Chapter 13
Ricci Point of View
Wala akong klase ngayon dahil sabado kaya nandito kaming Rivero Brothers sa Athletes Den. Itong gym na'to ay pagmamay-ari ni Dad.
Nandito rin sila mommy at daddy, wala kasing work si Daddy kaya nandito sya sa gym nya, sumama narin si mommy dahil mabobored lang sya sa bahay.
"Sahia trending ka ah, pati si Deanna." Sabi sakin ni Dihia habang nagbubuhat.
"Kilala mo si Deanna?" Takang tanong ko.
"Oo. Siya kaya yung best setter nung season 80. Tas sikat din sya dahil maganda at magaling." Sabi ni Dihia.
"Type mo?" Taas kilay kong tanong.
Ngumisi ito. "Nagseselos ka noh? Nga pala bat magkasama kayo? Close ba kayo nun?"
"Hindi. Pinakilala ako sa kanya ni Thirdy tas ayun nagkita kami sa BEG. Saktong wala akong training kaya niyaya ko sya lumabas."
"Ayieee! May gusto ka kay Deanna noh?"
"Wala noh, hindi pa nga kami masyadong close eh."
"So pag naging close na kayo tsaka ka lang magkakagusto sa kanya?"
"Bahala ka nga dyan."
Umupo ako sa sahig dahil malinis naman ang sahig dito. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa at tinext si Deanna.
Buti nalang nakuha ko yung number nya. "Hi Deanna. Goodmorning, si Ricci 'toh."
Nagda-dalawang isip pa ko kung isesend ko pero sa huli ay sinend ko nalang dahil wala naman malisya.
"Sahia inom ka muna."
Inabot sakin ni mommy ang isang baso na naglalaman ng tubig. "Thanks mom."
Ininom ko ito at pagtapos ay binigay kay mommy. Naupo sa tabi ko ito. "Sahia sino yung Deanna Wong? Nililigawan mo?"
Ramdam kong namula ang mukha ko kaya agad akong nagsalita. "CR lang ako mom."
Akmang tatayo na ko pero hinila ako nito paupo. "Bakit po mom?"
"Sino si Deanna Wong?"
"Friend ko po mom."
"Okay. Pag may oras dalin mo sya satin, gusto ko syang makilala, gusto rin sya makilala ng dad at mga kapatid mo."
Magsasalita sana ako pero umalis nasa tabi ko si mom at pinuntahan si daddy. Hyst! Pa'no ko 'toh sasabihin kay Deanna?
Deanna Point of View
Nagising ako bandang eight thirty. Tumingin ako kay Jema at mahimbing itong natutulog.
Hinawakan ko ang noo nya at mainit parin sya kaya kinuha ko yung lalagyanan nya ng mga gamot.
Wala na syang paracetamol kaya naman pumasok ako sa CR at naghilamos.
Nang matapos ako maghilamos, agad kong inayos ang buhok ko at kinuha ang cellphone ko.
Kinuha ko rin yung wallet ko. Bago ako lumabas ng kwarto nya ay hinalikan ko muna sya sa noo.
Lumabas na ko ng condo unit nya at sumakay sa elevator. Habang nasa elevator ako, inopen ko ang CP ko at message agad ang tumambad sakin.
Tinignan ko yung message na number lang at walang pangalan. "Hi Deanna. Goodmorning, si Ricci 'toh."
Napangiti ako sa hindi malamang dahilan. "Goodmorning din Cci."
*TING!*
Binulsa ko na yung cellphone ko at lumabas na ng elevator. Nilakad ko nalang yung mercury dahil may malapit na mercury rito sa condo ni Jema.
Bumili lang ako ng paracetamol at C2, bumili narin ako ng watter bottle, mga apat dahil baka wala ng mineral na tubig si Jema sa condo.
Bumili narin ako ng snacks para may makain ako. Nang matapos kong bayaran lahat ng binili ko.
Agad kong binalikan si Jema. Naabutan ko itong natutulog parin kaya dumeretso ako sa kitchen at nilagay sa ref lahat ng binili ko, pwera lang sa gamot at snacks.
Umupo ako sa sofa at binuksan ang TV gamit ang remote.
*DDDZZZZTTTTT!*
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa at tinignan kung sino ang nag text.
"Deans pwede favor?" Reply ni Cci.
"Oo naman." Reply ko rin.
Agad akong nakatanggap ng reply rito. "Pwede kaba bukas? Gusto kasi nila mommy na mameet ka."
Nabigla ako sa text nito at the same time ay kinabahan rin ako. Shet! Meet the parents agad.
(A/N: Uy may girlfriend ka!)
Oo nga pala. Shit! "Tignan ko, may lakad ata ako eh, pero pag wala text kita bukas."
"Cge, salamat." Reply nito.
Hindi na ko nag-reply dahil hahaba lang ang usapan. Maya't-maya naisipan kong puntahan si Jema kaya pumasok ako sa kwarto nya at tulog parin ito kaya tinabihan ko at muling natulog.
~End of Chapter~
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter
BINABASA MO ANG
Second Love || #Wattys2018
Fiksi PenggemarRicci Rivero and Deanna Wong DeanCci Fanfiction Started Writing: July 1 2018 Ended Writing: September 30 2018 Warning: Plagiarism is a crime. ©Hellofeye Stories 2018