I Love You, Goodbye

208 8 0
                                    


Last semester na at malapit na kaming grumaduate. Hindi ko inakala ang lahat. Lahat ng ginagawa ni Drake sa akin. Hindi ko siya maintindihan. Minsan may ginagawa siyang hindi ko alam kung bakit niya ginagawa. Hindi ko alam kung nagpapapansin siya sa akin? O gusto niya lang talagang gawin.

Halimbawa na lang noong isang araw. Gusto kong kumain ng burger with egg at uminom ng energy drink pero ayaw kong pumunta sa canteen dahil ang layo nito sa department namin. Hindi ko alam kung narinig niya dahil ang layo naman niya sa akin. Sina Ella, Julia, Ate Mae at iba pa ang mga kasama ko. Ang kasama ni Drake ay sina Kuya Darren at Kuya Albert sa likod nakaupo.

Nag-uusap kami noong biglang may nag-abot sa akin ng pagkain. Yung gusto kong kainin. Tumanggi ako pero nilagay niya sa harapan ko ang mga ito. Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanya'y umalis na siya agad.

I don't have a choice kundi kainin na lang ang mga ito. Habang kumakain ako, tinutukso nila ako. Tinatanong din kung nagkabalikan na kami. Puro iling lang ang tanging sagot ko. Hindi sila kumbinsido pero hindi ko naman sila masisisi kung hindi sila naniniwala.

Minsan din noong nagdala si Ella ng pagkain dahil nanalo siya bilang SK Chairman sa kanilang lugar. Binigay sa akin ni Ella ang isang medyo malaking tinapay na may maraming cheese sa taas nito na nagsisilbing toppings. Binigyan ko si Dylan dahil nasa kaliwa ko siya nakaupo. Susubo na sana ako kaso biglang may kumuha. Nakanganga tuloy ako.

"Pahingi." sabi ni Drake sabay kagat at kumuha pa siya. Pinanuod ko na lang siya sa ginawa niya. Bibigyan ko naman siya eh. Hindi makapaghintay?

Heto pa, pauwi na kami pero nagrequest si Ate Mae na magpicture-picture muna kami para naman may remembrance daw kaming magkakaibigan. Si Ella ang nagprisintang kumuha ng litrato. Sa unang kuha, katabi ko si Ate Zette at katabi naman niya si Drake. Si Drake ang nasa pinakagitna dahil siya ang pinakamatangkad. Pero noong humirit pa si Ate Leila ng isa pa, hinila ako ni Drake papunta sa tabi niya. Puro pasaring tuloy ang ginawa ng barkada. Kumanta pa sila.

"Muliiiiiing🎶 ibaliiiiiiik🎶🎶🎵 ang tamis ng pag-ibig.🎵"

Nakaakbay ang braso ni Drake sa kanang balikat ko. Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa aking mukha. Alam kong kasing pula na ito ng kamatis. Buti na lang hindi masyadong kita dahil malapit ng dumilim ang paligid.

"Okay...1...2....3...smile!"

Ngumiti naman ako habang naka-peace sign. Pinakita ni Ella sa amin ang mga kuha. Nakita ko sa huling kuha niya na naka-peace sign din si Drake. Ginaya niya kung ano ang ginawa ko kanina.

At ang panghuling ginawa niya na hindi ko talaga maintindihan ay ang pagbabawal niyang lumapit ako kina Dylan at Kuya Rey. Hindi ko alam kung bakit pinagbabawalan ako ni Drake na kausapin si Dylan at Kuya Rey. Kaibigan ko sila at ganoon din siya sa kanila.

Hindi ko sinunod ang nais niya. Kaya nabibigla na lang ako kapag may humihila sa akin palayo sa kanila. Gusto ko siyang tanungin kung bakit. Pero sa tuwing ibubuka ko pa lang ang bibig ay umaalis na siya.

Laking gulat ko na lang noong sinabi sa akin nina Ella at Ate Zette kung bakit niya ginagawa ang mga ito. Kinuwento ko kasi sa kanila ang mga ginagawa at kung ano ang sinasabi ni Drake sa nakalipas na araw. Akala ko nga ako lang ang nakakapansin pero hindi pala. Nakikita din pala nila.

"Shan....ang manhid mo!" si Ate Zette.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I've been clueless sa lahat.

"Shan...Drake is you know...hahahaha" ani naman ni Ella. Psh! Hindi pa niya tinuloy ang gustong sabihin. Inuna pa talaga ang tawa ha.

"Ano?" irap na tanong ko sabay halukipkip.

It Takes Time (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon