No hard feelings

160 4 1
                                    

Sa mga panahong hindi na kami nag-uusap, nasanay na akong parang wala nang kami. Wala nang nag-uugnay pa sa aming dalawa ni Drake. Kaya walang problema sa akin kung maisipan niyang maghiwalay kami.

I was happy na nagmessage si Drake sa 'kin ng kusa gabi nitong araw na 'to. Nakakatawa lang kasi yun na pala ang huli. Huli na maging kami. I don't know what to say. I was a little bit shocked.

What happened? Simple. Drake asked me kung pwede muna kaming maghiwalay. Hindi ako masyadong nasaktan sa sinabi niya kasi parang sa oras na ito, handa ako sa lahat. But I admit that my body froze when he said that. Hindi ako umiyak o naiiyak manlang sa sinabi niya. Maybe, it's because I knew to myself that I didn't love him that much.

"Give me a reason why do you want to break up with me?" I asked him. Ang gwapo niya grabe para siya mismo ang makipagbreak. Pero okay lang kung yun ang gusto niya tutal days had passed, medyo parang walang kami.

"Hindi ako ang para sa 'yo Shan. I don't deserve you. I have many insecurities in life." Wala naman akong pakialam kung ano yung mga mali ni Drake. As long as nandoon siya for me okay lang but the problem is hindi niya alam.

"I'm sorry Shan."

" It's okay." And that's the truth. No hard feelings.

After all, Drake requested if we can be still be friends to each other. I agreed. Hindi naman niya ako masyadong nasaktan sa sinabi niya kaya okay lang sa akin. Siguro nga, sa iba, ayaw nilang makipagkaibigan sa mga exes nila. But for me, being a friend to him is good. We started to be friends so why ended up not to be friend with him?

Nanghinayang lang ako kasi ang bilis lang. Hindi ko pa nga siya nalilibrehan eh. Pero okay lang din para walang baon na mabawas.

I posted a qoute on my facebook about forgiveness to make our own life peaceful. Gusto ko lang ipahayag na mas maganda kung papatawarin natin ang mga taong nagkamali. Hindi man agad-agad kang magpatawad lalong lalo na kung ito'y hindi makatarungan, basta sa ibang panahon, mapatawad mo siya. Then ten minutes after, he also posted on his own about acceptance. Nalaman ko lang dahil iniscreenshot ni Ella yung post naming dalawa and sent it to our research group chat. Actually naguluhan din sila. They asked me kung anong pakulo naming dalawa. They asked me kung nag-away ba kami or what. Para daw kaming aso't pusa.

Kinaumagahan, Ella asked me about it. Naglalakad kami papunta sa paradahan ng tricycle.

"Parang nag-break kayo ah?" she joked. Hindi niya alam, totoo na. Kaya I told them the truth.

"We broke up." I smiled. Tinignan nila akong dalawa. Kwinento ko ang nangyari sa aming dalawa ni Drake.

"Ang gwapo naman niya para siya ang nakipaghiwalay sayo. " Julia said. Ella agreed to her.

Hindi pala alam nina Ate Zette yung totoo. Akala ko sinabi na ni Drake sa kanila. They asked me again about it so I assumed na wala siyang binanggit sa kanila. Sinabi ko naman ang totoo sa kanila.

"Shan, okay lang yan. Marami pa naman eh." si Ate Monique. They are really a good friend lalo na si James. Parang nanghinayang siya sa nangyari kasi nababakas sa itsura niya noong nakita ko siya.

Two days had passed, Ate Monique and James chatted me. Kinakamusta nila ako kung ayos lang ba ako. Sinabi din nila sa akin na ganoon talaga si Drake. Paiba-iba ang asal kaya intindihin ko na lang daw siya.

"I'm really fine. No hard feelings involved so no problem." sabi ko sa kanila.

"Oh, Hi!" bungad na bati ni Drake sa 'kin kinabukasan pagkatapos ng una naming klase. "Ayos ka lang ba?"

Ngumiti ako ng malapad. "Oo naman. Bakit naman hindi ako magiging maayos?" Natigilan siya saglit. Nawala ang ngiting kanina ay nakaplaster sa kanyang mukha. Napalitan na ito ng seryosong tingin.

It Takes Time (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon