Mabilis lumipas ang panahon. Maraming nagbago. May umalis, may dumating. Pero ang hindi lang ata nagbago ay ang pang-iinis sa akin ni Elmer.
I am very thankful to God for all the blessings that He gave to me. Buti at nandyan siya palagi sa tabi ko para gumabay at tulungan ako sa mga pagsubok araw-araw.
Ngayong second year na ako, sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko na ang lahat para hindi na maulit ang nangyari dati.
Nung una kasi, nanghinayang sina nanay nung nalaman nilang may bagsak ako pero kinalaunan ay tinanggap na din naman nila. Buti na lang hindi nagalit si Kuya Dex sakin. Nauunawaan niya naman siguro dahil alam na din niya na mahirap talaga ang kursong kinuha ko.
Kasabay ko si Deb na pumasok ulit. Wala naman na kasi akong ibang kasabay bukod sa kanya.
Nakita ko si Elmer sa front seat kaya agad niya kong binati.
"Good morning Bonakid!Hahaha. Long time no see ah!"sabi nito sabay kindat sakin.
"Tsk! ang aga-aga Elmer ha, wag mo akong bwisitin" inis na sabi ko sa kanya.
"Hahaha masanay ka na. Alam mo ba hindi na dito mag-aaral si Zayn? Hahaha"pagbibigay impormasyon sakin.
Luminga naman ako sa loob ng klase namin. Buti na lang wala pa yung prof namin dahil ang ingay-ingay nila.
Nakita ko ngang wala ni anino ni Zayn pero meron naman si Kyla. Sa nakikita ko, masaya naman siya na parang walang break -up na nangyari."O ha?wala talaga siya kasi nag-shift na siya ng school hahaha"agaw pansin ni Elmer sakin.
"Eh? bakit naman?"
"Kasi gusto niya daw na magka-iba kayo ng course hahaha"
"Then?"naiinip na ani ko.
"Hahaha para pag mag-asawa na kayo ay hindi lang puro math ang ituturo niyo kundi tungkol din sa management hahaha"pagtutuloy nito.
"Manangement? Bakit ano ba kinuha niya?" i asked him curiously.
"H.I.M"pagdidiin nitong sabi.
"Ah okay"
"Hahaha uyyy kinikilig siya. May future na siya oh hahaha"
"Tumigil ka nga sa kakatawa. Hindi naman nakakatuwa pinagsasabi mo eh"pigil inis na sabi ko.
Walang humpay sa pang-aasar sa akin ni Elmer tungkol kay Zayn. Minsan nga nahihiya na ko sa pinag-gagawa niya dahil nakikita ko si Kyla na tumitingin samin. Baka naririnig niya ang pinagsasabi nito.
Nakakagulat lang na pinapansin ako ni Kyla. Hindi ko alam kung may motibo ba siya or talagang friendly lang siya.
Nadagdagan na ang kasama kong umuwi sa subdivision. Si Inigo, ka-boardmate ni Debbie. Maputi ito at medyo hindi katangkaran para sa mga lalake kung titignan.
"Ah taga san ka?"biglang tanong ko sa kanya kasi ang awkward lang na wala kaming pag-uusapan habang naglalakad pauwi.
"Taga Isabela ako"swabeng sagot niya.
"Eh? seryoso ka? San ka part?" excited na tanong ko.
"Sa Ilagan lang"
"Ah malapit lang. Taga- Roxas kasi ako."
Saktong nakarating na kami sa apartment nila kaya hindi na kami ulit nakapag-usap. Mas mauuna kasi ang apartment nila bago sakin.
**********
It's Friday! Makakauwi na ako sa amin. Hanggang alas tres lang kasi ang klase ko kaya may oras pa para maka-uwi.
Alas nueve ang umpisa ng klase ko at ang una kong subject ay General Physics 1. Nakakawala ng dugo ito dahil napakadaming formulas na imememorize. Madali lang naman ito pero dahil hindi masyadong ipinapaliwanag ni Ma'am Geneva De Lapaz ang tungkol dito ay talagang nahihirapan kaming intindihin.
![](https://img.wattpad.com/cover/153681401-288-k336270.jpg)