Just a Blink

198 8 1
                                    

Sadly, hindi ako nakapunta sa pista namin dahil may ginawa ako sa Tuguegarao. Naki-update na lang ako sa mga pinsan ko kung ano ang nangyari. Sumali pala sa beauty pageant ang kapatid ni Tristan na si Tricia. Maganda at mgaling siya kaya siya ang nanalo. Sayang at wala ako, hindi ko tuloy siya nasuportahan.

Hanggang ngayon, naalala ko pa din ang mga masasayang araw na nakasama ko si Tristan sa Baguio kahit hindi ko na siya nakikita. Unti-unti na din nawawala ang pagkakagusto ko sa kanya lalo na't nalaman ko na may bago siyang girlfriend. Taga Isabela din pero malayo sa amin. Nalaman ko na ang pangalan niya ay Krisha Dela Torre. Minsan nga ay ini-stalk ko ang girlfriend niya  at nakita ko kung gaano ako kalamang sa babaeng mahal niya. Sinabi din sa akin ni Iwa na mas maganda  ako kaysa kay Krisha pero kahit ganun ay wala naman akong magagawa dahil ang mahal ko ay may mahal ng iba kaya maging masaya na lang ako para sa kanya.

Nineteen years old na ako pero wala pa rin akong boyfriend. Dahil siguro kay Tristan kaya hindi ko na napapansin ang ibang taong may gusto sa akin. Buti na lang at kaming tatlong magkakaibigan ay wala pang jowa. Oo, may naging kaibigan na ako at naging tapat at tunay sila, sina Ella at Julia. Hindi ko na gaanong kasa-kasama si Debbie dahil hindi na ako sa subdivision nagbo-boarding. Doon na ako sa may malapit sa highway kasama ng mga kaibigan ko pero hindi naman malayo sa university kaya nalalakad namin.

Sabado ngayon kaya walang pasok. Nag-uusap kami ni Ella sa sala ng kung anu-ano hanggang sa napag-usapan namin ang tungkol sa pagkakaroon ng jowabels daw.

"Beshie, alam mo..ang daming nagkakagusto sa'yo pero wala ka namang sinasagot. Alam mo, okay naman si Teudo eh, kahit may pagkamayabang at GGSS hahaha.." sabi niya.

Pinag-isipan ko naman ang sinabi niya. "Hmmm...siguro 'pag ano...'pag napatunayan na niya siguro na..na ako lang talaga ang nililigawan niya, dun ko na siya sasagutin."

"Bakit? marami ba siyang nililigawan?" takang tanong nito.

Tumango ako bilang pag-sang ayon.

"Sino?"

"Ang alam ko...may gusto din siya sa set A eh pati dun sa  Agricultural Engineering."

"Ay! huwag mo na lang din siya sagutin. Playboy naman pala! Kaasar ha!...." Natawa naman ako sa sinabi niya. "Pero beshie kasi...magtw-twenty ka na next year pero wa jowa ka pa din...anong plano mo?"

"Hmmm...okay ganito, Kapag may nanligaw sa akin...sasagutin ko na agad-agad!" desidido kong sabi.

Ngumiti naman siya. "Ako din beshie para parehas tayo hahahaha..."

" Okay ba!"

Maaga ang pasok namin ngayon pero pagdating namin sa room ay wala pang professor. Maingay kami dahil may nagkwe-kwentuhan, tumatawa ng malakas, ang iba naman ay nagsusulat habang ang grupo naman namin ay nagpipicture. Si Ella ang may hawak ng cellphone kaharap niya si Julia at katabi ko naman siya. I-cliclick na niya nang biglang may umupong lalaki sa tabi ko. Hindi ko siya kilala dahil kabilang siya sa bago kong classmates. Payat, matangkad, moreno, singkit at magaling siya sa loob ng classroom namin pero hindi ko alam ang pangalan. Nagtataka man dahil sumali siya sa amin na nagpipicture, pinabayaan na lang namin.

Kinalaunan, naging kaibigan namin siya at nalaman ko na ang pangalan niya ay Drake Carl Anderson. Naging kaibigan na rin namin ang mga kasamahan niya, si James na isang bakla, sina Ate Mae, Ate Leila, Ate Zette at Monique. Madalas namin silang nakikipagkwenyuhan at nakikipagbiruan. Kapag may groupings nga ay kami-kami na lang din ang nagkakasama. Masaya silang kasama dahil wala silang kaarte-arte.

In the evening, I opened my messenger to see if there were messages. I saw a lot but the first one that I read is from Drake.

'I miss you.'

It Takes Time (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon