Chapter 11

331 3 1
                                    

Chapter 11

Ricci Point of View

Maya't-maya narinig kong may nag-door bell kaya tumayo ako at binuksan ang gate.

"Deliver sr."

"Magkano po?"

"Five hundred lang sr."

Kumuha ako sa wallet ko ng one thousand pesos at inabot dun sa delivery boy then kinuha ko yung pizza.

"Sr. Wala po ba kayong barya?"

"Keep the change."

"Salamat sr."

"Ingat."

Sabi ko at sinara na ang gate ng bahay namin. Pumasok na ko sa loob at nilapag sa center table yung pizza.

Agad kumuha si Allen ng pizza, ako naman ay naupo sa tabi ni Peppa at sinubuan sya ng pizza.

"Anong gusto nyo? Water or juice?" Tanong ko.

"Juice!" Sabay nilang sabi.

Ngumiti lang ako at pumunta sa kusina para magtimpla ng juice. Nang matapos ako magtimpla, agad akong kumuha ng dalawang baso at binalikan si Allen at Peppa.

Nilapag ko yung juice at baso sa table at naupo muli sa tabi ni Peppa, muli ko syang sinubuan ng pizza.

Maya't-maya narinig kong may bumababa ng hagdanan kaya tumingin ako roon.

Agad akong lumapit kay mommy. "Hi mom."

Hinalikan ko ito sa pisngi.

"Oh, kanina ka pa?" Tanong ni mom at umupo sa tabi ni Peppa.

Umupo naman ako sa solo couch. "Opo."

"Sino bumili ng pizza?" Tanong ni mom at kumuha ng isang slice ng pizza.

"Ako po. Gusto daw kasi nila ng pizza." Sabi ko.

Tumango lang si mom. Nagkwentuhan muna kami at nanood, habang wala pa si dad at yung iba kong kapatid.





Deanna Point of View

Nang makarating kami sa condo nya, agad ko syang pinapasok sa kwarto at sinabihan na maligo.

Umupo ako sa sofa at binuksan ang TV gamit ang remote. Tinext ko si ate Mads na nandito na kami sa condo.

Bumukas ang pinto ng kwarto ni Jema kaya't napatingin ako doon.

"Nagugutom ka?" Tanong ni Jema at umupo sa tabi ko.

Inakbayan ko ito. "Nope, ikaw?"

"Ewan, kanina pa ko hindi kumakain eh, pero para akong walang gana." Matamlay nitong sabi.

"Kain tayo." Sabi ko.

"Ayoko." Sabi nya.

"Hindi pwede, baka mag-alala si tita pag nalaman nyang hindi ka kumain." Sabi ko. Kahit ako nag-aalala sa kanya.

"Wala akong gana Deans." Sabi nito at humilig sa balikat ko.

"Jema hindi pwede, baka magkasakit ka kapag hindi ka kumain." Nag-aalala kong sabi.

"Deans isang araw lang naman eh." Nakapout nitong sabi.

"Kahit na, kumain kana Jems. Please,
ipagluluto kita." Pagmamakaawa ko.

Tumayo ito at pumasok sa loob ng kwarto. Napabuntong hininga nalang ako. Mukhang wala talaga syang gana.

*CRING!*

Tinignan ko kung sino ang tumatawag sa cellphone ko. Si Jovi Galanza pala.

"Hello Deans?" Sabi sa kabilang linya.

"Oh Jovs, bat napatawag ka?" Tanong ko sa kabilang linya

"Kasama mo ba si Jema?"

"Oo, nasa condo nya kami ngayon."

"Ah okay. Deans pwede favor?"

"Cge. Ano yun?"

"Ikaw munang bahala kay Jems, tsaka wag mo syang papabayaan ah. Hindi namin sya mapuntahan kasi nandito kami sa hospital nagbabantay kay tita."

"Oo naman, akong bahala sa kanya. Dalaw ako kapag may time."

"Cge, salamat ah."

"Cge, ingat kayo." Sabay patay ko ng tawag.

Nilapag ko sa center table yung cellphone ko at nanonood ng Philippine Taekwondo League.





Jema Point of View

Pumasok nalang ulit ako sa loob ng kwarto ko dahil kung hindi, pipilitin lang ako ni Deanna na kumain.

Sa totoo lang hindi talaga ako gutom, kahit hindi pa ko kumakain. Ewan ko, para wala akong gana.

Sino ba naman kasi gaganahan kumain, kung malaman mong may malalang sakit ang nanay mo.

Kinuha ko nalang yung cellphone ko at nag-twitter. Scroll lang ako ng scroll hanggang sa may makita akong picture.

Si Deanna at si Ricci. Tinignan kong maigi yung picture dahil baka edit lang, pero hindi.

Hindi edit, kundi totoo. Bat naman sila magkasama? Close ba sila? Tinignan ko ang mga comments at puro halos DeanCci ang comment ng mga fans ni Ricci at Deanna.

Meron din nambabash pero karamihan ay puro DeanCci ang nakalagay sa comment.

Bigla nalang uminit ang ulo ko kaya binato ko ang cellphone ko sa couch at nagtalukbong ng kumot.

Nawala lang ako saglit, may iba na agad sya. Tsk!



~End of Chapter~



Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

Second Love || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon