.

"Ate Mads alis na po ako, susunduin ko na po si Samantha." Paalam ko.

"Akala ko ba si Bea ang susundo?"

"Eh may emergency daw si ate Bea eh. Ako nalang susundo ate Mads." Sambit ko.

"Sama ako." Singit ni Dani.

"Okay, bilisan muna." Sabi ko pero tumayo lang ito at nameywang sa harap ko.

"Bihis na ko, okay na 'toh, tara na." Hinila na ko nito palabas.

"Ingat kayo!" Rinig namin sigaw ni Captain.

Ginamit namin ang kotse ni Dani dahil nasira ang kotse ko kagabi kaya naman nasa talyer ang aking kotse.

After an hour nakarating nadin kami sa airport. Habang naglalakad kami patungo sa waiting area, biglang sumigaw si Dani.

"Samantha!" Sigaw ni Dani at tumakbo patungo sa isang babae sabay yakap.

Hmm . . . Hawig talaga sya ni ate Ly, baka sya na ang susunod na magiging Phenom.

→Fast Forward←

Nang makarating kami sa dorm, agad ni-welcome ng mga rookies at teammates ko si Samantha Fanger.

"Deanna tutal dalawa lang kayo ni Ponggay sa kwarto, dun nalang si Sam. Malaki naman kwarto nyo eh." Sabi ni ate Mads.

"Cge ate Mads." Tumingin ako kay Samantha. "Tara na." Kinuha ko sa kanya yung maleta nya at umakyat kami.

Pinihit ko ang door knob at pumasok kaming dalawa sa loob. Nilapag ko sa gilid yung maleta nya.

"Ahmm . . Sam sorry kung magulo ah, medyo baliw kasi yung si Ponggay eh tas makalat pa." Sabi ko.

"Okay lang po." Mahinhin nitong sambit.

"Wag ka mahiya. Dun ang kama mo sa dulo." Sabay turo ko sa isang kama na hindi kalakihan, sakto lang para sa isang tao. "Labas na ko, tawagin muna lang ako sa baba kapag may kailangan kapa."

"Cge po ate Deanna." Nakangiti nyang sambit.

Tumango lang ako at lumabas na ng kwarto. Bumaba ako at nadatnan ko silang kumakain ng pizza.

"Uy penge!" Nagmamadali akong bumaba at agad kumuha ng pizza.

"Patay gutom talaga." Rinig kong sabi ni Ponggay kaya binato ko ito ng carton.

"Parang ikaw hindi ah." Sabi ko habang ngumunguya. "Sino bumili ng pizza?" Tanong ko at naupo sa tabi ni Kiara.

"Si ate Bea, bayad nya daw sayo ate Wongskie." Sabi ni Jaycel.

"Ah okay." Sabi ko at pinagpatuloy na ang pagkain.





Jema Point of View

Bukas na ang last game namin laban sa PAYMAYA at halos lahat kami ay kinakabahan.

"Guys basta focus tayo ah, wag natin hahayaan na matalo tayo. Dapat tayo mag-champion dahil yun ang pangako natin sa pamilya at fans natin." Sabi ni ate Ly.

"Yes Captain!" Sabay-sabay naming sabi.

"Laban lang!" Sigaw ni Jia.

"Laban Creamline!" Sigaw namin lahat.

"Oh sya cge pwede na kayo umuwi. Agahan nyo bukas ah para makapag-practice pa tayo." Sabi ni ate Ly.

Tumango lang kami. Isa-isa umalis ang mga ka-teammates namin, habang kami ni Jia ay nakaupo parin sa bleacher.

"Jems musta na kayo ni Wong?" Tanong ni Jia nang matapos syang uminom ng gatorade.

"Okay naman, may hindi lang pagkakaintindihan minsan." Sambit ko.

"Buti pa kayo." Malungkot nitong pahayag.

"Bakit? Lq kayo ni Miguel?" Tanong ko.

"Ewan ko, nalalabuan na ko kay Miguel." Halatang naguguluhan ito base sa expression ng mukha nya.

"Ayusin nyo yan Jia, sayang yung relasyon nyo." Seryoso kong sambit.

"Eh naguguluhan na nga ako eh, minsan gusto ko na sumuko." Sabi nito at kita ko sa mata nya ang pagod.

Tumayo ako at hinawakan sya sa balikat. "Ayusin nyo na yan habang maaga pa, baka mapunta lang yung relasyon nyo sa basura." Ngumiti ako. "Aalis na ko, pupuntahan ko pa si Deanna sa Eliazo Dorm."

Tumango lang ito. Naglakad na ko palabas, bago ako makalabas ng tuluyan narinig kong sumigaw si Jia.

"Salamat Jema!!"

Nilingon ko sya at ngumiti then tuluyan na akong lumabas. Sumakay ako sa kotse ko at pinaandar na papunta sa dorm nila Deanna.

I miss her . . . .

→Fast Forward←

Malapit palang ako sa eliazo dorm ng mahagip ko ang isang babae at isang lalaki na naglalakad sa gilid habang nagtatawanan.

Bigla nalang sumikip ang dibdib ko. Porket wala ako, masaya na sya sa iba. Pero wala akong pake, akin si Deanna kahit kailan akin lamang sya.

Hininto ko ang kotse sa tapat nilang dalawa at nakita ko ang paglaki ng mata ni Deanna ng makita akong bumaba nang kotse.

"Hi Deanna, hi Ricci." Sabay wave ko sa kanila.

"Jema anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ni Deanna.

"Wala lang, masama ba bisitahin ka Deanna?" Seryoso kong tanong at tumingin kay Ricci.

"Hindi ah. Nga pala Ric——" Bago pa matapos ang sasabihin nya, sumingit agad si Ricci. "Yeah i know her. Queen falcons."

"Rivero." Sabay ngisi ko.

"Ahmm . . . Ricci diba uuwi kana?" Tanong ni Deanna.

"Oo, salamat pala sa time mo Deanna. Ang saya mo talaga kasama." Nakangiting sabi ni Ricci.

Tsk! Kala mo naman gwapo. Porket daks!

Nagpaalam na si Ricci at pagkaalis nya, agad kong hinatak papasok sa kotse ko si Deanna at pinaandar ang kotse patungo sa condo ko.


End of Chapter


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

Second Love || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon