Kidnap

242 8 3
                                    

Hello Shardons! Stay safe guys💜

Shan's POV

Hindi lang isang beses kong nakita sina Drake at Krisha na magkasama. Hindi lang sa loob ng opisina kundi pati na rin sa labas, mostly sa isang coffee shop na malapit sa kompanya. I don’t know what’s really going on between them pero alam kung may hindi tama. Hindi maganda. I want to confront Drake about this but I think I don’t have the right to do it kaya hinayaan ko na lang.

Kami naman ni Tristan, we’re both busy kaya minsanan na lang kami magkita sa kompanya. Limitado na lang din ang pagpupunta niya sa bahay ko. Nag-uusap naman kami pero hindi nagtatagal ng isang oras.

Gayong malapit na kaming ikasal, bakit parang may hindi tama. May kung ano akong nararamdaman na hindi maganda. Pakiramdam ko napaka-distant ngayon ni Tristan sa’kin. Parang may nililihim siya. Minsan, gusto ko siyang tanungin tuwing magkasama kami pero ayaw ko naman na guluhin yung moment namin together.

Umiling ako para iwaksi ang anumang iniisip at sinimulan ulit ang trabaho. Malapit na akong matapos sa ginagawa nang tumunog ang aking cellphone hudyat na may nag-text.

Tinignan ko kung sino iyon pero isang unknown number ang nagpakita. Kunot-noo kong tinitigan bago tinignan ang laman nito. Sino naman kaya ‘to?

Unknown number:

Let’s meet, Shan. Dito sa coffee shop, malapit sa kompanya ni Tristan.

Napataas ako ng kilay pagkatapos kong basahin. Si Krisha ba ‘to?

Ako:

Who’s this?

Unknown number:

Krisha.

Tama nga ako. Ano naman kaya ang gusto niyang gawin this time?

Tinapos ko muna ang ginagawa bago inayos ang sarili at pumunta sa lugar na sinabi. Wala si beshie ngayon dahil nag-leave siya ng isang linggo. May vacation ata sila ng family niya. Gusto nga niya akong isama but then, I refused.

Si Drake naman, absent ngayon at hindi ko alam kung bakit. Hayy…Ang hirap ng ganito. Gustong-gusto ko na siyang kausapin. Namimiss ko na siya.

Mainit na panahon ang bumungad sa akin pagkalabas ko ng kompanya. Buti na lang may dala akong payong. Nilakad ko na lang tutal malapit lang naman.

“Good morning Ma’am.” nakangiting bati ni manong guard.

Nginitian ko naman siya. “Good morning din po.” aniya ko pagkatapos ay pumasok na.

Hinanap ko agad si Krisha at agad ko naman siyang nakita sa gilid, malapit sa glass wall. Hindi muna ako lumapit sa kanya dahil may kasama siyang matangkad na lalaki. Hindi ko kilala kasi nakatalikod siya sa’kin. His massive back was very familiar but I’m not sure of it. Baka magkapareho lang sila nung taong kilala ko sa taong kinakausap ngayon ni Krisha. Malaki naman ang tiwala ko kay Tristan na hindi niya kakausapin si Krisha dahil alam niyang masasaktan niya ako kapag ginawa niya iyon sa akin.

Tumaas ang kilay ko nang makitang umangat ang kamay ni Krisha papunta sa mukha nung lalaki. Nakita kong agad na lumayo ang lalaki at hinawakan ang kamay para alisin ito.

After it, I decided to walk towards them nung sakto namang tumingin sa gawi ko si Krisha. At laking gulat ko nang humarap ang lalaking kausap pa kanina ni Krisha. Nagsimulang mangilid ang luha sa aking mga mata. Pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa banda nila. Nakatayo lamang ako. Tristan was about to talk to me when I stop him.

It Takes Time (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon