Valentine's day had passed pero walang Drake na nagpakita. He just greeted me through messenger. Wala na! I'm hoping that he will date me for the first time but it didn't happened.
Hindi ko rin masyadong nakakausap ang mga kaibigan niya. Kapag tinatanong ko sila kung nasaan si Drake, sasabihin nilang umalis na o kaya naman may ginagawa.
Nakahiga ako ngayon habang nakatulalang tinitignan ang kisame.Bukas na ang napag-usapan namin ni Drake na lalabas. Matutuloy pa kaya kung ganito naman ang nangyayari? Hanggang sa nakatulugan ko na lang ang pag-iisip.
Kagigising ko lang at agad ko nang binuksan ang messenger. Nagbabakasakaling may mensahe si Drake. And to my surprise, meron nga! He said that we will meet later. So ibig sabihin, matutuloy kami! Omg!
Agad-agad akong naligo at nagbihis pagkatapos. Hindi naman ako excited no? Hahaha..Anyway, sasama si Ella sa akin magsimba. Sinabi ko sa kanya na kasama ko si Drake. Kaya ayun, tinukso niya ako na may date kami ni Drake. It is true naman. Hindi ko mapigilan tuloy na kiligin.
Wala pa si Drake sa napag-usapan naming lugar. Kaya hinihintay namin siya ni Ella sa labas ng cathedral. Thirty minutes na pero wala pa rin siya. Sabi niya ay na-traffic siya.
"Shan, saan kayo pupunta pagkatapos ng misa?"
"Hindi ko alam eh. Bahala na si Drake mamaya."
Ngumiti naman siya. " Sama ako ah haha..chaperone ako." Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Okay lang..hindi lang naman ikaw ang kasama namin mamaya eh. Pupunta din dito sina Chelle at Maricar. Niyaya nila ako na lumabas kami eh, sakto naman na lalabas kami ngayon ni Drake. Sinabi ko kay Drake, buti pumayag."
" Kung marami tayo, eh di magiging group date na?"
Tumango ako bilang sagot. Sakto naman na nakita ko si Drake naglalakad papunta sa amin.
" Let's go?" yaya ni Drake.
Nauna siyang naglakad. Nasa likod lang niya kami ni Ella. Puno na sa loob pero nakipagsiksikan kami para lang makapasok. Nakahanap si Ella ng espasyo at doon kami pumunta. Nakatayo lang kami doon habang nakikinig sa sinasabi ng pari.
Katabi ko si Drake. Si Ella naman ay lumayo sa amin. Hindi rin namin kasama sina Chelle at Maricar kasi late na sila nakarating at pahirapan na rin sa paghahanap kung asan kami. Wala kaming imikan ni Drake. Naka-cross ang dalawa niyang braso habang seryoso na nakikinig sa harapan.
Noong bigayan na ng offering, magbibigay sana ako ng sarili kong pera pero naalala ko fifty pesos lang pala ang nadala ko. Balak ko sanang magbigay ng kahit twenty pesos kaya nagtanong ako kung may pera si Drake. Binigyan niya ako ng fifty pesos pero sinabi kong kahit twenty pesos lang.
"Offering nga di ba?" masungit na sabi niya. Kinuha ko na lang. Nakakahiya.
Akala ko tapos na yung mass kasi nagyaya na si Ella na lumabas na kami. I called Chelle and asked her if where they are. Nasa kabila pala siya so pinuntahan ko naman. Iniwan ko sina Ella at Drake sa may gate ng simbahan. I just texted Ella na samahan ko muna sina Chelle at Maricar na tapusin yung mass. Pagkatapos ng misa, pumunta na kami sa SM Tuguegarao, particularly sa Zark's. At first ayaw ni Drake sumama sa 'min pero pinilit ko siya. Hindi ko naman alam na ayaw pala niya sa crowded place.
Magkaharap kami ni Drake. Katabi niya si Chelle habang katabi ko naman si Ella. Nasa gitnang upuan naman si Maricar.
Hindi ko maubos-ubos yung burger na kinakain ko samatalang tapos na silang lahat. Ang laki kasi.
"Ayoko na." sabi ko.
Seryoso akong tinignan ni Drake. " Ang ayaw ko sa tao ay iyong hindi inuubos ang kinakain."
