Chapter 12

324 3 1
                                    

Chapter 12

Deanna Point of View

Nang matapos akong manood, nag-open naman ako ng twitter at nag-tweet.

"I'm sad :("

Wala pang isang minuto pero libo-libo na ang nag-comment. Karamihan ay nagtatanong kung bakit ako malungkot pero hindi ko ito sinagot.

Nag-scroll down ako ng nag-scroll down, hanggang sa may nakita akong picture.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang picture. Ako at si Ricci ang nasa picture at masayang nag-uusap.

Agad kong binasa ang comment at halos lahat ng tao ay kinilig. Meron din nambabash kay Ricci at sakin pero karamihan ay puro DeanCci ang comment.

"DeanCci! New ship😍"

"Kay ate Jema si ate Deanna."

"DeanCci"

"MiCci lang!"

"DeanCci is Real!!"

Ayan halos yung mga comment pero marami pang iba. Inoff ko na ang phone ko dahil sunod-sunod itong tumunog.



Ricci Point of View

Pagbukas ko ng cellphone ko, agad bumungad sakin ang notification ko at galing lahat sa twitter.

Nagbukas ako ng twitter at halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko ang picture namin ni Deanna.

Shit! Nakalimutan ko sikat pala kami. Dapat pala sa private place nalang kami kumain.

"Kuya trending ka ah, sino yung girl na kasama mo sa isang cafe?" Tanong ni Gelo.

"Si Deanna Wong." Sagot ko at binasa ang mga comments ng netizen.

"Ahh . . Sya yung best setter nung season 80 diba?"

"Siya nga."

"Nililigawan mo kuya?"

"Hindi ah. Friend lang kami."

Tumango lang ito at nagpatuloy na sa paglalaro. Tinuloy ko narin ang pagbabasa ng comment at halos puro DeanCci ang nakalagay sa comments.

Meron naman na nangbabash sakin at kay Deanna pero pinagtatanggol naman kami nung ibang fans.



Ponggay Point of View

Nang makauwi ako sa dorm, dumeretso ako sa kwarto ng Rookies.

Kumatok ako at binuksan iyon ni Jaja. "Oh ate Pongs, pasok ka."

Ngumiti lang ako at pumasok na sa loob. "Hi Maddie."

Umupo ako sa edge ng kama nito. "Anong kailangan?"

"Wala lang. May papakita lang sana ako sayo."

"Ano yun?"

Binigay ko sa kanya yung cellphone ko. Nang makita nya ito, biglang nanlaki ang mata nya.

"Sila?!"

"Ewan, sa pagkakaalam ko sila pa ni Jema eh."

"Siguro, pumunta si Jema rito kanina eh."

"Nagkita sila ni Deanna?"

"Oo, nasa condo ni Jema si Deanna kasi may problema daw si Jema kaya gusto ni Deanna na samahan sa condo."

"Ah okay. Cge tulog na ko."

Lumabas na ko ng kwarto at pumasok sa kwarto namin ni Deanna. Hyst! Ano ba yan? Wala akong kasama.

Maitext na nga lang si Kobe. "Labas tayo bukas."

Maya't-maya nakatanggap ako ng reply. "Sure."

"Okay, see you tommorow."

Tinabi ko na ang cellphone ko at pumasok sa loob ng CR para makapaghilamos na.

After ten minutes natapos nadin ako kaya lumabas na ko ng CR at nahiga agad sa kama ko.

Nag-alarm ako ng five o clock bago pumunta sa ibang mundo. Hihih!




Deanna Point of View

Nagising ako ng marinig kong may umuungol sa kwarto ni Jema. Agad-agad akong tumayo mula sa sofa at kinatok ang kwarto ni Jema.

Walang sumasagot at tanging ungol lang ang naririnig ko kaya binuksan ko na ang pinto ni Jema at tuluyan pumasok sa loob.

Nakita ko si Jema na balot na balot ng kumot at nanginginig. Umuungol rin ito.

Agad kong nilapitan si Jema at umupo sa tabi nito. "Jems!"

Mahina kong niyugyog ang balikat nito. Ungol lang ang tanging naging sagot nito. Hinawakan ko ang noo nito.

"Shit! Sobrang init mo." Mahina kong bulong.

Tumayo ako at pumasok sa CR nya. Kumuha ako ng maliit na towel at tabo. Nilagyan ko yung tabo ng maligamgam na tubig.

Binalikan ko si Jema at nilapag sa side table yung tabo na may laman na tubig na maligamgam.

Umupo ako sa tabi nito. "Jems?"

Nagmulat ito. "Deanna."

"Nilalagnat ka. Gusto mo bang dalin kita sa hospital?" Tanong ko at pinunasan ang noo nya ng basang towel.

"Ayoko." Nanghihina nitong sabi.

"Okay. Aalagaan nalang kita." Sabi ko at pinunasan ang buong katawan nya.

Pwera lang sa private part at sa pakwan. Hihih!

Nang matapos ko syang punasan, tiniklop ko yung towel na basa at pinatong sa noo nya.

"Nasan yung thermometer mo?"

"Nasa drawer."

Binuksan ko ang drawer nya at kinuha ang thermometer. Inipit ko sa kili-kili nya ang thermometer.

Maya't-maya tumunog ito kaya tinignan ko na. 38.9 medyo mataas pa lagnat nya.

"Gusto mong kumain?"

"Ayoko . . . Please stay with me."

Tumango lang ako at tumabi sa kanya. Niyakap ko ito ng mahigpit at pumikit. Ang sarap talaga matulog kapag mahal mo ang katabi mo.


~End of Chapter~


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter





Second Love || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon