Diskubre

512 9 0
                                    

Maaga akong papasok ngayon sa bago kong school. Ito na kasi ang unang araw ko sa St. Theresitas High School. Isa itong public school dahil hindi kaya nina nanay na pag-aralin ako sa private school pero okay lang naman sakin kahit san pa ako mag-aral.

Kinakabahan ako pero at the same time excited at masaya. Makikita ko na kasi ang dating school ni ate kasi nung bata ako, naiinggit ako sa uniform niya kasi parang ang ganda.

"Nay, papasok na ko."masayang sabi ko pagkatapos tirintasin ni nanay ang buhok ko ay nagpaalam na ako.

"O sige, ingat ka doon. Alam mo na ba ang room mo?"

"Hindi pa nay, ngayon palang namin malalaman. Kasama ko naman si Jackie eh na titingin kaya walang problema." sabi ko sabay alis para maghintay ng tricycle sa highway.

Nasa harapan na ako ng St. Theresitas High School kaya nakikita ko kung gano karaming estudyante ang papasok. Nalula ako sa lawak nito kaya namamangha ko itong pinagmasdan. Hindi ko alam kung san ako pupunta kaya nakisabay na lang ako sa mga students dito.

Nakita ko ang isang bulletin board kung saan maraming students dun na tumitingin kaya nakisiksik ako. Nandito pala ang lists ng mga pangalan at rooms.

Hinanap ko agad ang name ko at yun nga nasa number 65 ako. Ibig sabihin, kasali ako sa Science classes. Tinignan ko din kung nandoon ang pangalan ni Jackie. Sobrang saya ko nung makita kong pareho kaming nakapasok hahahaha.

Matagal bago ko nahanap ang room ko dahil hindi ko alam kung nasaan ito kahit maraming nagtuturo. Ang lawak kasi talaga itong school na ito. Pagkapasok ko, agad kong nakita si Jackie na nakaupo sa may malapit sa bintana. Umupo naman ako sa tabi niya.

"O bat ang tagal mo? Buti wala pa yung adviser natin."sabi agad niya sakin.

"Hindi ko kasi alam kung nasaan ito kaya naligaw ako kahit nagtanong-tanong ako sa iba"sabay kamot ng sintido.

"Hahaha ang bobo mo talaga pagdating sa mga ganyan"tawang tawang sabi nito sakin.

"Grabe ha. Hindi porke---"hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang pumasok ang adviser namin. Parang masungit ito kaya natahimik lahat ng classmates ko.

Hindi muna siya nagturo kaya ang ginawa lang niya ay magcheck ng attendance. Nakaupo ito na nakasalamin. Hindi pa naman siya mukhang matanda pero nakasalamin na. Kung sabagay, wala naman sa edad ang pagsusuot nito. May mga tao din naman na nagsusuot para lang gawing accessory sa katawan o kaya may eye defect ito.

"Miss Andoc!"

"Present Ma'am"sabi ni Jackie habang nakataas ang kamay.

Palinga-linga ako para tignan ang mga mukha ng mga kaklase ko kaya hindi ko namalayan na tinatawag na pala ako ni Ma'am.

"Miss Bonavista?? Meron ba siya dito?"

"Uy!" kalabit sakin ni Jackie. " Ah ma'am ako po yun. Sorry po."

Pagkatapos tawagin lahat ng mga apelyido ay tsaka lamang siya nagpakilala.

"Ako ang magiging adviser niyo this year. I am honored for having you here in my class, science students. So, anything that will happen is my concern. That's why kung may kailangan kayo or tanong, care free to ask from me and I will help you with it. I'm not that strict but if among of you are not in the right place, I'll surely make a punishment for it. Understood?" mahabang pahayag ng adviser namin.

"Yes Ma'am!" we said in chorus.

"Anyways,  hindi pa pala ako nakakapag-introduce. So, I am Miss Alma Gonayon.  I am your Math teacher. Maraming nagsasabi na mahirap ito but for sure kayang-kaya niyo ito. Hope to see the best of my students tomorrow and in another days. Goodbye class." dagdag ni Miss Gonayon at umalis na.

It Takes Time (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon