The Bitch

335 7 0
                                        

Warning: Medyo SPG



“Tristan…” tawag ko.



His jaw clenched, and I saw his gripped tightened on the steering wheel. Still, his eyes on the road, kahit man lang sana sulyapan ako hindi niya magawa.



Hanggang ngayon, parang hangin lang ako sa paningin ni Tristan. Hindi ko naman siya masisisi. Alam kong may kasalanan ako, at alam kong tungkol ito sa kagustuhan niyang magkaroon na kami ng sariling anak.




Alam kong masama pa rin ang loob niya sa akin. I tried to talk to him again, but nothings happen. Ang bigat tuloy sa pakiramdam na ang taong mahal mo, may galit sayo. Sana hindi nila mapansin na hindi kami ayos ni Tristan.



We are on our way to Cubao terminal to fetch my family. Buti na lang pumayag siya kanina na sunduin namin sina nanay sa terminal. My family want to visit me and stay for days dahil sa kagustuhan nilang makasama naman ako bago ang kasal.



Tahimik lang ang aming byahe hanggang sa i-park ni Tristan ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
Lumabas si Tristan at umikot sa harapan para pagbuksan ako. I smiled at him pero isang malamig na tingin ang namutawi sa kanyang mata. Mabigat sa loob akong lumabas sa kotse pagkatapos ay isinara na niya ito.



“Nay!” tawag ko nang makita sila.




Nasa likod ko lamang si Tristan, nakasunod. I glanced at him. Tinignan niya ako pabalik pero panandalian lamang.




Sinundan ko siya ng tingin nang nilagpasan niya ako at pumunta sa aking pamilya. Nauna niyang kinamusta sila at pagkatapos, kinarga ang aking pamangkin. Magiliw niyang nilaro at ganun na lamang ang tuwa ng aking mga magulang sa nakita.



Gusto ko rin naman magkaroon ng anak pero hindi pa sa ngayon. Ngayong alam kong may gagawing masama si Krisha sa pamilya ko lalong-lalo na sa kanya. I will never ever do a stupid thing para lang sa kaligayahan ko. Mas gusto kong ligtas muna sila bago ang sarili. And I hope maintindihan iyon ni Tristan after all.
Matapos ang kamustahan ay umalis na kami.
Nanay bombarded us questions about what happened in our daily lives. I answered most of it dahil napakalimitado lang kung sumagot si Tristan. Sana hindi mapansin nina nanay na hindi kami ayos. Lalo na’t malapit na kaming ikasal at settled na ang lahat. Masasayang lang kung hindi matuloy.



“Love, hindi naman ito yung patungo sa bahay…” tanong ko dahil iba na ang direksyon na tinatahak naming. Tingin ko sa bahay nila kami pupunta, eh hindi naman doon titira pansamantala ang pamilya ko.




“Mom called, and she said that your family will be stay in our house.” Walang lingong sagot nito.
Kumunot-noo ako sa kanyang sinabi. Nagtataka kung bakit.




“She wants them to stay there for a while dahil gusto niyang makakwentuhan sina nanay.” Tuloy niyang sabi.



I nodded. “Okay.”



Mahimbing ang tulog nina nanay sa likod dahil sa pagod kaya hindi ko sila nagawang tanungin tungkol ditto. Baka alam na rin siguro nila bago ko pa malaman. Pero sana sinabi nila ng maaga para hindi ako nagtaka.




“We’re here.” Tristan said.



Tinignan ko naman ang pamilya ko sa likod at sakto namang gising na sila. Hindi pa kami nakakababa, Nakita na namin ang mommy ni Tristan sa labas, malapit sa pintuan ng bahay nila. She seems happy looking at us. I smiled too, thinking that we were really welcome in their house.



“Kamusta ang biyahe, balae?” agarang tanong ni Tita Trisha kay nanay pagkatapos ang mahabang kamustahan. Actually, hindi pa kami nakakapasok sa bahay nila.



It Takes Time (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon