Api

1K 15 0
                                        

Shan's Pov

Masaya akong naglalaro  kasama ang mga kaibigan at pinsang lalake sa ilalim ng mangga ng jolens. Natatalo na ako  pero marami pa namang jolens sa bulsa ko kaya tuloy tuloy lang ako sa paglalaro.

"Haist!Ano ba yan?!Talo na naman ako!"sabi ng pinsan kong  si Wilson. Paiyak na siya kung kayat binigyan ko siya ng limang jolens. Masayang -masaya siyang tinanggap ito dahil makakapaglaro ulit siya.

"Grabe talaga Robin ang galing- galing mong mag-jolens.Tinalo mo kaming apat.Bigyan mo naman kami para laro ulit tayo!"sabi ni Vincent sa pinsan.

"Ayoko nga!pinaghirapan ko ito kaya bat ko kayo bibigyan?tsaka kung bibigyan ko kayo eh di parang niloloko ko lang sarili ko kasi tatalunin ko din kung ano yung binigay ko sa inyo?"sagot naman nito.

"Tara na nga lang."sabi naman ni Dennis.

Sabado ngayon kaya puro laro lang ang ginagawa ko. Ang saya talaga pag bata palang. Pagod na pagod ako kaya pagkatapos kong kumain ng dinner eh diretso na ko sa kwarto namin nina nanay at tatay.

Kinaumagahan,naghahanda na sina nanay at mga kapatid kong babae para magsimba. Pinili ni nanay ang isang jumper dress para sakin. Wala naman akong magagawa kaya sinuot ko na lang kahit labag sa kalooban ko. Hila-hila ko pababa ang laylayan nito dahil hindi ko talaga hilig magsuot ng ganito at saka hindi ako comfortable.

"Manalangin tayo sa Diyos.Sabihin niyo lahat ng gusto niyong sabihin sa kanya.Magpasalamat at humingi tayo ng tawad sa Diyos."sabi ng pastor namin.

Tinitignan ko kung ano ang ginagawa nila.May sinasabi silang hindi ko maintindihan dahil nakatungo sila pero laking gulat ko ng may biglang umiyak at humagulgol ng malakas.

Nakita ko ang isang babaeng matanda na nakataas pa ang dalawang kamay habang umiiyak. Palakas ng palakas ang iyakan dahil sumabay na din ang iba kaya napagdesisyunan kong lumabas dahil naiingayan na ko sa mga nangyayari.

Maraming bata ang nasa labas kaya nakisama na din ako. Masaya silang kasama kahit hindi ko sila kilala.Hindi kasi ako mahilig makipagkaibigan. May lumapit sa aking dalawang batang babae. Magaganda sila kaya minabuti kong bumalik na sana sa loob ang kaso pinigilan ako nung isa.

"Hi! Ako pala si Sunshine at ito naman si Aila kaibigan ko.Parehong pastor ang papa namin.Yung nagsasalita kanina ang papa ko,yung medyo maitim?hahaha at yung katabi naman niya ay ang papa ni Aila"pakilala nung matangkad at makinis na bata sakin. Sa totoo lang, pareho silang makinis pero mas maganda yung si Sunshine kasi parang may lahi.

"Ah ako naman si Shan."sagot ko.

"Shan? bat panglalake naman ata ang name mo?"napapantastikuhang tanong ni Ai

"Shanaiah Beatrice ang full name ko pero ayoko na ito ang tawag sakin kasi ang haba kaya Shan na lang. Mas magandang pakinggan at astigin"mahabang paliwanag ko.

"Ah sige kung yan ang gusto mo."ngiting sabi nito habang nilalagay ang nalaglag na hibla ng kanyang buhok sa likod ng kanyang tenga.

"May kailangan ba kayo sakin?"tanong ko sa kanila.

"Wala naman,gusto lang naming makipaglaro sayo kasi napapansin ko na hindi ka masyadong nakikipaglaro sa amin kanina.Ayaw mo ba samin?"malungkot na sabi ni Sunny. Iyan na lang daw ang itawag ko sa kanya tutal magkaibigan na kami. Wala naman akong naaalala na payag akong makipagkaibigan sa kanila. Psh!hayaan na nga lang.

"Ahm..sorry ah,hindi kasi ako mahilig sa mga nilalaro niyo kanina.Ayaw ko ng barbie at lutu-lutuan."nakangiting sabi ko para naman hindi nila masabi na ayoko sa kanila.

"Okay lang,ano ka ba hahaha.Kung gusto mo bili na lang tayo dun sa may likod ng ice candy.Nagugutom na kasi kami eh.Pwede bang samahan mo kami?"ngiting pakiusap naman ni Ai.

It Takes Time (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon