Chapter 38

391 3 0
                                    

Chapter 38

Deanna Point of View

"Bilis na kasi Dean, samahan muna ako."

Pilit akong tinatayo ni Ponggay.

"Mamaya na kasi, Pongs. Makakapaghintay naman yung libro mo sa rooftop eh."

Wala akong nagawa kundi tumayo na dahil lumuhod ito sa harapan ko, nakakahiya naman. Ang dami pa naman tao rito sa edsa walk.

Ako ang unang pumasok at bigla ko nalang narinig ang pag-lock ng pinto kaya mabilis akong tumakbo sa pinto at kinalampag yun.

"Ponggay hindi ako nakikipagbiruan!!"

"Ang ingay mo naman."

Napatingin ako sa nagsalita at nanlaki ang mata ko nang makita ko ito. "Bat nandito ka?!"

"Masama?" Sabay ngisi nya.

"Hindi naman." Muli akong humarap sa pinto at kinalampag muli. "Ponggayyyyyyy!!! Pauline!!!! Yari ka sakin!!!!"

Sisigaw pa sana ako pero biglang hinatak ni Ricci ang kanang kamay ko at niyakap ako ng mahigpit.

Nagpupumiglas ako pero lalo lamang nyang hinigpitan. "Ano ba?!"

"Please stay."

Malumanay nyang sambit.

"Ano ba, Ricci?!"

Humiwalay ito sakin pero hawak nya parin ang kamay ko. "Kasabwat ka ni Ponggay noh?!!"

"Shh . . . May gusto lang akong sabihin sayo."

"Wala akong pakelam sa sasabihin mo . . . Pagtapos mong hindi mag-paramdam ng tatlong araw, bigla kang magpapakita sakin at gusto mong pakinggan kita!"

"Please?"

Kitang-kita sa mata nya ang pagod at medyo pawis sya. Siguro galing sya sa training.

"Fine."

"Tara."

Hinila ako nito paupo sa isang bench. "Deans, please makinig ka muna sakin."

"Okay."

Hinaplos nito ang noo nya bago nagsimula magsalita. "Deans gusto kita."

Tumawa ako ng mapakla. "Patawa ka Cci? Hindi magandang biro yan."

Sumeryoso ang mukha nya kaya napalunok ako ng ilang beses. Whaaaa!! Mukhang seryoso sya sa sinabi nya, pero baka ine-echose lang ako nito.

"I'm serious Deanna." Tumayo ito at biglang lumuhod sa harap ko. "Can i court you?"

Napanganga ako sa rebelasyon nito. Ohmyy! Seryoso nga sya! Wiwww!! Kung panaginip 'toh sana hindi na ko gisingin ni Lord.



End of Chapter



Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

Second Love || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon