Chapter 29

365 3 1
                                    

Chapter 29

Deanna Point of View

Mula ng alagaan ako ni Ricci, halos lagi na kaming nagkikita. Ewan ko ba pero parang sobrang saya ko kapag nakakasama ko sya.

May gusto na ata ako sa kanya at parang na fell out of love na ata ako kay Jema.

Speaking of Jema, two weeks narin kaming walang communication, minsan tinetext ko sya pero hindi sya sumasagot.

"Deanna nasa labas ng BEG si Jema." Bulong sakin ni ate Mads.

"Ate Mads puntahan ko lang sya." Paalam ko at agad lumabas ng BEG.

Nakita ko si Jema na nakikipag-kwentuhan kay ate Jia. Nilapitan ko silang dalawa.

"Ate Jia? Jema?"

Napalingon silang dalawa sakin.

"Oh Deanna? Bakit?" Tanong ni ate Jia, si Jema ay tahimik lamang.

"Ate Jia . . . Pwede ko ba maka-usap si Jema?" Tanong ko.

"Sure." Tumingin ito kay Jema. "Jema may bibilin lang ako ha, babalikan kita rito maya-maya." Sabi ni ate Jia.

Hinalikan nya muna sa pisngi si Jema bago sumakay sa kanyang kotse at pinaandar.

"Jema mag-usap tayo." Seryoso kong sabi.

Inirapan ako nito. "For what?"

"Basta." Hinila ko ito papasok sa BEG.

"Ano ba?!" Sa pilitan ko itong pinaupo sa bleacher, medyo malayo sa mga ka-teammates ko.

Umupo rin ako sa tabi nito. Akmang aalis sya kaya naman hinawakan ko ang kamay nya.

Tama nga, na fell out of love ako sa kanya. Wala na yung spark at saya na nararamdaman ko kapag hinahawakan ko sya.

"Ano bang kailangan mo, Deanna?" Inis nitong tanong.

"Jema ano bang nangyayare sayo?" Tanong ko.

"Shit Deanna! Tinatanong mo pa, ikaw ang may kasalanan kung bakit tayo ganito." Galit nyang sabi.

"Ewan ko sayo! Nakakainis ka, napaka-simple lang ng pinag-aawayan natin tas bigla mong papalakihin."

Nakakainis! Simple lang pero pinapalala nya.

"Buti pa aalis na ko, walang patutunguhan 'tong pag-uusap natin." Sabi nya at tumayo.

Aalis na sana sya kaso bigla akong nagsalita na nagpatigil sa kanya. "Let's break up, Jema."

Humarap ito sakin at kita kong nangingiligid ang luha nya. "A-are y-you s-serious?"

Tumayo ako at matapang ko syang tinignan. "Yes, let's break up. Tutal wala narin patutunguhan ang relasyon natin."

Tuluyan ng bumagsak ang luha nya, pati ako naiiyak na pero pinipigilan ko dahil ayaw ko makita nyang mahina ako pag-dating sa kanya.

"Eh gago ka pala eh!" Sabi nya at sinampal ako.

Shit! Ang sakit, parang tumabingi yung pisngi ko.

Pag-tapos nya kong sampalin, agad na syang tumakbo palabas ng BEG. Tuluyan nang tumulo ang luha ko at napaupo nalang ako sa bleacher at tinakpan ng dalawang palad ang aking mukha atsaka humagulgol.






Ponggay Point of View

"Ponggay lapitan mo yung bestfriend mo." Bulong sakin ni ate Mads kaya't nilapitan ko si Deanna.

"Deanna." Naupo ako sa tabi nito at hinagod ang likod nya. "Tama na."

Nakakaawa si Deanna. Alam ko ang dahilan kung bakit sya nakipag-break kay Jema.

Nung nakaraan kasi nag-usap kami kasi napapansin kong lagi nyang kasama si Ricci at sinabi nya sakin na parang na fell out of love sya kay Jema.

Tadhana nga naman, sobrang mapaglaro. Buti pa kami ni Kobe, chill lang.

Heheheh . . .



End of Chapter



Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

Second Love || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon