Gabi na ng makarating kami ni Jaja sa tapat ng dorm. "Ja." Mahina kong tinapik ang kanyang pisngi.
Dahan-dahan itong nagmulat. "Nandito na tayo."
Umayos muli ako nang upo. "Ja favor naman oh."
"Ano yun ate Deanna?"
"Pakisabi naman kay captain na pupuntahan ko si Jema at dun na ko matutulog sa condo ni Jema."
"Pero may training diba bukas?"
"Maaga nalang akong uuwi. Please pakisabi nalang, kailangan ko kasi makausap si Jema eh."
"Cge ate Deanna, ingat ka ah."
Bumeso muna ito sakin bago bumaba ng sasakyan. Hinintay ko muna ito makapasok ng lobby bago pinaandar ang kotse patungo sa condo ni Jema.
After an hour nakarating nadin ako sa building ng condo ni Jema. Pinarada ko sa basement yung kotse ko at sumakay na ng elevator.
Pinindot ko ang floor ng condo unit ni Jema.
*TING!*
Lumabas na ko at naglakad na. Nagdoor bell ako sa condo unit ni Jema at agad naman itong bumukas.
"Babe." Yumakap agad sakin ito.
Niyakap ko rin ito pabalik at hinalikan sa pisngi. "I miss you babe." Sabi nito at hinalikan ako sa lips.
"I miss you too." Hinila ko ito papasok sa loob ng condo nya.
Umupo ako sa couch at hinila sya kaya't napaupo sya sa lap ko. Pinulupot nya naman ang dalawa nyang kamay sa aking batok.
"I'm sorry babe." Sabi nito habang nakasubsob ang mukha nya sa leeg ko.
"Okay lang. Naiintindihan na kita babe, sorry din kung nagalit ako." Sabi ko at hinalikan ang tuktok ng ulo nya.
"I love you." Sabi nya in malambing tone.
"I love you too." Tugon ko.
"Kumain kana?" Tanong nito at nilayo ang mukha sa leeg ko para makita ang mukha ko.
"Hindi pa, sinamahan ko si ate Jho sa lipa eh. Nagkaron sila ng family problem." Sabi ko.
"Huh? Okay lang ba si Jho?" Halatang nag-aalala ito.
"Hindi nga eh, naaawa nga ako eh. Sobra akong naaawa kay Jaja." Malungkot kong sabi.
"Hayaan mo babe, magiging maayos din sila." Sabi nito.
"Sana nga." Bulong ko.
Umalis ito sa kandungan ko at tumayo ng tuwid. Nilahad nito ang left hand nya. "Bakit?"
"Kakain tayo, hindi parin ako kumakain eh." Tinanggap ko ang kamay nyang nakalahad.
Magkahawak kamay kaming nagtungo sa kusina. "Maupo ka." Umupo ako at sya naman ay naghanda ng makakain.
Nilapag nito sa harap ko ang isang ulam at umuusok pa. Hmm . . Ang bango, nakakatakam naman.
"Babe ano 'toh?"
"Caldereta babe."
Umupo rin ito sa harap ko at sya ang nagsandok ng kanin at ulam ko. Sinandukan nya rin ang sarili nya at tahimik kaming kumain.
Ricci Point of View
Maaga akong gumising dahil ngayon na ako lilipat ng dorm. "Kuya mamimiss kita."
Mangiyak-ngiyak na sabi ni Riley.
"Baby dadalaw naman ako dito eh, pero hindi araw-araw. Promise pag may time ako, dadalaw agad ako dito."
"Promise kuya?"
"Oo naman, wag papasaway kay mommy ah." Tumingin ako kay Gelo, Ashton at Allen. "Malaki na kayo, tulungan nyo si mommy mag-alaga kay Riley ah."
"Opo kuya, akong bahala sa baby brother natin." Nakangiting sabi ni Sihia.
"Cge, nga pala mom kelan lilipat si Ahia ng dorm?" Tanong ko kay mom.
"Pagkauwi nya susunod narin sayo yung kapatid mo." Nakangiting sabi ni mom.
Lumapit naman sakin si dad. "Mag-iingat ka dun Cci ah, wag kang masyadong mai-stress. Ako munang bahala sa business mo."
"Thank you dad. Mag-iingat din kayo." Sabi ko.
Hinatid nila ako sa labas. Pinasok ko sa trunk yung maleta ko at pumasok na sa driver seat.
Kinabit ko ang aking seatbelt at kumaway muna sa kanila bago pinaandar ang aking kotse na binili ko nung nakaraang taon.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naka-ipon ako ng pera dahil sa pagbebenta ng RR25 T-shirt at yun ang pinambili ko ng kotse ko.
→Fast Forward←
Isang oras ang naging byahe ko bago ako nakarating sa dorm, traffic kasi eh kaya ang tagal ko nakarating.
Sinalubong ako sa labas ng dorm ni Juan. "Pre bat ngayon ka lang?"
"Sorry bro, na-stock ako sa traffic eh."
"Tara, kanina kapa nila hinihintay."
Kinuha nito sakin ang maleta ko at pumasok na kami sa loob.
"WELCOME RIVERO!!"
Sabay-sabay sabi ng bago kong teammates.
Isa-isa akong nag-bro hug sa kanila. "Bro dun kana lang sa kwarto ko." Sabi ni Noah.
Sumunod ako rito at pumasok kami sa isang kwarto na hindi kalakihan, sakto lang ang dalawang tao para rito.
"Bro sorry kung madumi ah, hindi kasi ako nakapaghanda eh." Pag-pasensya ni Noah.
"Okay lang." Nilapag ni Juan sa gilid yung maleta ko.
"Bro dun ka sa dulo." Sabi ni Noah.
Umupo ako dun sa kama. "Cge bro labas na muna kami, ikaw munang bahala rito."
Tumayo muli ako at kinuha yung maleta, nilagay ko lahat ng damit ko sa isang closet na nakalagay sa gilid ng kama ko at nilapag ko sa isang side table yung iba kong gamit.
End of Chapter
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter