Chapter 16

347 4 1
                                    

Chapter 16

Deanna Point of View

Nang matapos namin manood, sinabi sakin ni Jema na pwede na ko umuwi at sya naman daw ay pupuntahan si tita.

Pumayag nalang ako. Gusto ko pa sana sya ihatid sa hospital kaso hindi naman sya pumayag, umuwi nalang daw ako.

Wala na kong nagawa kundi sumunod. Nadatnan ko sa lobby si Ponggay at Kobe na nag-uusap.

"Oh Deans." Sabi ni Ponggay ng makita ako. "Hi Deanna." Bati ni Ponggay.

"Hi Pongs, hi Kobe." Bati ko rin at ngumiti. "Akyat na ko."

Tumango lang silang dalawa. Umakyat na ko at nadatnan ko sa sala sila Jules at Ria.

"Hi Deans!" Bati ni Jules.

"Guys nandito na si Deanna!" Sigaw ni Ria.

Biglang nagbabaan yung mga ka-teammates ko. Unang bumaba ay si ate Maddie at kasunod si Kat.

"Deanna." Sambit ni ate Maddie.

Bigla akong kinabahan. "Mag-uusap tayong lahat."

Umupo ako sa couch, sa tapat ko naupo si ate Maddie, katabi si Kat. Naupo rin yung mga iba.

"Ate Mads, bat ganyan kaba makatingin?" Takang tanong ko.

Para kasi nya akong sinusuri eh. Para akong may nagawang malaking kasalanan.

"Deans ano 'toh? Explain." Tanong ni ate Mads.

Inabot sakin ni Ria yung cellphone nya at bumungad agad sa screen yung picture namin dalawa ni Ricci.

"Shit!" Mahina kong bulong.

Magsasalita sana ako pero biglang dumating si Ponggay. "Anyare sa inyo guys?"

"Ponggay maupo ka." Utos ni ate Mads kay Ponggay.

Nagtataka itong tumingin sakin pero ngumiti lang ako. Naupo sya sa tabi ko.

"Deans mag-explain kana." Sabi ni Dani.

"Anong ipapaliwanag ni Deanna?" Takang tanong ni Ponggay.

Nginuso ni Dani yung cellphone kaya tumingin si Ponggay sa cellphone at bigla itong napatili ng makita ang picture.

"Mygoddd! Girl, nakakakilig kayong dalawa ni Ricci dyan." Kinikilig na sabi ni Ponggay at hinampas pa ko sa balikat.

"Aray!" Daing ko at tinignan ito ng masama.

"Sorry." Sabay peace nya.

"Manahimik ka nga, Pongs . . . . Deans mag-explain kana." Utos ni ate Maddie.

Huminga muna ako ng malalim bago kwinento kung paano kami naging magkakilala ni Ricci at kinwento ko rin yung nangyari kung paano kami nagkasama.

"Ayun lang? Close na agad kayo?" Tanong ni ate Kim.

"Hindi pa po kami close, pero gusto nya daw ako maging close." Sabi ko.

"Close lang ba talaga? O may gusto pang iba?" Kinuha ko yung tissue sa center table at binato kay Syd.

"Friend nga lang daw, hanggang dun lang. Nothing more, nothing less." Sabi ko at tumayo na.

"Akyat muna ako, paki-tawag nalang po ako kapag kakain na ng hapunan." Paki-usap ko at umakyat na.

Pumasok na ko sa kwarto namin ni Ponggay at nahiga agad sa kama. Kinuha ko yung phone ko at tinext si ate Jia.

"Ate Jia free ako bukas ng lunch." Text ko kay ate Jia.

Maya't-maya nag reply ito.

"Sunduin nalang kita sa dorm nyo before lunch." Reply nito.

"Cge ate." Reply ko.

Naglaro muna ako ng candy crush, dahil wala naman akong ibang gagawin.





Ricci Point of View

Nandito kami nila Dihia at Ahia sa garden, nasa sala naman yung iba naming kapatid at si daddy and mommy.

"Cci tulungan mo naman ako." Napatingin ako kay kuya Rash.

"Anong klaseng tulong?" Tanong ko.

"May balak kasi akong itayong business, kaso hindi ko alam kung paano sisimulan.." Sabi ni kuya Rash habang nagkakamot ng batok.

"Ano bang business?" Tanong ni Ahia.

"Hindi ko nga alam eh, gusto ko mag-benta ng mga t-shirt." Sabi ni Dihia.

"Edi yun ang gawin mong business." Sabi ko.

"Hindi ko nga alam kung paano sisimulan eh." Naiiritang sabi ni Dihia.

Nag-isip ako kung paano at nang makaisip ako ay agad kong sinabi kay Ahia at Dihia.

Natuwa naman si Dihia dahil ang ganda daw ng naisip ko. Meron kasi akong idea pag dating sa business, nagbebenta rin kasi ako ng RR25 T-shirt.

"Tara pasok na tayo." Aya ni Ahia.

Pumasok na kami sa loob ng bahay. "Anong ginawa nyo sa likod?"

Tanong ni daddy. Naupo kami sa kabilang couch. "May pinag-usapan lang dad." Sagot ni Dihia.

"Tungkol saan?" Tanong ni mommy.

"About business dad." Sagot ko.

Tumango lang si dad at mommy tas nanonood na muli, nakinood narin kami.

Maya't-maya niyaya na kami ni mommy kumain. Nagsi-puntahan na kami sa dining area at naupo sa kanya-kanyang pwesto.

→Fast Forward←

Nang matapos kami kumain, dumeretso na kami kanya-kanya naming kwarto.

"Kuya ako muna maghihilamos ah." Sabi ni Gelo.

Tumango ako kaya pumasok na ito sa loob. Nahiga ako sa kama at tinanggal yung cellphone ko sa pagcha-charge.

Inopen ko ang phone ko at agad tinext si Deanna. "Are you free tommorow?"

Maya't-maya nag-reply ito. "Yes pero hapon pa, may lakad kasi kami ni ate Jia sa umaga eh."

"Okay lang, thanks Dean ah. Si mommy kasi gusto ka makilala eh, pati ng mga kapatid ko."

"Okay lang. Cge matutulog na ko. Goodnight, Ricci."

"Goodnight Deanna."

"Kuya bat nakangiti ka?" Napatingin ako kay Gelo na nagpupunas ng buhok.

"Kanina kapa dyan?" Gulat kong tanong.

"Kalalabas ko lang ng CR tas nakita kita na nakangiti, ang creepy mo." Sabi nito.

Ngumiti lang ako at tinabi ang phone ko. Kinuha ko yung towel na ginamit ni Gelo at pumasok na sa CR Para makapaghilamos.


~End of Chapter~


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

Second Love || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon