Thank you po kina panjanice at EdelynAtayan for commenting! Ito po ang update ko para sa inyo😊. Xixi!💜
Forty-five minutes before the meeting begins, nag-ayos muna ako. Pagkatapos ay naglakad patungo sa conference hall. Hindi na kailangan mag-elevator dahil malapit lang naman. Isang likuhan lang sa office, iyon na.
Wala pang masyadong tao nang makarating ako. Diretso akong pumunta sa dating upuan sa tuwing may meeting kami. Alam kong sinundan ako ng tingin ni Drake habang naglalakad pero wala akong pakialam.
Ang iba ay busy sa pakikipag-usap sa kasamahan at mayroon na ding mga bagong dating kaya parami na kami ng parami. Sampung minuto pa bago mag-umpisa, wala pa din Si Engr. Leon Hererro na siyang magd-discuss tungkol sa bagong project.
Sa kasamaang palad, isang bakanteng upuan lang ang pagitan namin ni Drake. Ngayong wala pa si Engr. Fin Barren sa gitna namin, pagka-upo ko ay agad niya akong kinausap.
" Buti naman at hindi ka na-late? " sabi niya habang nakahilig sa kahoy na parihaba.
Nilingon ko siya. Ngayon ko lang nakita ang pagbabago ng kanyang itsura at katawan. Dati ay payat siya, ngayon medyo lumaki na ang pangangatawan. Matangkad na siya dati pero mas tumangkad ata siya ngayon. Mas naging matured na ang itsura niya ngayon. All in all, may ipagmamalaki na rin siya.
" 'Di mo ba narinig yung sinabi ko kanina? I'll be here on-time but because I don't have such things to do, I went here before the scheduled time." mataray na sagot ko.
" Shan I---"
" Good morning Engr. Hererro." they said in chorus. Kasabay ng pag-upo ni Engr. Fin sa gitna namin.
Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil dumating na si Engr. Leon at lalong -lalo na'y dumating na si Engr. Barren na siyang pumagitna sa amin.
Dumiretso si Engr. Leon sa harapan at tumayo doon. Hindi na inabalang umupo.
"Good morning everyone. Last meeting, we dicussed about this new project owned by Mr. Zapanta but
we didn't decide who will be assigned on this." panimula ni Engr.
Inilibot ko ang paningin sa loob at nakitang mariin silang nakikinig sa harapan. Ako lang ata ang hindi aktibo dito. Binalik ko na din naman ang tingin sa harapan upang makinig din.
" ....So, we decided that the group of Engr. Anderson and company will be in-charge for this project." huling narinig ko.
Kumunot ang aking noo sa narinig. Anong grupo ni Drake ang in-charge?
" It is fine with you Drake?" tanong ni Sir Leon.
" Of course Sir. This project means a lot of my group."
" Good. By the way, Mr. Zapanta wants you and your team to go on his company. There are things that Mr. Zapanta wants to talk about this."
Nakita kong tumango si Drake bilang pag-sang ayon. Wait, hindi ko pa masyadong naabsorb lahat. Grupo ni Drake? Eh kabilang ako dun, ibig sabihin, kami ang magplaplano? Atsaka, tama ba yung pagkakarinig ko? Zapanta? Eh yan ang apilyedo ni Tristan.
Oh fudge! Napatapik ako sa noo nang may maalala. Oo nga pala, ang bagong project na gagawin namin ay ang bagong kompanya na gustong ipatayo ni Tristan Zapanta, ang Zapanta Airlines. Bakit ngayon ko lang naalala, eh, last week lang namin 'to napag-usapan. Napakaulyanin ko talaga, oo.
" Meeting adjourned." aniya ni Sir Leon bago lumabas ng conference.
Tumayo na din ako agad. Pumunta muna ako sa cubicle para kunin ang bag at yayain si Alora na kumain sa canteen. Mag-aalas dose na ng tanghali kaya break time namin.
BINABASA MO ANG
It Takes Time (On-going)
FanfictionIt takes time to finally found the right person.
