Chapter 19
Ricci Point of View
Nang malapit na mag-hapon, nagpaalam na samin si Deanna at ate Jia na uuwi na daw.
Kami naman tatlo nila Marco at Thirdy ay nagpa-massage muna sa isang spa dahil gusto daw marelax ni pareng Thirdy.
→Fast Forward←
Pag-tapos namin magpa-massage nila Marco at Thirdy, nag kanya-kanya na kaming uwi sa mga bahay namin.
After minutes of driving nakarating nadin ako sa bahay, habang sinasara ko ang gate ay nakita kong bukas na ang ilaw sa loob.
Tumingin ako sa garage at nakita ko dun ang kotse ni daddy na nakaparada. "Nandito na pala sila."
Bulong ko at pumasok na sa loob. Nadatnan kong naglalaro ng play station sa sala si Gelo at Allen.
"Hi kuya!" Bati nila ng makita ako.
"Hi boys, where's dad and mom?" Tanong ko at naupo sa tabi nila.
"Nasa kapitbahay si dad, kasama nya si mommy at Riley." Sagot ni Sihia habang nakafocus ang mata sa nilalaro.
"Eh si Ashton?" Tanong ko.
"Nasa kwarto kuya, natutulog." Sagot ni Allen.
Sumulyap ako sa wall clock at nakita kong malapit na mag-five. Haluh? Five thirty pala usapan namin.
"Guys bihis lang ako ah, susunduin ko na si ate Deanna nyo eh."
"Cge kuya."
Sabi ni Gelo kaya umakyat na ko at pumasok na sa loob ng kwarto namin ni Gelo.
Binuksan ko ang closet at naghanap ng magandang maisusuot. Pag-tapos ko makahanap, agad akong nagpalit at bumaba na.
"Gelo okay naba 'tong suot ko?"
"Kahit ano naman suotin mo kuya, gwapo kapa rin."
"Ahahahah! Cge alis na ko, ingat kayo ah. Balik din agad ako."
Lumabas na ko ng bahay at sumakay sa kotse ko. Kinabit ko ang aking seatbelt at susi then pinaandar ko na ang kotse papunta sa Eliazo Dorm.
Deanna Point of View
Habang naglalaro ako ng candy crush, biglang may lumabas na notification sa aking cellphone.
"Hi Deanna, malapit na ko sa dorm nyo." Text ni Ricci.
Haluh? Lagot! Agad akong tumakbo paakyat, narinig ko pang tinatawag ako ng teammates ko pero hindi ko na pinansin.
Pumasok ako sa loob ng kwarto namin ni Ponggay at agad naghanap ng masusuot na damit.
Nagsuot lang ako ng denim shorts na pinartneran ko ng t-shirt na nike na plain tas nike shoes na kulay black. Black ang denim shorts ko pati sapatos ko, kulay white naman ang t-shirt ko.
"Deanna andyan na si Ricci!" Boses ni Ponggay yun ah.
"Wait lang pakisabi!" Sigaw ko rin pabalik.
Minadali ko ng ayusin ang buhok ko at naglagay rin ako ng hikaw at kwintas. Itong kwintas na 'toh ay regalo ni Jema nung second anniversary namin.
Kinuha ko muna yung wallet at phone ko bago lumabas ng kwarto, bumaba ako at nadatnan ko si Ponggay sa sala, kasama si Ria.
"Where's Ricci?"
"Nasa lobby." Sagot ni Ria.
"Okay. Pakisabi kay ate Mads na babalik din ako agad, may pupuntahan lang kami ni Ricci."
Pumunta na ko sa lobby at nadatnan ko si Ricci na nakasandal sa pinto. Shet! Ang hot nya.
"Hottie." Bulong ko habang nakatitig dito.
Ngumiti ito kaya bigla nalang lumuso ang aking puso. Napahawak ako sa aking dibdib. Bakit nararamdaman ko ito?
"Hi Deanna."
Lumapit ito sakin kaya bumilis ang tibok ng puso ko, dagdag mo pa yung ngiti nyang mala-anghel.
"Hi R-ricci."
"Are you okay?"
"Yeah."
"Let's go."
Lumabas na kami ng eliazo at pinagbuksan nya muna ako ng pinto bago sya sumakay sa river seat.
Kinabit ko na ang aking seatbelt. "Are you ready?"
"Yes."
Putcha! Kinakabahan ako. Nakakahiya!
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako kay Ricci. "Don't worry nasa tabi mo lang ako."
Biglang nabawasan ang kaba ko at medyo kumalma narin ang tibok ng puso ko. Hay salamat!
Ngumiti lang ako at naglaro muna ng cellphone dahil may kalayuan ang bahay nila Ricci sa Eliazo dorm.
Jema Point of View
"Aalis muna ako, ikaw munang bahala kay mama." Sabi ko kay Jovi.
"Cge, mag-iingat ka."
Tumango lang ako at sumakay nasa kotse ko. Kinabit ko ang seatbelt at kinuha sa bulsa ko ang phone ko.
"Deanna pupunta ako sa dorm nyo. I need you." Text ko kay Deanna at tinabi na ang cellphone ko.
Sinimulan ko na paandarin ang kotse ko papunta sa Eliazo dorm.
→Fast Forward←
After minutes of driving nakarating nadin ako sa tapat ng Eliazo dorm. Hindi muna ako bumaba ng kotse.
Kinuha ko yung phone at tinext muli sj Deanna. "Hey baby! I'm here na."
Nakalipas ang ilang minuto pero wala parin akong natatanggap na reply kaya lumabas na ko ng kotse.
Pumasok ako sa loob at nag-tanong sa nagbabantay sa eliazo dorm. "Hi ate."
Gulat itong napatingin sakin. "Oh Jema, anong ginagawa mo rito?"
"Nasa taas po ba si Deanna?"
"Ay wala, nakita ko syang umalis kanina kasama si Ricci."
Nagulat ako sa sinabi nito at the same time ay nasaktan din. "Ah cge ate, salamat."
Ngumiti lang ito. Lumabas na ko at sumakay muli sa kotse ko.
"Where are you?!!😠" Text ko kay Deanna.
Naghintay pa ko ng ilang minuto pero wala kaya pinaandar ko na ang kotse ko pauwi sa condo. Bullshit!
~End of Chapter~
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter
BINABASA MO ANG
Second Love || #Wattys2018
FanfictionRicci Rivero and Deanna Wong DeanCci Fanfiction Started Writing: July 1 2018 Ended Writing: September 30 2018 Warning: Plagiarism is a crime. ©Hellofeye Stories 2018