Chapter 08

337 3 1
                                    

Chapter 08

Ricci Point of View

Maya't-maya natapos nadin kami maglaro at saktong tinawag na kami ni mommy para kumain kaya sabay-sabay na kaming pumunta sa dining area.

Naupo ako sa tabi ni Peppa na kakagising lang, base sa mata nya. "Goodevening Peppa."

"Goodevening mga kuya." Bati ni Peppa.

Nagsimula na kami kumain at habang kumakain kami ay nagsalita si Ahia. "Mom, dad."

Napatigil kaming lahat sa pagkain at sabay-sabay tumingin kay Ahia. "Bakit anak?"

Tanong ni Daddy Paolo.

"Dad kasi nag-desisyon na kong lumipat ng school."

"Huh? Bat naman lilipat ka?" Takang tanong ni mommy Abi.

"Eh kasi po wala narin si Ricci dun, at isa pa gusto kong makasama si Ricci mom. Kaya nag-desisyon akong lumipat ng UP."

Tumawa naman si dad. "Buti nalang naisipan mo lumipat Ahia."

"Oh sya naayos muna ba yung mga papers mo?" Tanong ni mom.

"Opo, nakaayos na lahat. Pupunta nalang ako dun bukas." Sagot ni Ahia.

"Cge." Sabi ni mom at nagpatuloy na sa pagkain.

Nagpatuloy narin ako sa pagkain.

Masaya ako dahil makakasama ko si Ahia sa UP. Sobrang bait talaga ni Ahia, kahit kelan hindi ako nagawang iwan.





Deanna Point of View

Nang makauwi kami ng dorm, agad akong pumasok sa kwarto namin ni Ponggay at tinext si Jema na nandito na ko sa dorm.

Maya't-maya nakatanggap ako ng reply.

"Sorry baby kung ngayon lang ako nakapag-reply, kakatapos lang kasi ng training namin."

"Okay lang baby, cge kain at pahinga kana." Reply ko.

Naghintay pa ko ng isang oras pero wala ng reply kaya nag-desisyon na kong matulog dahil may training pa kami bukas.

May training na kami bukas pero sa next week pa ang opening ng season 81 kaya next week ay magiging busy na ko.

Naghilamos muna ako at uminom ng gatas bago nagsimula matulog.

→Fast Forward←

Maaga akong nagising, sinubukan kong matulog ulit pero hindi talaga ako makatulog kaya pinili ko nalang maligo at magbihis ng pang-jogging.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagiwan ng note bago lumabas ng dorm. Nagsimula na ko mag-jogging hanggang sa makarating ako sa moro lorenzo football field.

Umupo muna ako sa bleacher at ininom ang gatorade kong baon. Sumulyap ako sa relo ko at magpa-five na pala.

Bilis naman ng oras, kanina nung umalis ako four palang eh. Tumayo na ko at nag-jogging na pabalik sa dorm.

Pagpasok ko wala akong naabutan na tao pero may narinig akong mga nag-uusap sa dining area kaya pumunta ako roon.

"Oh Deans, san ka galing?" Tanong ni ate Mads ng makita ako.

"Sa football field po, nag-jogging ako." Sagot ko at umupo sa tabi ni Ponggay.

"Weh? Baka naman nakipagkita kalang kay Jema." Sabi ni Ponggay habang kumakain.

"Hindi ah, maaga kasi akong nagising kaya naisipan kong mag-jogging." Sabi ko.

Nagtimpla ako ng kape at kumuha narin ng tinapay para makakain na. Maya't-maya tumayo na si ate Mads at ate Kat.

"Guys makakasama natin ngayon mag-training ang creamline." Sabi ni ate Mads kaya kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang malapad na ngiti.

"Hay na ko! Yung isa dyan wag na magpigil ng ngiti." Tukso ni Sydney.

"Oo nga Wong, wag munang pigilan." Tukso rin ni Jake Zyrus. Si Ria. Hahah!

"Tigilan mo nga ko Jake Zyrus." Sabi ko kaya nagtawanan silang lahat. Pati si ate Mads ay natawa rin, habang si Ria ay nakasimangot lang.

"Ahahahah! Tama na guys, akyat na at maligo para makaalis na tayo ng sabay-sabay." Sabi ni ate Mads pero halatang nagpipigil ng tawa.

Katulad ng sinabi nya ay nag-akyatan na kami at pumasok sa kanya-kanyang kwarto.

Pinauna ko na maligo si Ponggay dahil mabilis naman iyon maligo atsaka saglit lang ako dahil nakaligo na ko at magbubuhos lang ako ng katawan.



~End of Chapter 08~



Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter





Second Love || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon