Chapter 05
Ricci Point of View
Habang hinihintay ko matapos ang class ni Thirdy, pumunta muna ako sa canteen para makakain.
Nang matapos akong kumain, bumalik na ulit ako classroom nila Thirdy at habang naglalakad ako sa hallway ay may mga students na nagpapa-picture sakin.
Ewan ko ba. Bat kaya nagkakagusto sila sakin? Samantalang hindi naman ako kagwapuhan, medyo magaling lang ako sa basketball.
(A/N: Pa-humble lang Cci?)
(Hindi naman talaga ako gwapo author.)
(A/N: Sus, mukha mo.)
Saktong pagkarating ko sa harap ng classroom nila Thirdy ay labasan na nila.
Pumasok ako sa loob at lumapit kay 3rdy. "Oh Cci, akala ko ba uuwi ka muna?"
"Hindi na ko umuwi, kumain nalang ako tsaka walang tao sa bahay."
"Ah okay. Nga pala samahan mo naman ako bumili ng bouquet."
"Huh? Kanino ibibigay?"
"Kay Bea."
Lumabas na kami ng classroom. "Bat mo naman bibigyan si ate Bei?"
"Wala lang."
"Sus, nanliligaw kana kay ate Bei noh?"
"Hindi ah."
"Tsk! Pagong kapa rin hanggang ngayon."
"Ikaw rin naman eh."
"Hindi kaya, wala naman akong gusto eh. Focus muna ako sa Acads ko."
"Daming alam." Sabay batok nito sakin.
Babatukan ko rin sana ito pero bigla nya kong inakbayan. "Tara na."
Sumakay kami sa kotse ko at sya ang nagdrive dahil hindi ko naman alam kung saan sya bibili ng bouquet flower.
After minutes nakarating nadin kami sa flower shop at pumasok kami sa loob. "Goodafternoon sr. Thirdy and sr. Ricci."
Bati samin nung nagtitinda. Ngumiti lang kami at naghanap na ng bulaklak. "Ito Cci, maganda ba?"
Tinignan ko yung hawak ni Thirdy. "Pwede na. Maganda naman lahat ng bulaklak rito eh."
"Tsk, parang ang baduy. Iba na nga lang." Sabi nito at binalik yung flower nyang kinuha.
Habang naghahanap ako bigla kong nakita ang sunflower bouquet at nagiisa nalang ito.
Agad ko itong kinuha at tinawag si Thirdy. "Thirds ito maganda oh."
Sabay pakita ko.
Lumapit ito sakin at kinuha. "Oo nga noh, tara bayaran na natin 'toh."
Pumunta kami sa cashier at binayaran na yung sunflower. Pinadeliver ni Thirdy yung sunflower sa bahay nila ate Bea dahil nandoon daw si ate Bea ngayon.
Lumabas na kami ng flower shop. "Cge Cci taxi nalang ako pabalik. Salamat sayo."
Nag-thumb ups lang ako. Sumakay na kotse ko at pinaandar na papunta sa UP diliman dahil may class pa ako.
Okay na kasi yung pag-transfer ko kaya simula na yung pasok ko pero kukunin ko pa yung sched ko sa principal ng UP.
After minutes of driving nakarating nadin ako sa UP. Saglit lang ang naging byahe ko dahil malapit lang naman yung flower shop sa UP DILIMAN.
Pumunta muna ako sa principal at kinuha yung sched ko, pagkakuha ko agad na akong pumunta sa classroom ko.
Deanna Point of View
Masaya kaming nagkwe-kwentuhan ng mommy ni Jema habang si Jema ay nanonood at nakasimangot ang mukha.
Bahagya ko syang kinurot sa tagiliran kaya napatingin ito sakin at nakakunot ang noo. "Why?"
"Why ka dyan, bat nakasimangot ka?"
"Wala, cge na mag-kwentuhan muna kayo ni mommy." Sabi nito at muling tumingin sa TV.
Tulad ng sabi nya at nakipag-kwentuhan nalang ako kay tita dahil parang bad mood si mareng Jema.
→Fast Forward←
Nandito kami sa kitchen ni tita at si Jema naman ay nanonood sa sala. Tinititigan ko lang si tita habang nagbe-bake sya ng cookies.
Nang matapos itong mag-bake, naupo ito sa harap ko. "Hija pwede bang humingi ng favor?"
"Oo naman tita, ano po yun?" Nakangiti kong tanong.
"Hija wag mong sasabihin kay Jema 'toh ah. Ipangako mo sakin na hindi mo ito sasabihin kay Jema."
Bigla akong nakaramdam ng kaba. "O-opo tita. P-pangako."
"Hija may cancer na kasi ako at stage 4 na ito, gusto ko sana ikaw ng bahala sa anak ko kung sakaling mawala ako." Nagpunas ito ng luha. "Hija ingatan mo si Jema ah. Pag-pasensyahan muna lang kapag mainit ang ulo, medyo moody kasi yung anak kong yun eh."
"T-tita ayaw n-nyo p-pong m-malaman ni J-jema ang s-sakit nyo?" Nauutal kong tanong.
"Oo hija, kaya sana wag mong sasabihin ito sa kanya. Kahit sa kapatid nya wag mong sasabihin. Ayokong mag-alala pa sila, tsaka baka lalong mapabilis ang pagkamatay ko kung malalaman nila." Umiiyak nitong wika.
Niyakap ko si tita at hinagod ang likod. "Don't worry tita walang makakaalam, basta tita ipangako mong lalaban ka sa sakit mo."
"Pangako hija, lalaban ako hangga't kaya ko pa."
Nakakalungkot. Kawawa naman si Jema at ang kapatid nitong bata. Napaka-bata pa ni Princess. Si Princess ang kapatid ni Jema. Nakakaawa naman si tita, sana gumaling ito.
~End of Chapter~
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter
BINABASA MO ANG
Second Love || #Wattys2018
FanfictionRicci Rivero and Deanna Wong DeanCci Fanfiction Started Writing: July 1 2018 Ended Writing: September 30 2018 Warning: Plagiarism is a crime. ©Hellofeye Stories 2018