Paraan

197 7 0
                                    

Drake's POV

May meeting kami ngayong alas diez ng umaga tungkol sa bagong kompanya na ipapatayo ni Mr. Zapanta. Kanina pa ako dito sa office ng six-thirty dahil may sasabihin ako sa mga ka-team ko. Gusto kong  malaman nila na dapat kami ang pipiliin ni Sir Leon na gumawa sa project dahil ito ang magiging sanhi upang umangat ang aming posisyon.

Pinatawag ko ang lahat ng mga kasamahan. Nagsidatingan naman sila sa gawi ko pero may isa pa palang wala, si Shan. I sighed to release my irritation.

Hindi ko na hinintay si Shan because for sure, she will be late. Pagkatapos kong sabihin ang gusto kong sabihin ay dinismiss ko na sila.

It was already fucking nine in the morning, and there, I saw Shan walking towards her cubicle. Agad-agad ko siyang pinuntahan. Hindi pa siya nakakaupo ay nagsalita na ako.

"Shan, you are fucking late!" I hissed.

Inirapan na lang ako.

" Alam ko 'yon."

" Bakit ngayon ka lang? ' Di ba sabi ko maaga ka dapat ngayon dahil may bagong project na binigay si Sir Leon?"

Alam kong nakalimutan niya base sa ekspresyon ng mukha nito.

"Sorry naman! Nakalimutan ko eh." balewalang sambit nito.

Napasabunot ako ng buhok. I felt frustrated. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. But I won't give a damn. I'll do my best para mapalapit ako sa kanya.

"Mamayang alas diez, may meeting tayo. You should be there before or on time or else---"

" Or else what?" she cutted me off.

" I'll punish you." seryoso kong sabi sa kanya.

" O talaga? ano namang punishment 'yan? Yung masasaktan ako ng todo o yung hindi mo sasabihin sa akin na may field work tayo at iiwan na lang dito sa kompanya? Ganun ka naman 'di ba, nang-iiwan?"

Natulala ako sa sinabi niya. I was shocked and not able to speak. Yeah, right. I left her that night after we talked not waiting for her response. Naging duwag ako sa oras na iyon dahil kahit sinabi ko sa kanyang mahal ko siya, natatakot ako na sagutin niya ako na hindi na pala niya ako mahal. Masakit at hindi ko kayang tanggapin kung sakali man.

" Shan..."

"Don't worry Drake, I'll be go there on-time..." sabi niya at sinimulan na niyang ayusin ang gamit sa lamesa. " ...kung wala ka ng sasabihin, umalis ka na." pagtataboy niya sa 'kin.

I sighed before I turned my back. Thinking what she said a while ago. Sa sinabi niyang iyon na iniwan ko siya ay bumalik lahat ng ala-ala.

May iilan ng tao sa loob ng conference hall. Dumiretso na lang ako sa upuan at humilig. Wala ako sa mood makipag-usap sa iba. Ang gusto ko lang ay makita ulit si Shan lalong lalo na't malapit lang ang upuan niya sa akin. Isang bakante lang na inuupuan ni Engr. Hererro pero dahil wala pa siya, may pagkakataon akong pagmasdan at makausap si Shan.

Hindi nagtagal ay nakita kong pumasok si Shan. I kept staring at her, I also followed her gestures. Palinga-linga siya sa loob ng conference, pero ako ay nanatili pa rin ang tingin sa kanya. I can't take away my eyes off of her until she sat one seat apart away from me.

She glanced the empty sit beside me. Parang mabigat ang kanyang loob na maupo siya.

" Buti naman at hindi ka na-late? " I asked her while leaning on the rectangular desk.

She looked at me. Matagal niya akong tinignan and because of that I felt uncomfortable but it didn't last long.

" 'Di mo ba narinig yung sinabi ko kanina? I'll be here on-time but because I don't have such things to do, I went here before the scheduled time." mataray na sagot nito.

It Takes Time (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon