Chapter 09
Deanna Point of View
After minutes of driving nakarating nadin ako sa parking ng BEG. Inayos ko muna yung pag park sa kotse ko bago pumasok sa loob.
Naabutan ko si ate Michele at ate Alyssa na inaayos yung net at mga bola.
"Goodmorning mga ate!" Bati ko at umupo sa bleacher.
"Goodmorning Deans." Bati sakin ni ate Michele at ate Kuttika.
Ngumiti lang sakin si ate Alyssa at nagpatuloy na sa pag-ayos ng net at bola.
Umupo naman sa tabi ko si Ponggay at ate Jia.
"Goodmorning best setter." Bati sakin ni ate Jia at binesohan ako.
"Goodmorning ate Jia. Nasan po si Jema?" Tanong ko.
"Jema na naman." Rinig kong sabi ni Ponggay pero hindi ko na pinansin.
"Hindi pa dumadating eh, baka padating na yun." Sabi ni ate Jia.
"Cge ate." Sambit ko.
Nilabas ko ang cellphone ko at tinext si Jema.
"Hey! Where are you?" Text ko kay Jema.
Naghintay pa ko ng ilang minuto pero wala akong natanggap na text kaya naman tumulong nalang ako kila ate Alyssa mag-ayos ng net at bola.
→Fast Forward←
Natapos ang training namin na walang dumadating na Jema, ilang beses narin syang sinubukan kontakin nila ate Jia at ate Alyssa pero hindi ito sumasagot at cannot be reach ang cellphone.
Nagsisimula narin akong mag-alala. Gusto ko syang hanapin pero hindi ko naman alam kung saan sya hahanapin.
"Baka may pinuntahan lang Deans." Sabi sakin ni ate Mads at inakbayan ako.
Nandito parin kaming lahat sa BEG at wala pang pumapasok sa klase namin ni isa dahil nga nag-aalala rin sila kay Jema.
"Pa'no kung may nangyari sa kanya?" Shit! Hindi ako mapakali.
Maya't-maya nagsalita si ate Ly. "Guys wag na kayo mag-alala kay Jema. Pumasok na kayo at ikaw Deans, pumasok kana rin. Ako nang bahala maghanap kay Jema."
Lumapit ako kay ate Ly at niyakap. "Please ate Ly find her."
"Promise Deans, cge na go to school na." Sabi ni ate Ly ng humiwalay ako sa yakap.
Kinuha ko na ang gym bag ko at lumabas na ng BEG. Nagsunuran narin sakin yung iba kong teammates.
Sasakay na sana ako sa kotse ko kaso biglang may tumawag sakin kaya nilingon ko ang gawi ng tumawag sakin.
"Hi. Deanna right?" Hmm . . familiar sya sakin.
"Yup. Who are you?" Takang tanong ko sa lalaking nasa harap ko.
"I'm Ricci Rivero. Yung pinakilala sayo ni Thirdy nung nakaraan. Grabe, nakalimot kana agad?" Madrama nitong wika.
"Ahahahah, sorry. Bat mo pala ako tinawag?" Tanong ko. Hihih. Si Ricci pala 'toh.
"Wala lang. Papasok kana?" Tanong nito.
"Hindi. Wala akong class eh." Sagot ko.
Napakamot naman ito sa batok at parang nahihiya pa ito. "Pwede ba tayong lumabas? Gusto kita kasi makilala eh."
"Sure. Ngayon naba?" Tanong ko.
"Sana." Nahihiya nitong sambit.
"Cge, kaninong kotse gagamitin natin? Sayo or sakin?" Tanong ko.
"Yung akin nalang para hindi mabawasan gas mo." Sabi nito kaya natawa ako.
Naglakad na kami patungo sa pinagparadahan nya ng kotse.
Ricci Point of View
Ewan ko pero bigla ko nalang tinawag si Deanna. Hindi ko nga alam kung bakit eh, pero gusto ko talaga syang makilala.
Dinala ko sya sa pinakamalapit na cafe sa ateneo. Pinaupo ko sya sa dulo para walang umistorbo samin dalawa.
Nang makaorder ako, umupo na ko sa harap ni Deanna. "So bat gusto mo kong makilala?"
Tanong nito nang makaupo na ko.
"Wala lang, actually hindi ako friendly sa mga babae." Pag-amin ko.
Gentleman at mabait ako pero bilang lang ang babaeng kaibigan ko.
"Eh bat mo nga ako gusto makilala?" Tanong nito ulit.
"I don't know. Parang may nagtutulak sakin na kilalanin kita." Sabi ko at nag-cross legs.
"So Mr. Rivero, anong gagawin natin dito?" Tanong nito at nag-cross arms.
"Laro tayo. Tanungin mo ko tas tatanungin kita." Sabi ko.
Ahahahah! Ang corny ng naisip ko.
"Game. Una kana." Cool nitong sabi.
Dumating ang order namin kaya kinuha ko yung shake na inorder ko para sakin at uminom muna bago mag tanong.
"So Ms. Wong what's your full name?" Panimula ko.
"Maria Deanna Izabella Alvizo Wong." Sagot nito.
"Ikaw naman." Sabi ko at humigop muli ng shake.
"So mr. Rivero what's your full name too?" Tanong nya at ininom ang coffee na inorder ko sa kanya.
"Ricci Paolo Uy Rivero." Cool kong sagot. "Ms. Wong kelan ang birthday mo?"
"July 18 1998." Tipid nitong sagot. "Ikaw naman? Kelan birthday mo?"
"May 25 1998." Sagot ko. "Ilan kayo magkakapatid?"
"Lima. Kayo?" Tanong nito.
"Seven and all boys." Cool kong wika.
Tanungan lang kami ng tanungan hanggang sa hindi namin namalayan na hapon na. Namalayan lang namin na hapon na nung may tumawag sa cellphone nya.
"I'm sorry Ricci pero pwede muna ba akong ihatid muli sa BEG?" Tanong nito.
"Sure, let's go." Sabi ko at sabay na kaming lumabas.
Pinagbuksan ko sya ng pinto bago pumasok sa driver seat. Pinaandar ko na ang kotse ng masigurado kong naka-kabit na ang seatbelt namin pareho.
~End of Chapter~
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter
BINABASA MO ANG
Second Love || #Wattys2018
Fiksi PenggemarRicci Rivero and Deanna Wong DeanCci Fanfiction Started Writing: July 1 2018 Ended Writing: September 30 2018 Warning: Plagiarism is a crime. ©Hellofeye Stories 2018