WARNING: Medyo SPG
Shan's POV
Dalawang linggo na akong hindi pumapasok sa kompanya ni Tristan. My brother asked me why and I said the truth. He got angry and tried to go to Zapanta Aviation Airlines, buti na lang napigilan ko siya. Naiintindihan ko naman siya kung bakit niya iyon gagawin, but then ayokong gumawa si kuya ng eskandalo dahil lang sa sakin."Anong huwag na, Shan?! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Nang dahil sa kanya, nagkakaganito ka! Kailangang maturuan ang lalaking iyon ng leksyon. Wala siyang bayag!"
"Kuya!" sigaw ko. Haist!
Buti na lang wala siyang ginawa pagkatapos naming mag-usap. Alam ko namang hanggang salita lang siya. Mabait si kuya eversince kaya swerte ang kanyang asawa't anak. Oo may pamilya na siya pero nasa probinsya kina nanay para may kasama sila.
Palaging bumibisita si Drake sa bahay. Palagi rin siyang may pasalubong. Magkaibigan na kami. Ito na lang kasi ang kaya kong ibigay sa kanya at buti na lang tinanggap niya.
"How are you sweetie?" yan ang palaging bungad niya sa akin. Sanay naman na ako.
"I'm always fine, Drake." masaya akong nandito siya palagi. Bukod kay kuya, Alora at kuya Stefan, isa siya siya sa mga taong naging sandalan ko noon.
"Si Sir Leon, palagi ka niyang tinatanong sa akin dahil di ka na nagrereport sa kanya."
"Anong sinabi mo?"aniya ko sabay lapag sa juice na ininom.
"Hmmm...sabi ko na may problema ka and may possibility na magresign ka." malungkot niyang saad.
Iyon naman ang totoo. May balak akong magresign sa kompanya ni Auntie. I'll talk to her some other day pati na rin si Sir Leo. Alam kong tatanungin nila ako kung bakit, sasabihin ko naman ang dahilan kasi magreresign naman na ako. Hindi naman sa ayaw kong magtrabaho kina Auntie, ayoko lang na mainvolve sa kahit ano kay Tristan.
"Anong sabi ni Sir?"
"Magpakita ka na raw sa kanya nextweek dahil hindi niya tatanggapin ang resignation paper mo kung sakali." he chuckled.
Napanguso ako sa sinabi niya. "Hey! don't pout your lips, sweetie"
"H-ha?"
"I said don't pout. I'm gonna kiss you if you do that again."
"Drake!"
He laughed out loud. I smiled seeing him happy.
"Just kidding."natatawa pa rin niyang sabi.
Inirapan ko siya.
Minsan din dumadalaw si Kuya Stefan pero huling dalaw niya noong nakaraan. Alam na rin niya ang nangyari sa amin ni Tristan. Hindi ko naman kasi kayang magsinungaling.
"I'm sorry Kleine Schwester..kailangan kong pumunta sa Germany. My parents need me there. I'll gonna miss you..."
"Kuya Stefan..."naiiyak kong sabi. Ang sakit talaga kapag na-atach ka na sa isang tao pagkatapos ay aalis din, parang siya.
"Don't worry, 'kay? Ikaw pa rin ang paborito kong kapatid." he smiled. Hinahaplos niya ang aking buhok para pakalmahin ako. Iyon ang palagi niyang ginagawa kapag umiiyak ako.
"Talaga lang naman kuya, hmph! Ako lang naman kasi ang gusto mong maging kapatid 'di ba? Baliw ka eh." natatawa ko ng sabi. Natawa na rin siya.
He never fails me to be happy.
"Hmm...bye my Shanaiah. Take good care here. Always remember that I love you and I am here for you always."
"Of course. I love you too Kuya Stefan. Bye. Ingat ka."

BINABASA MO ANG
It Takes Time (On-going)
FanfictionIt takes time to finally found the right person.