Sa lahat ng nagbabasa nito, sobrang salamat po. Super thank you po!!! And I want to dedicate this chapter to @glendajonnabaybayan😊
Shan's POV
I'm still thinking why Tristan brought me here. Why not Krisha? Why me?
Nagtataka rin ako kung bakit iniwan niya si Krisha doon sa restaurant. Bakit hinayaan niyang mangyari iyon? Hindi ba naisip ni Tristan na baka magselos si Krisha? Baka ako pa ang maging dahilan ng pag-aaway nila kung sakali. And I don’t want that to happen. I don’t want to get involve on their relationship. Kahit naman ayoko kay Krisha, hindi ko naman gustong masira ang relasyon nila.
Si Drake. Ano na lang ang sasabihin ko sa kanya? Paano kung magtaka siya kung bakit bigla na lang akong umalis? Baka nakita rin nila kami ni Tristan na magkasamang umalis. There will be a big problem if it is true.
At isang napakalaking pagkakamali ang nangyari kanina. Hindi dapat iyon nangyari sa pagitan namin. Aaminin kong nagustuhan ko pero hindi sapat iyon para hayaan si Tristan na gawin iyon. Why did he kissed me? And why did the hell I let him do it? Its such a shame.
So after that kiss, an awkward silence happened. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Though he lifted my chin, nanatiling nakatagilid ang aking mukha para lang hindi siya makita. When he saw my determination not to see him, he let go of me and he stood up.
Umupo ako sa kama at tiningala siya.
"W-where are we?" I asked.
I'm waiting for his response but he didn't answer.
Walang imik siyang tumalikod at naglakad. Malapit na siya sa pintuan ng magsalita siya.
"We're here in Baguio." Mahina niyang sambit sabay bukas ng pintuan at umalis na ng tuluyan.
Ilang oras din akong nagkulong sa kwarto bago lumabas. Prinoproseso ang nangyari habang hawak-hawak ang dibdib na sobrang bilis ng tibok. Iniisip ko rin ang mga pwedeng mangyari habang nandito ako—kami pala.
Nung bumaba na ako,nakabukas ang mga ilaw pero wala akong nakita na anino ni Tristan. Gabi na pala. I went to his kitchen, then to the living room but he's not there. Saan naman kaya ' yon nagpunta?
Umupo muna ako sa kulay ube niyang sofa. Nilibot ko ang paningin at ngayon ko lang napansin na karamihan sa mga gamit dito ay lila, meron din naman iilan ang kulay puti. Nakakapanibago na ganito ang kulay ng kanyang bahay. Pfft.. si Tristan na hindi ngumingiti at palaging seryoso ang mukha, may bahay na ganito? Funny.
Hayy.. kani-kanina lang, sinabi sa akin ni Tristan na nandito kami sa Baguio City. Sobrang lamig ngayong gabi pero wala akong dalang jacket o alinmang pwedeng gamitin para mapawi ang lamig sa katawan.
Nanginginig man, lumabas pa rin ako. Hindi masyadong madilim dahil may maliliit na ilaw ang nagsisilbing liwanag sa labas ng bahay. Niyakap ko ang sarili para kahit papaano'y humupa ng kaunti ang lamig sa katawan.
Tumungo ako sa isang maliit na kubo. Hindi naman ako nahirapang makarating dahil sa mumunting ilaw at christmas lights na nakasabit sa kubo.
Christmas is coming but why is that, I can't feel it? Malapit ng matapos ang taon na ito pero hindi pa rin nangyayari ang gusto ko. Malabo na atang mangyari ang nais ko sapagkat sa nakikita ko ngayon, wala ng pag-asa. Pero may parte pa rin na nagsasabi sa akin na mayroon, mayroon pa akong pag-asa. Ang pag-asang ibigin ako ng taong iniibig ko.
The nipa hut is simple and comfortable to sit. It has two long wooden chair on both corner. You can rest here every afternoon for relaxation. May mga bulaklak din kasi itong nakapaligid.
![](https://img.wattpad.com/cover/153681401-288-k336270.jpg)
BINABASA MO ANG
It Takes Time (On-going)
Fiksi PenggemarIt takes time to finally found the right person.