Bagong Kaibigan?

301 7 0
                                    

It's Sunday afternoon and I'm getting ready dahil aalis na kami para ihatid ako sa aking apartment malapit sa university na papasukan ko.

I can't help myself for not thinking my life away from my family. I know na malaki na ako. I'm now fifteen years old pero ayoko pang malayo sa kanila. Hindi ko ata kaya.

Nakatulugan ko na lang ang pag-iisip hanggang sa may naririnig akong busina kaya nagising ako.

Nandito na pala kami sa Cagayan kaya inihanda ko na ang mga gamit ko.

Pumasok kami sa isang subdivision kung saan nandito ang tutuluyan kong apartment. Maganda, malaki at malinis naman ito kaya parang maayos naman pero hindi rin maikakaila ang mahal na bayad dito.

"Shanaiah, maiiwan ka na namin dito ha. Mag-iingat ka dito palagi. Oh heto allowance mo. Uuwi ka rin every weekends kung gusto mo"sabi ni nanay sakin.

"Mukhang maganda naman at safe dito" sabi naman ni Uncle Jose. Siya ay isang pulis at siya ang papa ni Wilson.

"Opo Nay, Uncle. Salamat po sa paghatid sakin dito" sabay alay ng isang tipid na ngiti sa kanila.

"Alis na kami" paalam ni nanay.

Hayyy sana makayanan ko ang ganitong sitwasyon.

Nakilala ko naman ang mga magiging kasama ko dito sa apartment. Apat kami dito sa isang room pero malawak naman kaya okay lang samin.

"Hello ading! Ikaw ba yung sinasabi ni Kuya Jun na bagong boarder? Ako pala si ate Kate mo. Ikaw ano name mo?" tuloy - tuloy na sabi nito.

Si ate Kate ang unang nag-approach sa akin. Maganda siya. Maputi din, matangkad at sexy siya. Ang kinukuha niyang course ay BS BIOLOGY at nasa 3rd year college na.

"Ah ako po pala si Shanaiah"

"Anong course mo?" tanong naman ng isang babae na kasama namin. " Ako naman si Joyce."

Si ate Joyce naman ang sumunod na nagpakilala sakin.
Hindi siya gaanong matangkad.  Mabait ito at palangiti. Ang kinukuha naman niya ay DRAFTING at nasa 2nd year na siya. Kaya pala maraming posters ang nasa wall ng bed niya.

"Ah Engineering. Civil po" mahinang sambit ko

"Wow naman! Hi Shanaiah, ako si Alexa taga engineering department ako kaya pwede tayong magsabay bukas sa school. Alam mo na ba kung saan iyon?"

Panghuli naman si ate Alexa. Ang ganda niya sobra kahit hindi siya gaanong matangkad. Parang may iba siyang lahi, nagmumukha siyang Indian. Hindi siya maitim. Maputi ito at ang tangos ng ilong parang kay Coco Martin. Mabait din at matalino. BS CHEMICAL ENGINEERING ang kinukuha nito at nasa 2nd year na din siya.

"Hello po. Alam ko na po pero okay lang naman din kung kasabay kitang pumasok bukas ate. Salamat po" ngiting sagot ko.

Pagkatapos, nagkanya-kanya na kami ng gawain.
Hindi ko sila gaanong kinakausap dahil wala naman akong maibabahaging maganda or masasabi sa mga tinatanong nila. Tungkol kasi ito sa kpop eh hindi naman ako mahilig. First time ko lang marinig ang mga ito.

Minsan ay naiingayan ako sa mga kantang pinapatugtog nila pero nagkukunwaring okay lang ako pag tinatanong nila kung pwede silang magpatugtog ng ganun sa loob ng room namin.

Kinaumagahan, maaga kaming pumasok ni ate Alexa para tignan ang schedules namin. Naghiwalay na kami dahil magkaiba naman ang kurso niya.

Nakita ko si Debbie doon na tumitingin sa malaking bulletin board. Kinalabit ko siya na naging dahilan ng pagkagulat niya.

"Shan naman! Bat ka ba nambibigla?!"medyo pasigaw na saad nito.

"Ay sorry. Hindi ko kasi inaasahan na nandito ka. Nakita mo na schedule mo? Anong set ka pala?"

It Takes Time (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon