Maraming salamat po sa pagbabasa neto! Sana patuloy niyong suportahan at basahin sa kabila ng lahat. Honestly, exam week namin ngayon pero dahil sa inyo Fam..mag-uupdate ako. Nakakawala kasi ng stress ang SharDon plus! dahil sa star magic ball, nagkaroon ako ng time para mag-update. I love you guys!😊
P.S. Sobrang ganda ni Sharlene at sobrang gwapo naman ni Donny sa Star Magic Ball!!!! Though hindi sila ang pair doon...# SharDon pa din pero #Nashlene din ako😉
[Summer part 1]
"WOOOOOOOAAAAAAHHHH!!!! GOOOOOOOO TRIIIIIIIISTAN!!!"
"TRISTAN! TRISTAN! TRISTAN!"
"WAAAAHHHHHH!!!! GO CENTROOOOO!!CENTRO!CENTRO!CENTRO!"
"NORTE!NORTE!NORTE! GO NORTEEEEEE! LAMPASUHIN NIYO YANG MGA YAAAAAAN!"
"AAAAAHHHHHH!! ANG GWAPO NI DAVIIIIIID! I LOVE YOU DAVID NG BUHAY KOOOOO!!!"
"TALO NA ANG CENTRO WAHAHAHAHAHA!!!"
"MY GOOOOOOOSH! ANG GWAPO TALAGA NI TRISTANNNNNN!! I'm gonna dieeeee!"
"SHEEEET ANG LUPEEEET NILAAAAAA! CENTRO for the wiiiiiiin!!"
"AAAAAHHHHHHH!!!! ang galing talaga ni Tristan mag-shoot! dagdag pogi points siya sakin hihihihi"
Hayyyy....ang iingay nila grabe. (--.--)
"Prrrrrrrrrt! time-out Team Norte!" sigaw ng referee.
Obviously, nandito ako ngayon sa basketball court malapit sa barangay hall namin. Mahilig kasi ako manuod at maglaro ng basketball so I'm here. Not the other way around na sumisigaw para icheer ang mga players. Si Stephen Curry lang ang gusto kong icheer...wala ng iba!. ( ^_^) Gusto ko rin sanang icheer si Tristan kaso nahihiya ako.
Pumunta naman ang both team sa kani-kanilang pwesto. Ang nasa left corner ay Team Norte. So technically, sa right ang Team Centro. Sa kasamaang-palad I'm part of Team Centro same sa mga babaeng katabi ko ngayon. Yung dalawa, sina Iwa at Karin, ay mga pinsan ko. Then, yung iba na ay mga friends nilang dalawa. I have no friends on this place.
Sa mga nakasuot ng red jersey ay mga Team Centro at blue naman sa kabila.
"Oh my! Sana tumagal si Tristan sa loob ng court. Siya ang magpapanalo sa Team Centro kaya itotodo ko ang pagchicheer!hihihi"
"Grabe giiiiiirls....yung likooooood! ang yummy hihihi...pag humarap naman..ang gwapoooooo waaaaahhhhh!!!"
Kinakausap niya yung isa sa teammates niya, si Robin. Siya yung kababata ko at kalaro ko nung mga bata pa kami at nung nagstay siya sa bahay ng lola niya. Kapitbahay namin sila dati kaso lumipat na sila sa bahay mismo nina Robin. Hindi naman sobrang layo ang bahay nila kaya nakikita ko siya minsan. Nag-smile lang kami sa isa't isa kapag ganun. Hindi na gaya ng dati na sobrang close kami. As in bro's talaga ang turingan. Only child kasi siya.
Ang laki ng tinangkad niya ah. Ang laki rin ng pinagbago.
Sa kabilang banda, hinanap ko naman yung David. Wala namang 'DAVID' ang may nakasulat sa mga likod nila.
"Uy babaita!..tignan mo si David. Ang nag-iisang heartthrob sa Norte hihihi" narinig kong sabi ng isang babaeng taga-Norte. Dahil curious ako sa David na yan, nanatili akong tahimik at nakinig sa kanila. "...kahit ang seryoso ng mukha, ang gwapo pa rin. Kaya habulin ng chicks eh"
"Asan gurl? hindi ko ma-sight si papa David natin."
"Gaga ayun oh!" sinundan ko naman yung daliri niyang nakaturo. Naka-direct ito sa lalaking naka de kwatrong upo. Hmmm..moreno din pero hindi siya singkit at hindi gaanong matangkad. So siya pala...okay!
