Guys! Ine-edit ko ang mga previous chapters kaya mapapansin niyo na may mga title na na nakalagay😊.
[Summer part 2]
ONE WEEK before ang pista namin ay pupunta kami nina nanay, kuya Den at ate Lily kasama ang dalawa kong pamangkin na lalake, sina Ivan at Gian, Uncle Pepe na kapatid ni nanay, Auntie Eugenia na asawa ni Uncle Pepe, mga anak nila na sina Karin, Yhana at Wilson, pinsan kong si Kim sa Baguio City. Aside sa mamasyal kami ay sasamahan din namin si Auntie Eugenia na magpa-check up. Hindi ko alam kung anong sakit. Sasamahan din namin si Wilson na mag-enrol sa darating na pasukan sa Easther University.
Gumising ako ng alas-dos ng madaling araw para maghanda. Mamayang alas tres kasi ang biyahe namin.
Fifteen minutes bago mag-alas tres ay pumunta na ako sa bahay nina Uncle. Doon kami sa van nila sasakay. Pasado alas tres na pero hindi pa kami umaalis. May hinihintay pa daw kami. Wala akong alam kung sino ito.
"Ate Shan tara na sa loob." yaya sa akin ni Kim.
Pumasok naman ako at umupo sa pangalawang row. Magkatabi kaming dalawa. Sumunod din namang pumasok sina Yhana at Karin.
" Ateeeee!!!! Kasama natin si kuya Tristan!! Yieeeee..." kinikilig na tukso sa akin ni Kim. Buti na lang mahina ang pagkakasabi niya at hindi narinig nung dalawa kundi baka ipagkalat ni Karin. Binalewala ko na lang ang sinabi niya. Baka kung ipakita kong kinikilig ako ay baka lalo niya lang akong tuksuhin. Hindi ko alam kung alam niya ba talagang may gusto ako kay Tristan pero sinabi ko naman sa kanya noon na hindi si Tristan kundi si kuya Tyron.
Busy ako sa pagtingin-tingin ng mga pictures sa cellphone ko habang nakikinig ng music. Natigil ako sa aking ginagawa nang kalabitin ako ni Kim.
Tinanggal ko ang earphones sa aking tainga."What?" tanong ko.
"Hay naku ate Shan, wag mo nga akong ini-english!" inis niyang sabi.
Bumuntong-hininga ako. " O ano nga?"
Nagtataka ako sa inaasta niya. Para siyang kinikiliti na ewan. Sinundot niya pa ako sa tagiliran at tumatawa na parang kinikilig siya.
"Aray naman ate Shan!" inis niyang sabi pagkatapos ko siyang batukan.
"Umayos ka nga! Nababaliw ka na ba?!"
"Eiiiiiii ate naman eh! May sasabihin ako sayo hihihi.."
Inirapan ko siya at tinuloy ang ginagawang pagtitingin ng mga pictures. " Ano nga?! Kanina pa ako nagtatanong sa iyo eh!"
Tumawa muna siya bago nagsalita. " Eh kasi naman ate, nandito na si Kuya Tristan hihihi.....uyyyyyy..." tukso niya.
Doon na ako sa likod umupo dahil sa unang row ay sina nanay at ate kasama ang mga anak at sa pangalawa naman ay mga pinsan kong babae. Nagbyahe kami nang four-thirty ng madaling araw. Umupo ako sa may gilid malapit sa bintana ng sinasakyan naming van. Katabi ko ang kuya ko at katabi naman niya si Tristan na katabi ng pinsan kong si Wilson. Tahimik lang akong nagmamasid sa labas. Hindi naman ako natatakot kung anuman ang makita ko. Maingay sa harapan namin dahil sa pamumuno ng mga pinsan kong babae. Doon sana ako kaso wala ng space kaya napilitan akong doon na lang sa likod umupo. Nagdaan ang ilang minuto, napagdesisyunan kong matulog.
Nagising ako nang makaramdam ako ng lamig. Pagtingin ko sa labas ay mag-uumaga na at may mga fogs akong nakikita. Ang gandang pagmasdan ng mga ito pati rin ang mga bundok at bahay-bahay. Gusto kong makita ang Banaue Rice Terraces pero nandoon naman sa pwesto ni Wilson ang direksyon nito.
"Insan, diyan nga ako." pakiusap ko sa kanya. Binabalewala ko ang tingin ni Tristan.
"Ayoko." matigas na saad nito.