Bata palang si Shanaiah Beatrice o mas kilalang Shan ay hilig na niyang makipaglaro sa mga kababata niyang lalaki ng texts,jolens, patintero, tagu-taguan at iba pa.
Mahilig din siyang magsuot ng mga panlalaking damit pero minsan din ay nagsusuot siya ng mga dresses dahil sa kanyang ina at mga kapatid na babae.
Habang lumalaki si Shan ay nakikita niyang umiiyak ang mga ate niya dahil sa mga boyfriends nila kaya itinatak niya sa kanyang isipan na hindi niya ito mararanasan.
Naging man-hater siya nung nasa highschool at college siya kung kaya't pag may nakikipag-usap sa kanyang lalaki ay umiiwas siya o di kaya'y kinakausap din naman ang kaso nga lang ay limitadong words lang ang kanyang isinasagot.
Marami siyang manliligaw pero wala ni isa sa kanila ang sinagot dahil nga man-hater siya. Minsan ay hindi naman maiiwasan ang pagkakaroon niya ng crush pero nawawala din agad. Pero nung nasa third year high school siya ay nagkacrush siya nang sobrang tagal.
Si Tristan Arthur Zapanta, isang basketball player, matangkad, medyo singkit at moreno. Matagal siyang nagkagusto dito. Umabot ito ng tatlong taon pero minsan ay nawawala pag matagal na niyang hindi nakikita. Hindi na lang ata paghanga ang nararamdaman niya sa binata kundi mahal na niya ito ngunit nawala ito na parang bula nang malamang may girlfriend pala ito.
Dahil dito, nakapagdesisyon si Shan na hindi na siya maiinlove sa kung sino man.
Bagamat nag-iba ang pananaw niya nung nakita na niya ang mga kapatid niya na masaya kasama ang asawa't anak.
Matagal bago binuksan ni Shan ang kanyang puso dahil hindi pa ito handa. Pinangako niya sa kanyang sarili na pagtungtung niya ng nineteen years old ay sasagutin na niya ang kung sinumang manliligaw sa kanya.
May nagugustuhan siyang lalaki na payat,matangkad,moreno,singkit at magaling din sa parehong pinapasukang university at kurso. Naging magkaibigan sila kaya't madalas siyang nakikipagbiruan upang makuha niya ang loob nito pero ang sinasabi ng puso't isip niya ay joke lang ang lahat ng ginagawa niya para rito.
Hindi niya inaasahan na mahulog ang isang Drake Carl Anderson sa kanya, ang lalaking kanyang gusto. Naging sila ngunit hindi rin nagtagal dahil nakipagbreak sa kanya ang lalaki. Hindi niya alam kung bakit.
Hindi siya gaanong nasaktan dahil ready na siya sa ganito ngunit may nararamdaman siyang panghihinayang sa nangyari. Paglipas ng mga araw, hindi sila gaanong nag-uusap at nagpapansinan pero laking gulat niya na parang may nag-iba kay Drake na hindi niya maipaliwanag.
Ano kaya to?Bakit kaya pag may kausap siya na ibang lalake eh may sinasabi si Drake na hindi niya maintindihan? mga galawang hindi niya noon pinapakita sa kanya?Hindi kaya...nagseselos ito??
Pano kung bumalik ang first love ni Shan? May pag-asa pa kaya silang dalawa na magkabalikan o may pag-asang maging sila ng first love niya?
A/N: To all SharDon shippers, this is for you! First time ko gumawa nito kaya pagpasensyahan niyo na kong sabaw hahaha
Sana may magbasa dito kahit isa lang masaya na ako pero kung may mapadpad man at dumami, sobrang thankful ako sa inyo. And I thank you!Hahahaha..
Love you guys!
BINABASA MO ANG
It Takes Time (On-going)
FanfictionIt takes time to finally found the right person.